Leah's Pov.
Nakapagpalit na sya ng damit, pero magkukulong muna sya sa kanilang kwarto.
Ayaw nyang lumabas dahil natatakot syang makita ang lalaki...
Pagkatapos nga ng tagpong yun ay mas lalo dapat nyang iwasan ang lalaki, tama si Mae dipa nya lubos na kilala ito baka nga may masama itong balak sa kanya.
Wag naman sana! Gusto ko pang umuwi gusto ko pang makasama ang pamilya ko, please!
Ngayon ay nararamdaman nya ang awa sa sarili kung bakit nya nararansan ito kung bakit sya
napasok sa ganitong sitwasyon.
Namumugto ang kanyang mata dahil sa pag iyak kaya humiga muna sya
hanggang sa di namamalayang makatulog...
Pag gising ay kinuha ang cellphone mag aalasdyes na pala ng gabi ilang oras din ang pagkukulong nya sa kwarto kaya naman nagugutom na sya.
Ang pinagtataka pa nya ay nasaan si Mae at ang mga kasama nito?
Kelangan nyang kumain dahil sa nagugutom na talaga sya, kaya lang ay natatakot parin syang baka nasa labas lang ang lalaki kaya pumikit nalang sya ulit at matutulog....
Magtatanghali na ata dahil mainit na ang sinag na tumatama sa kanyang mukha nagpabalikwas pa sya ng bangon saka pumasok ng banyo.
Ngayon kelangan na talaga nyang lumabas para hanapin ang mga kasama pero ang tahimik ng buong bahay, nasaan kaya sila?
Bigla naman kumulo ang tiyan nya kaya nagpasya na syang magluto.
Bahala na!
Nagluto sya ng sinangag,itlog, hotdog at nagtimpla ng kape.
Nilagay sa isang tray at dadalhin nalang sa kwarto para duon kumain, mahirap na baka maabutan pa sya dito.
Sigurado namang tulog pa yun dis oras!
"Bahala sya sa buhay nya
marunong din naman sigurong magluto ang hinayupak, tsk."
Anya pa...
Napasigaw pa sya sa pagkabigla dahil
sa gulat pati at ang tray na dala ay muntik pang mabitawan buti nahawakan nya ito ng mabuti.
Bigla bigla kasing susulpot ang lalaki habang pangiti ngiti itong nakatunghay sa kanya nakasandal pa ito sa dingding at nakapameywang ang isang kamay?
Pero bakit ganito para parin syang modelo sa tindig kahit nakapajama lang at sandong puti?!
Tumikhim ang lalaki kaya bumalik sya sa ulirat.
Ano bang pinag iiisip ko sa lalaking ito, may kasalanan sya sakin kaya dapat lang na wag ko itong pansinin!
Nagtuloy tuloy ako sa paglabas sa kusina dala dala ang tray ng pagkain pero bigla itong nagsalita.
"I'm hungry, can you cook for me?"
Aba't ang hinayupak may gana pang mang utos, baka nakakalimutan nitong may kasalanan sya sakin?!
Diko ito sinagot.
Pero bigla itong lumapit sa kanya at kinintalan pa sya ng halik.
"Or maybe this is enough for us?
I'll bring it."
Anang lalaki na kumindat pa sabay kuha sa tray na dinala naman sa bandang swimming pool.
Naiwan syang tulala pero bat ba parati nalang syang ganito parating natitigilan sa tuwing hahalikan ng lalaki ni hindi nya kayang magprotesta.
Anong bang nangyayari sakin?
Binalikan sya ng lalaki at hinalikan ulit saka iginiya papuntang labas.
Sa bilogang lamesa sila pumwesto, hinila pa ng lalaki ang upuang gagamitin nya parahap kaya salubong ang kilay nyang tiningnan ang lalaki.
Gaya nung una humiwa eto ng itlog pero tinititigan muna ang kanin na niluto nya at kalaunan ay sinubo rin.
"Mmmm, I like it, your cooking good!"
Nakadalawang subo ito bago naisipang subuan sya, parang syang bata dahil pinapanganga sya nito pero dahil gutom narin sya ay sinubo nalang.
"Sorry for the last night
I didn't meant to hurt you..
I can't control my self when I saw him kissing you, f**k him!"
Anya rafael na umigting pa ang panga dahil sa Inis.
Ganito pala ito kung magalit, nakaka takot!
Itinaas naman nya ang kamay para patigilin ito sa pagsasalita.
"But, why did you do that, sir?"
Anya kahit kinakabahan.
"Drop that sir, Leah!"
Nakikita nya ang Inis sa mukha ng lalaki at umiigting din ang panga nito habang ang kutsara ay mahigpit na hinahawakan.
"I know, I make wrong move but because I felt angry and jealous."
Wala syang maisip na isasagot sa sinasabi ng lalaki.
" Where is Mae and the others? "
Tanong nga nya sa lalaki.
"I full them out here!"
Ano? Pinaalis nya ang mga kasama, lahat lahat?..
"I love you Leah.. can you love me back?"
Anang lalaki pa.
Pero di nya kayang sagutin ang tinatanong nito kaya yumuko nalang sya..
Naramdaman nalang nya ang pag taas ng lalaki sa kanyang mukha at inilalapit nito sa kanya ang labi.
Di nya malaman sa sarili kung bat sya tumutugon na dito.
Ang bawat galaw ng halik nito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang saya.
Ganito ba ang pakiramdam ng hinahalikan ng lalaki sa Unang pagkakataon?
Pero bakit sya ganito ang dali dali para kanya na mahawakan man lang ng lalaki, nagkakagusto ba ako sa kanya?!
Oo at si rafael ang unang humalik sa kanya, wala syang naging kasintahan mula kanyang lugar sa pilipinas..
Bigla naman syang nagising sa imahinasyon.
Naalala nyang bigla na silang dalawa lang pala ang natitira dito sa isla at sa isiping iyon ay kinakabahan na sya...
"Wait! can we go home?!"
Anya.
Ang lalaki naman ay nakaawang pa ang labi habang nakapikit.
"No.. We stay here together until you realise and telling me that you love me too."
Anang lalaki saka sya hinalikan ulit
Pero sa pagkakataong ito ay di na sya pumayag kaya tumayo sya at iniwanan itong mag isa.
"You can't avoid me Leah!"
Pahabol pa ng lalaki sa kanya pero Di na nya ito nilingon pa at tuloy tuloy na sa kanyang kwarto para mag kulong...
******
Mae's Pov.
"Oi Mae, bat nga ikaw lang dumating?
Asan si Leah,may nangyari ba?"
Tanong sakin ni zia habang papasok ako sa kwarto namin.
Kahapon pako nito kinukulit pero diko sinasagot.
"Naiwan sya kasama si Sir Rafael sa isla!"
Sabi ko dito saka tuloy tuloy akong pumasok sa banyo ng di nagsasara.
"Tapos?"
"Nag away kasi ang dalawang lalaki..."
Pabitin ko pang kwento dito.
Nakita ko naman kung paano ito mainis.
"Ikwento mo na kasi!"
"Hayun nga nagsuntokan si sir at yung si faisal at dahil kay Leah!"
"Bakit, Anong dahilan?"
"Hinalikan lang naman nung faisal na yun si Leah, ngayon dumating si sir at nakita nya..."
"Kaya nagsimula na silang magkagulo!?"
"Ganun na nga."
"Eh ang haba pala ng buhok ng friend natin dalawang lalaki agad ang nag aagawan."
"Sinabi mo pa.
Pero itikum mo yang bibig mo ah, baka mamaya Ikwento mo naman sa mga kasama natin dito eh alam mo namang di pwedi, kaya manahimik ka, ayus na yung tayo tayo lang nakakaalam. "
Sabi ko dito dahil may pagkamadaldal din talaga ito minsan.
"Sige, makakaasa ka!"
Anya zia.
Nagpaalam ito ulit sa kanya dahil pinapatawag naman sya ng amo nito, sakto naman na dumating si elle na salubong ang kilay.
"Oh, 'nangyari sayo?"
"Haisst, nakakainis lang yung bagong nurse ng matanda masyadong maarte, kaya hayun pinatawag ako ng matanda para tawagan ko raw si Leah!"
"Kaso dipa sila dumarating, saka mahina ang signal dun kaya mahihirapan tayong kausapin sya."
Sabi ko dito.
"Panu yan, nahahigh blood na talaga yung matanda dahil panay ang sigaw na sa bagong nurse."
"Ikaw na muna mag alalay alam naman nating nasanay talaga ang matanda kay Leah, kaso wala talaga sya.
Saka wag na wag kang magkukwento sa matanda tungkol sa sinabi ko sa inyo ni Zia ha, kundi malalagot tayo."
"Oo na, sya sige at gusto ko ng mag pahinga..."
Humiga na ito sa kama ng di naman nag papalit ng uniform, madalalas ganito ang gawain nito kaya tinutubuan ng makakati sa katawan dahil masyadong tamad sa katawan.
"Maligo ka kaya muna."
Sabi ko dito.
"Bukas na, pagod na ako...."
Anya, kaya hinayaan ko nalang..
Kinuha nya ang cellphone at sinubukan ulit tawagan si Leah.
Pero Di talaga makontak..
Nag aalala parin sya dito kahit papaano baka kasi kung ano ng gawin sa kanya ng lalaki...