Leah's Pov.
Matapos nga nakakapagod na trabaho ay sa wakas makakapahinga narin sila.
"Haist, nakakapagod ang araw na to!"
Ani Mae na binibinat pa ang kaliwang kamay.
"Alam nyo bang may nakilala kaming driver sa labas?"
Ani zia.
Galing sila sa labas ni Mae.
"Mukhang hot! "
Dagdag naman ni Mae.
"Nagulat nga ako roon kahapon kasi bigla nalang susulpot sa likod ko."
Sabi ko.
"Ah, kaya naman pala nagtataka yon, kung bat mo raw tinalikuran at di man lang pinansin, pero sa totoo lang bata pa sya siguro tumanda lang ng dahil sa begoti."
Ani zia.
"At nga pala pinapatanung kung anu raw pangalan mo."
Si Mae na nagtaas baba ang kilay habang nakangisi.
"Anong sinabi mo?"
"Syempre Hindi namin Sinabi,
Tsk. Kami ang nakikita sa harapan pero Iba ang hanap? ganda mo rin anuh!?"
Sabay irap ng dalawa pero kalaunan ay nagtawanan rin sila, ganito na talaga silang apat sanay na sa pikunan.
"Pero binigay ko number mo."
Dagdag na sabi ni zia sabay peace sign.
Lumaki naman ang mata nya sa sinabi nito kaya sabay batok.
"Ikaw talaga, Mamaya nyan tatawag yun at mangungulit."
Hanggang sa maramdaman nya ang pag vibrate ng cellphone.
number calling...
"Sagutin mo na, baka sya na yan!" ngingisi ngising kindat ni Mae sa kanya.
Pero di nya sinagot at hinayaan nalang mamatay ang tawag, nakailang beses rin itong nag misscall pero hinayaan parin nya kita naman sa mukha ng mga kaibigan ang pagkadismaya.
Iniwan ko sila at nagtungo nalang sa banyo para maligo...
Pagkalabas ay sakto namang papasok si Elle na nakangiti?
"Masaya ka ata?"
Puna ko habang nagpapatuyo ng buhok.
"kachat ko kasi ang mahal ko, saka dahil may party!"
Ani Elle.
Napansin ko pang may dala itong paper bag.
"Heto, susuutin natin."
Sabay abot sakin at tiningnan ito.
"Wow, ganda naman nito!"
Isang tuxido style para sa babae ang uniform..
Nagtipon tipon na sila sa kwarto para sukatin ang damit na isusuot....
*****
Ngayon na nga ang araw ng selebrasyon ng matanda at may iilan na ang taong dumarating sa Lugar kung saan ito ipagdaraos.
Sila naman ay nasa kani kanilang kwarto pa..
"Bagay ba sakin?"
Hapit na hapit ito sa katawan ko at
Sa wakas ay pinayagan silang mag ayos para naman daw maaliwalas tingnan ang itsura nila.
Di lang ito simpleng selebrasyon lang kundi bongga at dahil kaarawan ng matanda ay wala muna silang iintindihin trabaho..
Pagkatapos nya sa mga kaibigan ay tinungo na ang kwarto ng matanda, para dalhin na sa Lugar, bihis na ito at tapos narin magpaayos.
Kumatok muna sya sa pinto bago pumasok.
"You're so gorgeous madam."
And happy birthday."
Bati ko sa matanda.
"Thank you Leah.
You look so pretty also."
Anang matanda na hinawakan pa ang kanyang pisngi.
Matamis na ngiti ng matanda ang sumilay sa mukha nito kahit paman nasa sesyenta y anyos na eto ay halata parin ang kagandahan nito kahit kulubot na, yun nga lang naka-wheelchair na ito dahil sa kondisyon.
Nung una nahirapan syang mag adjust dahil Di pa sya sanay pagdating sa pagpupuyat nabubulyawan pa sya ng matanda at kung tutuusin para na syang caregiver nito..
Dumating sila sa bulwagan at dito namamangha sa nakikita.
"Wow!"
Mahina nyang sambit pagkalabas nila ng elevator.
Maroon and white ang temang kulay na paborito naman ng matanda, puno ng red roses ang paligid ng stage
sa gitna ay may isang malaking queen chair na kulay maroon din,
pang donya talaga!!
Pabilog ang mga lamesa sa gitna nitong bulwagan may red and white roses sa bawat lamesa na nakakadagdag atraksyon sa mata.
Dumarami na ang nagsisipag datingan na bisita at isa isa na nga itong lumalapit sa matanda para batiin.
May iilan ding kalalakihan ang napapalingon sa kanya at tinatanong pa ang matanda kung anak ba sya nito...
Sa di kalayuan naman ay natanaw nya si Mae na abala sa pagkain.
Lalapitan nya muna ito dahil tamang tama naman kasama na ng mga anak ang mantanda kaya babalikan na lang nya ito mamaya.
"Anu ginagawa mo dito, at Asan ang mga kasama natin?"
Anya na tinatawanan pa si Mae dahil ang lakas nitong kumain.
"Diko sa mga yun, kumain kana muna kaya."
"Mamaya na, nakakahiya naman sa mga bisita."
"Ano ka panu akong makikita dito, saka sige ka mamaya abala na tayo sa kanila kaya dapat lang na kumain kana kahit kunti."
Tama nga ito dahil di naman talaga ito makikita dahil natatakpan ng kurtina at kasa kasama rin ang alagang bata na abala rin sa pagkain..
May mga iilang pinoy din ang nagseserve dito kaya makikipagkamustahan narin sila.
Hinatiran pa sya ng isang lalaking pinoy ng pagkain habang nakaupo sya sa tabi ni Mae at gumagamit ng cellphone.
"Miss, heto oh kumain kana muna."
Anang lalaki na ang laki ng ngiti nito.
"Salamat."
Anya saka tinanggap ang pagkain.
Nakipagkwentohan naman ito sa kanila saglit at nalaman na sa iisang probinsya lang pala sila nalaman rin na halos mag lilimang taon na itong nagtatrabaho ito dito.
At gusto pa nitong hingin ang cellphone number nya, ayaw nya sana kaso si Mae ay masyadong madaldal at parati ang singit kaya kalaunay nabigay rin nya..
Faisal Pov...
Nakatayo ito sa labas ng bulwagan at tinatanaw ang loob nito, marami na ang tao dito na halos lahat ay mayayaman.
Kung tutuosin isa dapat sya sa loob bilang isang kilalang bisita.
Ngunit dahil sa kanyang pagkatao ay kailangan nyang itago ito.
Kaya mananatili sya sa kung anong pagkatao ang dinadala ngayon.
Lingid pa sa kaalaman ng babae ay tinatanaw nya ito mula sa kinatatayuan.
Nakikipag kwentuhan ito sa isang lalaking matangkad na sa tantya nya ay kapwa nito kababayan.
Masaya itong nakikipag usap na paminsan minsan pang bumubulong ang lalaki sa tainga ng babae.
Di nya maiwasang kumunot ang nuo sa nakikita gayong halata naman sa babae na wala itong interest makipag usap sa lalaki.
Nais nya sanang lumapit dito upang kunin ang babae at ilayo pero naalala nya palang kahit sya ay iniiwasan din ng babae,natatandaan nga nya nuong unang nakita nya ito at nagulat pa.
Gagawa nalang sya ng hakbang para mapalapit dito total nasa kanya na man ang numero nito na kahapon pa nya tinatawagan ngunit di talaga ito sumasagot..
Nang biglang umilaw ang kanyang cellphone na nasa kamay at nakatanggap ito ng minsahe galing sa isang tao...
"RAFAEL IS COMING."
Paparating na ang lalaking hinihintay nya...
Pumwesto muna sya sa may gate ng resort upang matiyak na darating nga ito.
Ngunit dahil sa paparating pa na ibang bisita ay kailangan pa nyang mag ingat...
Leah's Pov.
Nagpasya muna syang lumabas ng bakuran matapos ngang makipag usap sa mga bagong kaibigan na pinoy.
Dito ay kinuha ang cellphone sa bulsa at nagpasya syang Tawagan muna ang mga magulang sa probinsya, nag message kasi ang ate nito na nasa hospital raw ang nanay nya at kailangan nila ng pera.
Kaya habang nakikipag usap rito ay di nya maiwasang maawa dahil halata sa boses ng ina ang panghihina kaya Di na sya nagdalawang isip na sabihin na magpapadala sya ng pera sa makalawa.
Kaya ng Matapos silang mag usap ay nagpasya na syang pumasok ngunit napansin pa nya ang isang bulto ng lalaki na halatang Di mapakali sa kinatatayuan at Di faisal ito.
Gusto sana nya itong lapitan ngunit naalala nyang iniiwasan pala nya ng lalaki kaya minabuti nalang na tumuloy sa loob...