Leah's Pov. Pagkatapos nga ng tagpong iyon ay di na umalis ang kaibigan sa tabi nila, Di narin ito nag kasagutan ulit dahil parati syang namamagitan na sa tuwing magsisimula palang ay magsasalita na sya. Minsan naman ay pinapagsama pa sila ng bata na sabay sabay raw sa pagkain na minsan ay ikinatataas pa ng kilay ng ama at pag iling naman ng kaibigan ngunit dahil narin sa pamimilit ng bata ay nasusunod nila ito.. Naipaliwanag narin nya sa anak kung bakit sinuntok ng tito nya ang kanyang daddy at kahit pa nagsinungaling lang sya dito ay mas mabuti na basta wag lang tatatak sa utak nito ang nangyari.. Sa ngayon ay mas parating kasama na ng anak ang ama nito kesa sa kanya, na minsan pa ay isinasama nito papuntang manila. Sinisiguro naman ng ama nito na sa mga kaibigan lang talaga ny

