ERRICA'S POV.
Matapos ang isang linggo ay naging maayos na ang aking pakiramdam dulot ng trahedya, at kasabay nga ng paglipat namin sa dati nitong condo ay ang selebrasyon naman ng kaibigan nitong si Paul.
Kasalukuyan kaming nasa unit nito dahil dito na ginaganap, kasama ang mga kaibigan nitong malalapit pati na ang ibang kamag anak na puro lalaki, imbitado rin ang dalawa kong kaibigan na darating maya maya...
"Baby..."
Tawag sakin ni Nethan mula sa aking likuran, napakagwapo nito sa kulay itim na polo long-sleeved kaya pakiramdam ko ay napakaswerte ko paring babai dahil kasintahan ako nito.
"Saan ka galing?"
Tanong kong inaayos ang kwelyo ng damit habang sumagot.
Habang hahalik naman ako sa labi nitong manipis ay inaalalayan rin akong tumingkayad para maabot ko pa.
"Parati mo nalang akong pinapahirapan sa tuwing hahalik ako sayo, sa susunod hindi na ako ang mauuna."
Sabi kong pinagsalikop ang kamay saka tumalikod dito.
Naramdaman ko naman ang paghimas nito sa aking tiyan saka ako ilalapit sa kanya at bubulong sa punong tainga.
"Gusto mong pasanin kita sa banyo at dun tayo magsawang maghalikan?"
"Maari ba?"
Balik tanong kong nang aakit.
Yakap yakap ako nitong hinahalikan sa nuo at patungong kwarto ng kaibigan nya, malawak ang lugar nito na may sariling balkonahe pa kaya ang iilang bisita ay nandun lang nakikipag usap.
Nang makasalubong pa namin ang babaing matangkad, blonde ang buhok nito at mukhang kaedad lang nya.
Nakipag kilala ito sa akin saglit saka walang sabing hahalik kay Nethan pero pinigil nito sa balikat saka humalik lang sa kamay ng babai.
"This is my wife, Errica Marie Hendas."
Pakilala nito sa akin na ikinatuwa ko dahil sa unang pagkakataon ay sinabi ng mahal ko ang salitang iyon.
Ang babai naman ay taas kilay akong tiningnan, hanggang sa may dumating pang kakilala rin nya at nakipag usap ang mga ito, hindi ako nito binibitawan hanggang sa may sumingit pang lasing sa pagitan namin..
"Sorry, but can we barrow your husband for a while?"
Tanong ng babaing isa.
"Don't worry baby wife, we're all friends here, just wanna talk to him."
"Saka makakasama mo naman sya mamaya sa pagtulog."
Bulong pa ng isang babai rin.
Nakita ko naman ang pag iwas ni Nethan sa mga ito at tinungo ako saka yumakap at humalik sa aking nuo, magsasalita rin sana ito pero inunahan ko na...
"Kausapin mo na sila, matagal kayong di nagkita kita eh.
Saka darating naman din maya maya ang mga kaibigan ko, kaya ayos lang."
Sabi ko rito, pero nakikitaan ko ito ng pagtanggi.
"Hindi makakarating ang mga kaibigan-"
Sabi nitong naputol dahil sa pagsingit pa ng isa pang lalaki na nakipagkamayan sa kanya.
"Sige na okay lang ako rito, hihintayin nalang kita.."
Yun lang at pinatalikod na sya ng mga kaibigan sa akin, ako naman ay naiiwang tinititigan sila papalayo hanggang sa makalabas ng balkonahe...
"Kung ako lang din ang masusunod ay isasama parin kita kahit pa tinatawag ako ng mga kaibigan ko, hindi kita iiwanan dito ng nag-iisip kung bakit hindi man lang nakipag-usap ang mga kaibigan nito sayo..."
Baritonong boses ng lalaki, malalim ang sinabi nito pero naiintindihan ko.
Lumingon ako at tiningala ang seryuso nitong mukha habang nakatingin din sa iilang tao...
"Ayos lang naman sakin, saka uuwi rin ang mga yan mamaya..."
Sabi kong mahinaon kay Rex.
Hanggang sa unti unti itong tumingin sa akin at inalis din..
"Maayos naman ba ang pagsasama nyo?"
Tanong pa nitong muli saka namulsa habang seryuso parin ang mukha.
"Ayos naman..."
"Nasa isang lugar ako nung mangyari ang trahedya sayo, kaya ng malaman ko ang balitang yun ay kinumpronta ko ang kasintahan mo...
Hindi ba nya nabanggit sayo?"
Sabi pa nito, saka ko naaalala ang pag uwi ni Nethan isang gabi na lasing na lasing.
"Nagkasakitan ba kayo nun?"
"Hindi natuloy dahil sa mga kaibigan namin, at hanggang sa ngayon ay di parin kami nagkakaayos at simula naman nung nasa boutique mo kami."
Wika pa nito.
Yumuko ako rito dahil diko alam ang isasagot.
"Pasensya na kung diko napipigilan ang sariling ipahayag sa kasintahan mo ang nararamdaman ko para sayo-"
"Rex tama na, ayukong marinig."
Sabi ko rito saka walang sabing iniwanan ko ito.
Lumabas ako ng unit saka tinungo ang elevator, susunduin ko nalang ang mga kaibigan ko na diko sigurado kong saan ba.
Bahala na, sa lobby nalang ako maghihintay kesa dito na may kausap ang kasintahan ko at ang lalaking si Rex naman ay dapat ko ring iwasan...
Narating ang elevator saka ko pinindot ang first floor, nang bigla pang sumingit ang kalahating katawan ng lalaki upang makapasok.
Ngayon ay kasama ko na ito at taas nuo lang na nakatayo sa harap ng pintuan patalikod sa akin.
"Nang iiwan ka bigla, Errica...
Pero kaya ko lang naman sinabi sa kasintahan mo ang lahat nun ay para paalalahanan sya...
Dahil kung hindi ay mawawala sa kanya ang babaing mahal."
Inangat ko ang paningin at nakita ang seryuso nitong mukha na nakatitig lang sa akin.
Bat ang tagal ng first floor?
"Mahal parin kita Errica-"
"Hindi Rex...
Wag mong sabihin yan, dahil kasintahan ko ang kaibigan mo."
Kinakabahan kong sabi rito.
Humarap ito sa akin at unti unting lumalapit, hanggang sa isang dipa nalang ang layo nito.
Bat diko kayang lumayo?!
"Rex.."
Sabi ko pang mas lalo lang kumakabog ang dibdib.
Iiwas na sana ako rito pero nahawakan na nya ang magkabila kung pisngi saka humalik sa akin ng napakagaan, hanggang sa unti unting pumupulupot ang kamay nito sa aking likuran.
Ang halik nito ay kaparehas din sa mahal ko nakakawala ng ulirat, ang pakiramdam na dinadala ako nito sa kaligayahan ang t***k ng puso ko ay bumibilis na sa kay Nethan ko lang din naramdaman.
Ang pinagkaiba lang ay huli ko itong nalalasap sa kanya..
Napamulat ako at nakitang namumungay ang mata nitong nakatitig sa akin, habang ako ay natitigilan bigla ako lumayo at napalunok ng sariling laway dahil sa hiyang naramdaman...
"Gumanti ka ng halik, mahal ko... Ibig bang sabihin ay may pagtingin kana rin sa akin?"
Dahan dahan nitong sinasabi.
"Mali ka, wala akong gusto sayo, kaya kalimutan natin ito-"
"Ayuko, dahil mahal kita at alam ko na ngayon na mahal mo rin ako kaya gagawin ko ang lahat... Mapasakin ka lang."
Sa puntong ito ay mapusok na ang iginagawad nitong halik pero mabilis na akong kumawala saka sya sinampal ng malakas.
Hawak hawak ang pisngi nito habang bumukas na ang pinto.
Mabilis ang t***k ng dibdib kong lumabas ng gusali, diko alam kung saan ako pupunta.
Kunting pagkalito lang ang nararamdaman mo Errica kaya wag kang nagpapadala, alalahanin mong may Nethan kang minamahal at kinakasama!....
Dinala ako ng mga paa sa isang bar at dito ay uminom ng uminom.
Blanko ang isip ko sa anumang bagay, diko alam kung normal paba ang nararamdaman kong ito.
May tumabi aking lalaki at kinakausap ako nito, pero parang timang lang itong nagsasalita dahil wala akong iniitindi.
Maingay dito na halos nakakabingi dahil sa musika, hanggang sa naramdaman ko ang paghawak ng lalaking ito sa aking kamay.
"Hey woman, are you deaf!?
I wanna ask you for a dance!"
Sabi nitong naintindihan ko na dahil sa lakas nitong bumulong, pero diko parin ito sinagot hanggang sa hahablutin na ako nito upang patayuin ngunit may isang matangkad na lalaki naman ang nasa harapan namin at bigla bigla nalang nitong sinunggaban ng suntok ang lalaking nakahawak sakin.
Natumba ang lalaki sa lamesang katabi habang hawak hawak ang panga, maya maya naman ay lumapit ang ilang lalaking matatangkad rin at walang sabing sinikmurahan ang nagtanggol sa akin pero nakatayo ito ng mabilis kaya sumugod rin at tinamaan ang mata ng kalaban.
Umawat ang bouncer saka nagsulpotan ang mga lalaking kaibigan ni Nethan.
Kinuha ulit ang kamay ko ng lalaking nagtanggol at lumabas kami, sakto rin na may humintong sasakyan sa harapan at lumabas rito ang lalaking mahal ko na kinatatakutan ko na rin.
Yumakap ito sa akin saka tinitigan akong mabuti, may sinasabi ito ngunit diko maintindihan kaya inalalayan nalang akong pumasok sa loob.
Katabi ito habang nasa unahan ang dalawang lalaking nasikmurahan at ang isa pang kaibigan...
Narating namin ang gusali kanina at buhat buhat na naman ako nito sa balikat...
Sa elevator palang ay rinig ko ang usapan nila ng lalaking nasikmurahan ngunit diko ito naiintindihan...
Hanggang sa pumasok naman kami sa isang kwarto, huminto ito saglit at parang nakikipagtalo pa...
Dahan dahan ako nitong inilalapag sa kama habang nangingiti ko pang hinawakan ang kanyang pisngi pero maya maya rin ay matitigilan ako dahil sa seryusong mukha nito, kaya nahiga nalang at diko na alam ang sumunod na nangyari dahil sa pagka idlip...
*******
LEONN'S POV.
Natatawa ako habang inaalala ang itsura ng kuya ko kanina, naiinis ito dahil ako ang unang dumating at tumulong sa kasintahan nitong ipinagdadamot sa akin.
Nang makita akong hawak ang kamay ng babai ay biglang nag-iba ang itsura nito sa loob ng sasakyan ay pinapagalitan ko rin dahil sa pagpapabaya na naman kaya hindi na ito umimik...
Nang nasa elevator na kami ay sumama parin ako para makasigurado pa, pero pag dating sa unit nito ay pinagbantahan na ako saka itinulak ang nuo kong pinagsarhan ng pinto...
"Kumapit kang mabuti Aryana, isa kapa.
Diko alam sa inyong mga babai na ang hihilig nyong uminom na di nyo naman kaya."
"M-magdrive kana lang k-kuya.."
Sabi nitong lasing habang nakayakap sa likuran ko.
Matapos ko ngang malaman na nasa bar ito at nakikipag inuman sa mga kaibigan ay mabilis ko ring pinuntahan.
Pero dahil nandun din si Errica ay nauna ko itong tinulongan matapos kong makita ang lalaking hawak hawak ang kamay nya.
At ng makabalik ako ulit ay ang kapatid ko na ang lasing...
"Kuya, sino yung babai kanina?...
Girlfriend mo?"
"Hindi, dahil naunahang nakilala ni kuya ang babaing yun.."
Huli na para bawiin ko ang nasabi rito.
"Si kuya naman, madamot...
Kahit ipakita lang ang kasintahan ay ayaw..."
Aniya pa Aryana, nang bigla pa akong nagulat dahil sa paggalaw nito at hinampas ako sa likuran.
"Oo! Si kuya Nethan nga yung nakita ko kanina! Aist, sabi mo nasa Amerika sya!?
Puntahan natin please, gusto ko syang upakan dahil di dumalo sa graduation ko! Anuh ba!"
Sunod sunod nitong hinaing.
"Tumigil ka Aryana, baka matumba pa tayo."
"Cheey! Ibaba moko dito.
Nakakainis kayong mga lalaki, nang iiwan kayo sa ere at ang bwes*t na Pedro na yun ay nagpunta na nga ng Amerika!"
"So, kaya ka naglalasing ay hindi para mag celebrate?!"
Seryusong sabi ko, tumahimik naman ito saka naramdaman ang pagyakap ulit sa akin, kasabay ng hikbing naririnig ko...
"Mahal mo ba sya?"
"Eeehhmm.."
Sagot nito habang umiyak na ng umiyak...
Babai nga naman...
Kailan karin kaya darating sakin?...