ERRICA'S POV.
"Bakit agad agad?
Dika man lang nagpasabi kahapon o nung isang linggo para preparado, hindi yung ganito?!"
"Baby..."
"Nakakainis ka, alam mo namang hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko eh, Nethan naman."
Naiiyak ko ng turan dito habang inaayos nya ang gamit sa maleta.
Aalis ito patungong United State para sa trabaho at ang mas lalong ikinaiinis ko ay mamaya na ang alis at mananatili ito ng isang linggo duon...
"Wag ka ng malungkot, saglit lang naman yung araw na yun o baka nga hindi rin ako abutin ng isang linggo dun."
"Sasama nalang ako, please?"
Pagmamakaawa ko pa, saka ito yayakapin sa baywang.
"Hindi kasi pwedi baby, dahil magiging abala ako sa trabaho kaya hindi rin kita maasikaso dun-"
"Edi wag ka ng umalis."
Sabi ko pang mas hinigpitan na ang pagkakayakap rito, saka nito hahawakan ang magkabila kong pisngi para patingalain.
"Pag uwi ko ay magbabakasyon na tayo sa isla at tayong dalawa lang dun."
Sabi pa nitong unti unti akong pinapahiga hanggang sa pumatong.
"Ayuko paring aalis ka."
Imbis na sagutin ako nito ay inaalis nalang ang botones ng damit hanggang sa tumambad na rito at mabilis dinakma ang aking dibdib, ang isa nitong kamay ay nasa aking hiyas at inilalabas masok narin.
"Please Nethan, h-huwag mo akong d-daanin sa g-ganito, Aaahh..."
Patuloy lang ito sa ginagawa hanggang sa napapaliyad na ako sa sensasyong hatid ng ginagawa nito.
"I want to f*ck you right now until I go..."
Bulong nito na maautorisado, hinuhubad narin ang damit at pantalon nitong suot kaya tumambad sa akin ang naninigas nitong alaga at walang sabing itinutok sa aking lagusan, unti unti itong dumudulas papasok hanggang sa tuloyan na at umpisahan akong bayuhin ng malakas.
"F*ckk.. Aahh! Ehhmm!"
Ang mukha nitong puno ng pagnanasa ay mamimiss ko sa ilang araw na mawawala ito, at ang ginagawa nito sa akin ngayon ay gabi gabi kong hahanapin...
Mahal na mahal kita Nethan, at kahit anong mangyari ikaw parin ang nag iisang lalaki na pag aalayan ko ng pagkababai...
*****
Diko alam kong anong oras na pero madilim parin sa labas at wala na ito sa tabi ko, naiiyak akong humiga ulit saka pumikit pero hindi na ako dalawin ng antok...
Ang pakiramdam na malayo ang taong mahal mo ay ganito pala, napakalungkot mag isa...
Nang bigla pang umilaw ang aking cellphone at nagpadala ito ng mensahe.
KARARATING KO LANG DITO BABY, PERO TATAWAGAN KITA BUKAS NG UMAGA ULIT, I LOVE YOU ... I MISS YOU..
YOUR SWEETHEART. 😘
Mas lalo lang akong nawalan ng gana kaya pinatay ko nalang ito saka pumikit ulit na may luha...
Kinabukasan ay nasa sala lang ako at nanunuod ng balita.
Wala akong ganang pumasok sa trabaho ngayon dahil ang gusto ko lang ay hintayin ang tawag nito para makausap na sya...
Hanggang sa makalipas ang isang oras ay wala parin at nararamdaman ko na ang gutom kaya nagpasya muna akong magluto...
Nasa balita rin ngayon na malakas ang ulan...
Nalilibang nalang ang sarili hanggang sa inabot pa ng gabi pero wala paring Nethan na tumatawag, pero bigla na itong tumunog kaya dali dali ko itong dinampot at kunot nuong tinititigan ang mensahing galing pala kay Rex.
I'M STILL WAITING MAHAL KO...
REX...
Ngayon ko lang din maaalala ang kahapong sabi nito na magkikita kami, pero wala ako sa mood para pansinin ang drama nya kaya binura ito, nang bigla pang tatawag...
Naiinis kong hindi sinagot at hinayaan nalang na tumunog ng tumunog hanggang sa iwanan ko sa upuan...
Habang nasa banyo ay inaalala parin ang mahal ko na baka may makilala itong mga babai dun at bigla nalang syang akitin, naiinis kong iwinasiwas ang ulo dahil sa isipin...
Hanggang sa natapos akong maligo at magbihis narin, tinungo muli ang kusina upang magluto.
Mag aalas dyes na ng gabi pero hanggang ngayon wala paring tawag ang mahal ko...
Umupo akong muli saka binuksan ang telebisyon, puro balita lang ang napapanuod dito kaya nilipat ko naman sa ibang Channel...
Bigla namang may kumatok kaya walang gana ko itong tinungo saka binuksan pero laking gulat ko dahil si Rex!
Sinarado ko ulit ito ng mabilis saka naglock ng pinto.
Anong ginagawa nya dito?
Saka bat sya basa?
Nagpa-ulan ba sya?
Tinungo ko ulit ang upuan at ipinagpatuloy ang ginagawa, nang makatanggap pa ako ng mensahe galing sa kanya at nilalamig na raw ito pero wala akong balak pagbuksan ito...
******
Nagising ako sa ilang ulit na katok at umaga na pala, tinungo ang pinto saka ito pinagbuksan.
"Aah, sorry sa istorbo ma'am, pero dinala na po namin ang kasintahan nyo sa ospital dahil kanina pa po sya dito nakahiga sa pintuan at mataas po ang lagnat..."
Paliwanag ng lalaki na nagpapagising sa aking ulirat.
Ibig sabihin hindi talaga sya umalis dito kagabi at nagkasakit pa?!
"Ah, heto nga po pala cellphone nya ma'am.."
Sabi nitong muli at aalis na sana pero pinigil ko at kahit may alinlangan ay tinanong ko parin ito kung saang hospital dinala...
******
Diko sigurado sa sarili pero naglalakad na ako sa pasilyo at tinutungo ang sariling kwarto nito, hanggang sa matapat at unti unti ko itong binuksan.
Tumambad sa akin ang nakapikit at bahagyang nakahiga ang katawan nito sa kama, lumapit ako ng dahan dahan saka ipitanong ang cellphone sa lamesa, dinama muna ang nuo nito at mukhang ayos naman din kaya tumalikod nalang ako pero bigla naman itong kumapit sa aking daliri.
"Alam kong mahal mo ako kaya ka dumating dito."
Mahina nitong pagkakasabi, hanggang sa pakiramdam ko ay parang bumabagal ang oras habang hinihila nito ang aking kamay papalapit sa kanya, napahawak ang palad ko sa dibdib nito upang pigilan ang pagbagsak pero sinadya pa nitong idiin ako kaya ngayon ay nakayap at magkalapat na ang kalahating katawan namin...
Kaming dalawa lang sa kwarto kaya ang tahimik na lugar ay nagiging dahilan upang marinig ang pagtibok ng aking puso, unti unti narin nitong inaangat ang aking mukha upang matapat sa kanya, ang pabango nitong panlalaki at hiningang malamig ay amoy na amoy ko, hanggang sa napapalunok ako dahil sa napakalapit na nito na halos magkadikit na ang aming labi...
Diko alam sa sarili pero naaakit na ako sa sitwasyon namin ngayon, unti unti kong inilalapit ang labi sa kanya hanggang sa tuloyan ngang maglapat. Ang halik nitong napakagaan sa akin ay para bang hinahanap ko sa ilang beses na pagtanggi sa sarili na hindi sya mahal...
"I love you, Rex..."
Bulong kong mahina, saka makikita ang puti ngipin dahil sa pag ngiti ng bahagya.
"I love you so much, mahal ko..."
Yun lang at hinalikan ako nitong muli ng napakagaan, ang bawat galaw ng dila nito sa aking bibig ay ginagaya ko narin, ang higpit ng yakap nito sa akin ay nagbibigay ng kahulogan kung gaano ako kahalaga rito.
Lumayo ako rito ng bahagya upang makita ang mata nitong. namumungay, pinahid ang labi nitong tuyo saka pinatong sa kanyang balikat ang aking ulo.
Nagmamahal ako ngayon at yun lang ang alam ko...
*******
NETHAN'S POV.
Kararating lang namin sa hotel kung saan nasa kabilang kwarto ang sekretarya ko, hindi ito alam ng mahal ko dahil baka magselos lang...
Tuloy tuloy sa sala at pagbukas palang ng laptop ay mensahe at tawag na mula sa kanya ang lahat ng natanggap, ngayon ko lang ito nakita dahil pagdating palang kahapon ay nakipagpulong na kami sa mga business partner kaya nakalimutan ko rin ang obligasyon dito...
Mag-aalas nuebe palang ng umaga rito at siguradong gising pa yun ngayon kahit mag aalas dyes na ng gabi...
Nagpadala muna ako ng mensahing humihingi ng paumanhin dahil sa di pagtupad sa pangako at nagtitipa naman ito pero maya maya ay buburahin din hanggang sa makailang ulit.
Nagpasya akong tawagan nalang...
"Good evening gorgeous."
"Nakakatampo ka, sabi mo tatawag ka kahapon pero di mo tinupad."
Bungad nitong iniirapan ako.
"Sorry na baby, nakalimutan ko kahapon dahil nasa meeting na kami at ngayon nga lang ako nakarating dito."
"So, kaya kaba ngayon lang magpapalit?"
"Eehm."
Tipid kong sagot habang inaalis ang kurbata pati ang botones ng damit.
"Namimiss na kita sweetheart... Pwedi bang pumasok nalang ako rito sa loob para mapunta dyan sayo?"
Sabi ba nitong ikinangiti ko.
Sasagot sana ako rito ng bigla namang may kumatok sa pintuan, nagpaalam saglit upang tungohin...
Pag bukas ay ang sekretarya ko ang napagbuksan at may ibinibigay pa itong mga papelis..
"What time is my schedule?"
Tanong ko habang binubuklat ang papel na hawak.
"This afternoon at two o clock, sir."
"Okey, then take a rest now."
"Okey Sir, salamat..."
Nagtataka akong pumasok sa loob dahil ngayon ko lang mapapansin ang kakaibang ikinilos ng sekretarya, malumanay itong nagsalita na di naman ginagawa sa opisina pero binalewala ko nalang at tuloy ng umupo ulit upang makita ang mahal ko...
"Mukhang hindi kana nalulungkot sa pag alis ko baby, dahil nangingiti ka na ngayon."
Wika ko pa sa kanya dahil hinahawakan nito ang cellphone at may kung anong nagpapatawa.
"Kasi isang customer ang makulit sweetheart, para sa order nilang mga damit."
Dahilan nito, pinakita naman sa akin ang cellphone pero hindi ko ito maklaro sa harap ng laptop.
"Kailangan bang ikaw ang gumawa nyan?"
"Hindi naman, pero kasi nag eenjoy akong tumulong sa kanila saka... Sweetheart, magpapaalam sana ako sayo na may pupuntahan sa susunod na araw... Pwedi ba?"
"At saan ka pupunta?
...Dahil ang pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa ang mga kaibigan mo at hindi pa yun sila makakabalik."
Deretsahang sabi ko rito.
"Pupunta lang ako sa kamag anak ni mama pero don't worry dahil babalik naman ako dito bago maggabi..."
"Diko alam na may kamag anak kapa pala dito sa pilipinas dahil wala ka namang naikwento dati."
"D-dahil nakalimutan ko, kaya sige na please?"
"Pag iisipan ko muna."
Sabi ko dito, ngumuso naman ito na parating ginagawa sa tuwing maiinis.
"Sige kung ganun, babye na."
Yun lang at pinatayan na ako nito, hinayaan ko nalang dahil gusto kong magpahinga muna ngayon saka sya kakausapin ulit...
Binuksan ko ang files kung saan nakarecord lahat ng videong kuha sa unit namin, ang kahapon ay nasa sala ito na di mapakali sa kakaupo hanggang sa tatayo at tutungo sa kusina upang magluto, maya maya ay uupo at tutungo na naman sa may pintuan ngunit dismayado ako dahil hindi na ito nakukuhanan, hanggang sa bumalik din kaagad.
Makalipas pa ang ilang oras ay mukhang nakatulog na ito kaya pinindot ko pa ang isang kuha at makikita rito na umaga na tumungo ulit sa may pintuan hanggang sa bumalik ulit pero pumasok ito sa kwarto kaya nilipat saka makikita ang pagbibihis nito at mabilis na tinungo ang pintuan at di na bumalik...
Napapadiin ang hintuturo ko dito dahil sa wala man lang itong binanggit kanina...
Kailangan ko na naman bang mang utos ng tao upang pabantayan ka sa ginagawa mong paglilihim, Errica!?