ERRICA POV.
Dumating ako sa bar na halos magkandahaba haba ang leeg sa paghahanap sa mga kaibigan ko dahil sa dami ng tao ngayon.
"Oii babai!
Halikana sa itaas dahil nandun na si fafa Nethan."
Aniya chloe habang nakaabresyete na ito sa braso ko.
"Saglit, sinong fafa Nethan?"
Tanong ko ulit, saka kami napahinto sa itaas na ng hagdanan.
"Edi sino paba?!"
Tinuro na nito ang isang lalaking nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan habang may katabi itong babai na maiksi ang damit na halos lumuwa na ang malaking dibdib.
Pero ang nakaagaw pansin sakin ay ang lalaki, ito yung iniisip ko palang kanina.
"Halikana-"
"Saglit. Fafa Nethan pala ang pangalan nya?"
"Timang, Nethan Hendas ang buo nyang pangalan pero dahil nalaman namin na malayo pala ang agwat ng edad nyong dalawa ay fafa Nethan ang itawag mo sa kanya."
"P-pero paano nyo nalaman ang pangalan nya at edad?"
"Twenty seven na sya at ikaw ay twenty palang kaya seven years gap rin oh.. Em.. Gi..
Saka nalaman namin dahil sa mga kaibigan rin nya. "
Wika pa nito habang hinihila ako paitaas pero nanatili akong nakatayo at nakakapit rin sa relis.
"At nakakausap nyo talaga ang mga kaibigan nya?"
"Yes of course, kaibigan na nga rin turing nila samin maliban kay Fafa Nethan, dahil mukhang seryuso talaga at mainit ang dugo nyan kay Andria kaya tingnan mo naman nasa sulok at kausap lang yung isang kaibigan, kaya halikana.."
Mahaba pa nitong paliwanag.
"Pero saglit pa, kasi nag-usap na kami nyan na hindi na magkikita ulit."
"Eh bat ka nandito?"
"Kayo yung tumawag kaya akala ko ay ibang fafa Nethan ang tinutukoy nyo."
Paliwanag ko pa dito.
"Haa! Basta halikana, kalimutan mo ang pangako.. "
Lumapit kami kay Andria na babaing babai ngayon katabi nito ang isang lalaking matangkad at gwapo rin.
"Ohh Rex, here she is, our Errica!
Errica si Rex.. "
Pakilala ni Andria sakin.
"Hi Errica..
Sabi ko na nga ba't hindi ako nagkamali dahil maganda ka nga talaga."
Aniya Rex, inilahad nito ang palad sa akin na tinanggap ko naman kahit alanganin.
"Salamat."
Tipid kong sabi.
Tinititigan ko ang kamay naming dalawa dahil dipa nito binibitiwan hanggang sa inagaw na ni chloe ang atensyon namin sa pamamagitan ng pag ubo.
"Sorry, saka ngayon lang kasi kita nakita ng malapitan kahit pa nagkita na tayo nung lunes..
Ang kaso ay malayo ka at kahalikan mo na nuon si Nethan."
Deretsahang sabi nito sakin.
Ako naman ay namamangha sa sabi nitong huli, kaya naman ngumiti lang ako ng bahagya na parang nahihiya.
"Rex, pwedi naman siguro kaming makijoin sa grupo nyo kasi wala ng bakante!"
Bulong pasigaw ni Andria sa lalaki.
Tumango ito saka kami niyaya.
"Andria, diba sabi ko sayo hindi na ako makikipagkita sa Nethan na yan, baka mahalungkat yung alam mo na!?"
Bulong ko dito habang kinukurot ang tagiliran nito.
"Don't worry girl, dahil wala talagang sinabi ang Fafa Nethan na yan sa mga kaibigan, I guarantee!"
Sagot pa nitong kumindat.
"Saka kalimutan na raw yun dahil katuwaan lang naman."
Aniya pa chloe.
Naramdaman ko naman ang isang braso sa aking tagiliran at ng sundan ko ito ay kamay ni Rex, nakangiti ito habang nagkakatitigan kami.
Umupo kaming magkatabi habang nagsasalin na ito ng alak sa baso saka iaabot sa akin, tinanggap ko ito at sa di sinasadya ay napadako ang tingin ko sa lalaking tinititigan pala ako, kaya naramdaman ko ang kaba dahil sa alalahaning paghuhubad.
Bat ako nagkakaganito?
Bat masyado akong guilty sa titig palang nya?
Saka diba matapang ka Errica, oh bat ngayon ay natatahimik ka dyan?
"May problema ba sweetheart?"
Bulong sakin ni Rex, habang nakikipag usap din ito kay Andria kaya diko rin masagot ang tanong nito.
Tinungga ko nalang ang laman ng baso at pakiramdam ko ay masusuka ako sa tapang ng alak na 'to.
Ano bang pinainom ng lalaking ito sa sakin, bat ngayon lang ako nakatikim ng ganito, ang pait!
"Hey dude, do you remember Errica?"
Tanong ni Rex kay Nethan na relax na relax lang sa pagkakaupo.
Tumango ito saka dumako ang tingin sakin at itinataas pa ang baso ng alak..
Sa pagpapatuloy ng kwentuhan at pakikipag inuman namin sa kanila ay tinatamaan na ako ng alak.
Habang panay pa ang bulong sakin ni Rex sa mga corny jokes nito ay sya namang huli ko sa titig sakin ni Nethan.
"Dont mind it, if I invite you to dance?"
Aniya Rex, tumango ako dito kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ay nakatayo na ito saka Inilahad ang palad sa akin.
Pababa kami habang inaalalayan ako nito sa kamay.
Nakihalobilo kami sa mga taong nagsasayaw habang masyado kaming magkalapit na dalawa, ito rin ang unang beses kong sasayaw na kapartner ay totoong lalaki.
Itinataas ko ang kamay habang nakikisabay sa musikang maingay saka ko mararamdaman ang palad nito sa aking tagiliran habang sabay kamay bumaba't tumataas sa pag sayaw.
"You know what, I like you."
Bulong nito sakin na halos diko naintindihan dahil sa lakas ng tugtog kaya pinaulit ko pa ito, pero tanging ngiti lang ang isinagot sa akin..
Patalikod pa akong nagsasayaw dito habang nararamdaman ko ang hininga nito sa aking leeg, ramdam ko rin paminsan ang malapad nitong katawan hanggang sa ang kamay na nito ay nakahawak na sa aking tiyan.
Bigla pa kaming huminto sa pagsasayaw dahil yakap na ako nito habang nakatalikod parin at ng aaktong hahalikan ako nito ay sya namang kita ko sa dalawang paris ng mata na nakatitig sakin mula sa itaas.
Lumayo ako kay Rex habang napapalunok.
"What happened?"
Tanong nito sakin, pero imbis na sagutin ko ay nagpaalam nalang ako dito na pupunta lang sa ladies room..
Pagdating sa loob ay maraming babai kaya nakipagsisikan pa ako, hanggang sa marating ang isang pintong walang tao, umupo saka pinakawalan ang kanina pang pinipigilan.
Nang matapos ay nanatili pa akong naka upo habang iniisip ang ibig sabihin ng mga titig na yun.
Diko kilala ang Nethan na yun, pero pakiramdam ko ay kilala nya ako.
O baka kasama na naman yan sa pag eelusyon mo Errica, na baka may gusto sya sayo dahil nakakatitig syang masama!?
Winasiwas ko ang ulo upang mawala ang iniisip tungkol dito saka nagpasyang lumabas nalang, at balak kong magpaalam nalang kela Andria at chloe dahil sira na ang gabi ko.
Nagtataka kong pinagmamasdan ang loob dahil wala na ni isang babai rito.
Saan nagpunta ang mga yun?!
Humarap nalang ako sa salamin saka naghilamos na ayos lang dahil di talaga ako naglagay ng kolorete sa mukha ngayong gabi.
Pag-ahon ay sya namang pagkasulat dahil sa lalaking nasa likuran ko.
Hinarap ko saka ito lumalapit ng paunti unti sakin hanggang sa parang hangin lang ako nitong binuhat at pinapatong sa lababo.
"Are you disparate, young lady?"
"A-anong pinagsasasabi mo?"
Balik tanong ko dito, habang mataman itong nakatitig lang sakin.
"Don't be fool young lady..
I know what I see and you trying to seduce my best friend Rex-"
"Of course not!
Sya ang unang hahalik sakin, hindi ako!"
Sagot ko pa, pero ngumisi lang ito ng nakakainsulto.
"Why do you need to come back in this place?
Or you want to tell them the truth, that your undressing -"
Pag-iiba nito sa usapan, pero tinakpan ko na ang bunganga nito.
"Please no?"
Inalis nito ang kamay ko sa bibig nya saka nag salita.
"So stop going in this place, and focus on your job."
Aniya pa Nethan, pero panu nito nalaman na may trabaho ako?
"Alam mo ang trabaho ko?"
"Yes, of course..
And the other information about you."
Wika pa nito.
"Promise, hindi mo na ako makikita dito ulit.. Pasensya."
Hinging paumanhin ko dito, saka ako baba pero pinigil pa ako nito saka naman ipinulupot ang braso sa aking balakang.
Pero ang diko inaasahan ay ang pag halik nito sa akin, napakagaan ng paggalaw nito kaya namamalayan ko nalang na humahawak ako sa batok nito at gumaganti narin sa bawat galaw nya, hanggang sa bumitaw ito at pinakatitigan akong mabuti sa mata.
"Promise me to be a good girl, focus on your dream and I'll give you a reward, ehm?"
Wika nito sakin na kahit diko maiintindihan ang ibig nitong iparating ay tumango parin ako...
******
Sakay ng kotse nito ay hinatid ako sa hotel na tinutuloyan ko.
"Wait."
Sabi pa nito habang inaalis ang sariling seatbelt.
Dumaan ito sa harapan saka tumapat at binuksan ang pintuan na nasa gilid ko, inaalis nito ang aking seatbelt kaya amoy na amoy ko ang panlalaki nitong pabango.
Ang lamig sa ilong, sa pakiramdam..
"Your dreaming young lady?"
Bulong nito sakin habang unti unti akong dumidilat kaya naman kita ko ang asul nitong mata.
"Take rest, and sleep well."
Yun lang at kinintilan ako nito ng mabilis na halik...
Wala sa sariling pumapasok ako sa hotel, pakiramdam ko ay wala akong nakikitang mga tao kahit pa may naririnig akong nagbubulong bulongan.
Hanggang sa marating ang pinto, gamit ang susi ay binuksan ko ito saka tuloy tuloy sa sala.
Bat ganito Errica?
Bat dika nagprotesta kanina?
Anong nangyayari sa sakin?
Bat parang ang bilis?
Boyfriend ko na ba sya?
Kasi naghalikan na kami ng ilang ulit.
Tapos hinatid pa nya ako dito.
Saka bat kailangan kong umuo sa gusto nitong mangyari sa aking trabaho?
Bat kailangan ko syang sundin na wag ng pupunta sa bar?
Bat nya ako kilala?
Sino sya?
Ginulo ko bigla ang buhok ko dahil sa daming tanong na bumabagabag sakin ngayon, tapos kanina pako tuliro anong ginawa ng lalaking yun para magka ganito ako sa isang gabi lang?
Biglang tumunog ang cellphone ko at may numerong ngayon ko lang nakita, sinagot ko ito dahil baka si Andria o chloe na iniwanan ko pa naman sa bar.
"Sorry, but I forgot to say I love you.."
Natitigilan ako dahil sa baritonong boses sa kabilang linya.
Hindi ako maaaring magkamali, si Nethan ang kausap ko pero paano nito nakuha ang numero ko?
"Are you still there?"
Tanong pa nito ulit dahil di ako sumagot.
"A-ah, yes andito pa ako.."
"I said, I love you.."
Bat ganito?
Bat parang ang saya ko?
Errica, mag I love you too kana rin!
"I love you too."
"I'll see you tomorrow."
Yun lang at nawala na ito sa kabilang linya.
Pakiramdam ko naman ay para akong kinikiliti na diko maintindihan dahil nangingiti nalang akong bigla...