Chapter 17

1732 Words
ERRICA'S POV. Nasa sasakyan kami at papauwi na, kanina ko pa ito pinagmamasdan na mahigpit ang hawak sa manibela. "Sweetheart, tell me naman oh, galit kaba sa akin?" Tanong ko rito pero di ako sinagot. Kanina paglabas ng mga kaibigan ay maayos silang nagpaalam sa akin maliban kay Rex na tiningnan lang ako mula ulo pababa ng walang emosyon kaya diko maiwasang makaramdam bigla ng pagkadismaya. Pinasok korin kanina sa loob si Nethan pero sakto itong papalabas habang di na ako pinapansin, hanggang sa habulin ko ito dahil balak akong iwanan at ngayon nga ay nananatili paring tahimik. Iniisip ko kung may kinalaman ba ang pagpunta ng mga kaibigan nito sa boutique... Nahinto pa ang sasakyan sa gitna ng kalsada kaya kinuha ko itong pagkakataon para yakapin sya at para maramdaman nitong nasa tabi lang nya ako. "Sweetheart, may nangyari ba sa pag-uusap nyo ng mga kaibigan mo?" Sa puntong ito ay masama na ang titig sakin at ngayon ko lang nakitang ganito ito kaya natahimik akong bigla saka ako umupo ng maayos at nagmaneho ulit... Hanggang sa makarating kami ng bahay ay di ako nito pinagbuksan ng pinto at tuloy tuloy lang sa loob, lumapit naman si Carlos na pinagbuksan ako at nagtataka itong tumititig sa akin. "Magandang gabi po ma'am Errica. Galit po ata si boss." Wika nitong di nagtatanong, diko na sinagot sa halip ay tumuloy na ako sa loob. Nadatnan kong wala ito sa sala na kadalasan ay dito ang punta nito bago tumuloy sa kwarto, pumanhik ako at pagbukas ay wala rin dito pati sa banyo. Nilagay ko muna ang bag na dala sa kama saka tinungo si aling meding, nasa kusina ito at napeprepara ng lamesa... "Nakita nyo po ba si Nethan, Aling meding?" Tanong ko na lumingon naman, pero seryuso ang mukha nitong tinitigan ako. "Pag ganyang mainit ang ulo ni Nethan di yan nagpapaistorbo, kaya wag mo munang hanapin." Sagot nito. Diko pa kilalang lubos ang mahal ko pero ang matandang si aling meding ay matagal ng nagtatrabaho sa kanya kaya pakikinggan ko ang bilin nito kahit pa binabagabag ako ng kunsensya na di man lang ito masusuyo. Pumasok ako ulit sa kwarto at naupo sa gilid ng kama, kinuha ang cellphone saka ako nagtipa ng mensahe at ipinadala rito... SWEETHEART, DI AKO SANAY NA GANYAN KA? 😔 ...... KAUSAPIN MO NAMAN AKO OH? ...... KUNG GALIT KA, PWEDI MO NAMAN ISUMBAT SA AKIN. WAG YUNG GANYAN NA MAGLILIHIM KA. 😟 ...... SWEETHEART, DI AKO SANAY NA WALA KA DITO SA KAMA MAMAYA KAYA BUMALIK KARIN DITO AH! HIHINTAYIN KITA. DI AKO MATUTULOG HANGGAT DI KITA NAKAKATABI. ...... SWEETHEART, PAG DI KA NA GALIT AH? TUMABI KA LANG SA AKIN... I LOVE YOU... 😔😟❤️ Yun lang at ibinaba ko na ang cellphone, tinungo ang banyo para makaligo narin at kahit dito ay naiisip ko parin sya kung saang kwarto kaya ito pumasok... Nang matapos akong magbihis ay nagpasya na akong bumaba at naabutan ko si aling meding na naglalagay ng pagkain sa isang tray. "Ako nalang po magdadala nyan aling meding?" Suhestyon ko dito, pero tiningnan lang ako ng masama saka inilayo sa akin ang pagkain. "Kakasabi ko lang sayo kanina ija, na hindi magpapaistorbo ang kasintahan mo sayo." Sagot nito sakin na idiniin pa ang salitang kasintahan, pakiramdam ko tuloy ay may ibig itong sabihin. Umupo nalang ako sa tapat ng lamesang prenipara ng matanda, naglagay ng kaunting pagkain sa plato saka walang gana ko itong sinubo. Habang nararamdaman ko ang butil na nangigilid sa sa aking mata ay binilisan ko nalang ang panguya. Bat ako iiyak? Wala naman akong ginagawang masama ah? Saka hindi naman nya sinasabi kong anung problema nya... Nag uumpisa palang ang relasyon namin kaya ito ba yung sinasabi nilang pagsubok na darating palang? Natapos akong kumain ay hinugasan ko nalang ang plato saka papanhik sa itaas, nakasalubong ko pa ang matanda pero hindi na ito nakatingin sa akin at nilagpasan lang ako. Bumuntong hininga akong humakbang sa hagdanan hanggang sa marating ang kwarto namin, nagbanyo ako saglit at dito tiningnan ulit ang sarili sa salamin saka ngumiti... Nag-iisa akong nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang litrato nito sa cellphone ko at habang hinihintay ang mensahe nitong ipapadala na kanina pa wala ay nagpasya akong buksan muna ang social account ko, dito ay nakita ko ang bagong post ng mga kaibigan na masayang masaya habang nasa ibang bansa sila at suot suot parin ang uniporme. Bigla tuloy sumago sa isip ko ang trabahong iniwanan dahil sa lalaking mahal, hanggang sa tumulo na naman ang aking luha... Nagising ako sa madaling araw na masama ang panaginip, isang lalaki raw ang papatay sa akin at diko kilala kung sino. Bumangon ako upang tungohin ang balkonahe at dito pinagmasdan ko ang maliwanag na buwan na nagbibigay ilaw sa buong subdibisyon. Nang bigla pang umilaw ang aking cellphone, may mensahe akong natanggap mula sa mga kaibigan ko at nangangamusta sa sitwasyon namin ni Netha kaya nagtipa ako ng mensahing masaya saka pinadala sa kanila, diko pa kayang ikwento rito ang maliit kong problema dahil baka mag alala ang mga ito... Nararamdaman ko na may nakatitig sa akin mula sa ibaba kaya nagpasya akong pumasok, isinara ang bintana saka tuloy tuloy akong sumampa sa kama, mag isa parin akong nahiga hanggang sa makatulogan ko na yata ang di rin pagbalik si Nethan... ****** Nagising ako kinabukasan na nagmamadali dahil sasabay ako sa mahal ko papuntang trabaho. Pagbaba ay diko na tinanong si aling meding dahil sigurado na susungitan lang ako nun lalo pa't sa amo ang simpatiya nito. Paglabas ay wala na sa garahe ang sasakyan nito kaya nakaramdam na naman ako ng pagkadismaya, di ako sanay sa ganitong pakiramdam na iniiwasan ng tao hanggang sa lapitan naman ako ni Carlos at hinawakam nito ang aking kamay, pero bigla rin nitong inalis saka humingi ng tawad. "Kaaalis lang po ni boss, ma'am at pinapasabi na ako nalang daw po ang maghahatid sa inyo sa trabaho." Wika nito, ako naman ay napabuntong hininga saka tinungo ang isang sasakyan... Sa ikalawang araw ay marami paring tao ang namimili pero karamihan na dito ay mga kabataan na mga dalaga palang ata. Kinuha ko ang cellphone at walang gana ko itong binuksan, nakakadismaya lang na wala ni isang mensahe galing sa kanya, nawawalan tuloy ako ng ganang magtrabaho pag ganito... Kinahapunan ay nagpasya akong umalis na sa boutique ng hindi nalalaman ni Carlos. Tinungo ang isang libingan kung saan nakahimlay ang aking inang matagal ng yumao sanggol palang ako. Dito ay nagkwento ako tungkol sa bago kung buhay kasama ang isang lalaking mahal na mahal ko. Hanggang sa natapos akong magkwento ay nagpasya na akong umalis. Habang nasa byabe ay diko pa sigurado kong uuwi ba ako o tutungo ulit sa boutique dahil maaga pa naman bago yun magsara, hanggang sa nagpasya akong magpunta ng bar na kahit labag sa utos nito ay iinom parin ako dahil pag ganitong nakakaramdam na ako ng galit ay tanging alak lang ang makakatulong sa akin upang makalimot saglit... Umupo ako sa may counter island at dito nag order ako ng dati kong paborito na ngayon ay sarap na sarap kong natitikman kahit pa matapang ang lasa nito patungo sa aking lalamunan. Maingay sa lugar at halos manibago ang pandinig ko pero nagpatuloy parin ako sa pag inom at sa ika-anim na basong hawak ko na iinomin na sana ay bigla namang may pumigil sa aking kamay, sinundan ko ito ng tingin at nakita ang seryusog mukha ng mahal ko. Tinabing ko ang kamay nito saka iinumin ulit ang baso na nasa kamay pero hinawakan na nito saka inagaw at inilayo sa akin. Magsasalita pa sana ako ng bigla itong humalik sakin ng mariin at mariringgan ko ito ng paumanhin, hanggang sa maramdaman ko pa ang pag angat sa akin sa upuan. Pakiramdam ko ay pasan ako nito sa balikat habang tinatakpan ang aking pang upo dahil sa iksi ng damit ko. Ipinasok ako nito sa loob saka sumunod at tumabi sakin. Tinamaan na ako ng alak pero kulang pa yun para makalimot ako ng tuloyan, pero dahil iniisip na ng lalaking lasing ako ay pangangatawanan ko nalang. Habang yakap ako nito ay kausap naman nya si Carlos at tungkol sa pag-alis ko sa boutique ang itinatanong nito, pati na ang pagpunta ko sa sementeryo ay binabanggit naman ni Carlos kay Nethan... Ibig sabihin ay pinapabantayan rin pala ako nito ng diko nalalaman... Narating na namin siguro ang bahay dahil huminto na ang sasakyan, lumabas ito saka ako pinasan uli at ipinasok na sa loob. Nang marating ang kwarto ay ibinaba na ako nito at sisimulan din akong halikan pero sinampal ko ito, ikinabigla nito ang aking ginawa sabay tulo ng luha sa mata ko. "Kailangan ko pang maglasing para lang pansinin mo ako?" "Sorry." Tipid nitong sagot at seryuso parin. Pero sa puntong ito ay tinalikuran ko na sya at tumuloy ng banyo saka naglock ng pinto, naririnig ko ang pagkatok nito pero hindi ko pinagbuksan hanggang sa maramdaman ko ang pagsusuka kahit pa tuloy tuloy ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Naligo narin ako at inilabas ang hikbing kanina pa pinipigilan, hanggang sa matapos ako at tumuloy naman sa walk in closet nito. Pagkatapos kong magbibis ng ternong pajama ay humiga ako sa kama saka nagtalukbong, diko narin alam at wala akong pakialam kung saan man ito matutulog... Naaalimpungatan ako dahil sa halik na dumadampi sa aking labi patungo sa leeg ko, hanggang sa dumilat at ulo nito ang nakikita na nasa isang dibdib ko na pala, nararamdaman ko na naman ang malakuryenteng dumadaloy dulot ng pag iinit patungo sa aking pagkababai, pero bigla ko naalala na naiinis parin pala ako dito kaya pinigil ko ang kamay nitong ipapasok sana sa aking lagusan. "Subukan mong pumalag at di lang ito ang matitikman mo." Seryuso nitong sabi habang nagtataka akong tinitingnan ang paghinto nito. "Huwag mo akong gamitin kong magpapalipas ka lang ng init ng katawan, tapos aalis din." Sagot ko ring nanghahamon. "Nagagalit ako, tapos ikaw makikita ko pang naglalasing?!" Wika nitong may diin din. Ibig sabihin ay galit nga talaga ito sa akin. Bigla pa sana akong babagon pero itinaas nito ang aking kamay at dumagan pa lalo. "At anong gusto mong gawin ko magmukmok dito at manuyo ng manuyo sa taong nang iiwas? Your ridiculous, Nethan!" Matapang ko ng sagot saka itinulak ang dibdib nito papalayo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD