ERRICA'S POV. Suot ang mermaid gown habang kita ang likuran ay papalakad kong tinutungo ang lalaking naka tuxedo, ang gwapo nito sa bagong gupit at ang ang balbas nitong makapal dati ay malinis na ngayon. Nangingiti akong papalapit dito habang napapansin pa ang paniniko ng mga katabi nito na animoy may binubulong, hanggang sa ilahad na nya ang kamay saka ko naman tinanggap. "Your so beautiful, baby." Aniya, saka nito hinalikan ang aking kamay. "Ikaw rin, ang gwapo mo sweetheart." "Maari bang huwag kang lilingon sa kanila? Mukha kasing nagkamali akong idaos ang kasal natin dito." "Dahil ba sa tumitingin sila sa akin, at nagseselos ka?" "Oo." Walang kagatol gatol nitong sagot sa akin. "Masusunod po..." Nagpatuloy ang seremonya at diko akalain na ganito pala karami ang kamag

