Chapter 7

1816 Words
NETHAN'S POV. Pinagmamasdan ko ang babaing natutulog sa tabi ko habang nakayakap ito ng mahigpit, bahagya pang kumikibot ang labi nito habang nangingiti, kaya kinuha ko ang cellphone saka ito kinuhanan ng larawan... "Eehhmm, Good morning.." Bati nitong nagpupunas pa ng bibig. "Ito ang unang beses kong makakita ng babaing natutulog habang nangingiti." Sabi ko dito na parang namamangha sa narinig. "Ako ba ang nasa panaginip mo, ehm?" Ulit ko pa saka ito kinintilan ng halik. "Bakit, kanina mo pa ba ako pinagmamasdan?" "Oo?" Sagot ko, pinanliitan naman ako nito ng mata habang yumakap pa ng mahigpit. "Ehmm, diko maaalala ang itsura, pero siguradong ikaw yun dahil katabi ko rin sa pagtulog at nag aano.." Wika nito na di itinutuloy. "Nag aano?" "Eeii, nahihiya ako." Sabi pa nitong humalukipkip na sa aking dibdib, pumatong naman ako saka hinalikan ito sa labi. "Ganito ba ang ginagawa natin? O gusto mong gawin natin ngayon?" Bigla naman naalarma ang mukha nito kaya pinagtutulakan na ako sa dibdib.. "Errica,Errica... Yuhoo.. Umaga na po at dumating na tayo kaya gising na dyan... Fafa Nethan..." Wika ng nasa labas habang kumakatok ito sa pinto. Nalakasan naman akong naitulok nito at dali dali ring inayos ang sarili saka humarap sa pintuan, napagbuksan nito ang kaibigang dalawa habang nangingiting sinilip ako.. "Hiramin muna namin ang girlfriend mo ah." Aniya Andro. Tumayo naman ako saka ito inakbayan sa balikat. "Pero bago lang kami magkasama kaya pweding akin muna sya?" "Ikaw naman buong gabi mo na syang nakasama saka magkakasama pa kayo mamaya kaya... Samin muna sya!" Pabigla na nitong hinila ang kasintahan ko saka nagtatawanang tumakbo palayo sa akin. Humabol pa ako ng bilin dito na kukunin ko rin mamaya pagkatapos kong magbihis... ****** ERRICA POV. Pababa kami ng barko habang Natatanawan na namin mga kasama sa ibaba. "Oii kinikilig sya, aayyiiehh!!" "Panu bang hindi Andro eh siguradong nadiligan na itong kaibigan nating marupok." Wika pa ni chloe. Sinita ko ang mga ito dahil sa lakas ng pag uusap nila at pagtatawanan. Ako naman sa totoo lang ay kinikilig din dahil ganun pala ang nararamdaman pag may lalaki kang katabi sa pagtulog? Ramdam ko kagabi kung gaano sya ka sweet sa akin, kung paano ito makipag usap na walang palya. Naalala ko pa kung paano ako nito titigan habang dinadampihan ang labi ko ng daliri nya, kung paanong ang balat naming dalawa ay magkadikit habang nakahiga sa kama. At sa unang pagkakataon ay nahawakan ko abs nitong matitigas na gusto ko pa sanang halikan bukod sa labi nitong napakalambot.. Pero ang kanina ang nagustohan ko dahil ramdam ko ang nakaumbok nitong alaga na dumikit sa aking kaselanan kaya naramdaman ko tuloy ang pag iinit... "Oii, nag iilusyon kana naman dyan!" Untag sakin ni chloe na nasa tabi ko lang. Lumingon lingon pa ako para hanapin si Andro dahil bigla nalang itong nawala, pero ang nahagilap lang ng mata ko ay yung Alexa na masama ang titig sa akin. Binaba ko nalang ang tingin dito saka nilipat sa mga sasakyang papalapit sa amin. Huminto ang puti sa harapan ko saka bumaba dito si Nethan. "Halikana?" Yaya nito sa akin, pero biglang lumapit ang babaing si Alexa saka mahigpit na yumakap ito sa braso ng lalaki. "Eih, saan ako sasakay? Saka nauna ako rito ah?" Wika pa nung babai, tumingin naman sakin si Nethan saka ito bumulong sa babai ng mahina.. Diko alam kung ano ang sinabi nya sa babai pero ako na ang nasa tabi nito na nakaupo, tinititigan ko ito habang seryusong nagmamaneho. Gusto ko sanang tanungin ito pero nagdadalawang isip ako sa maari nitong isa got, hanggang sa naramdaman ko ang pag hawak nya sa aking palad saka inilapit sa bibig nito upang halikan. "Bago palang tayong nagkakakilala kaya kung may gusto kang itanong sakin ay pwedi mo akong deretsahin." Wika nito. "Ano yung binulong sayo ni Alexa na nangingiti pa habang lumalayo sayo?" Deretsahang tanong ko kahit pa nararamdaman ang kaba. "Sinabi ko lang na girlfriend kita at kailangan ikaw yung nandito sa tabi ko." Sagot nitong di ako nililingon, kaya diko mabasa ang mukha nito kung nagsasabi ba ng totoo o hindi. Tumango nalang ako dito hanggang sa marating naman namin ang pampang kung saan sasakay naman kami sa yati upang marating ang kabilang isla... Yakap yakap ako nito mula sa likuran habang nakatanaw sa malawak na karagatan.. "Maari ba akong magtanong sayo?" Tanong ko dito habang idinadampi ang balbas nito sa aking balikat. "Sasagutin ko, basta tungkol lang sa atin." Baritonong boses nito, saka ko hinarap at wala sa sariling nalunok ang sarili kong laway dahil sa subrang lapit nito at titig na titig. "B-bukod sa akin may iba ka pa bang karelsyon? A-ah.. Ibig kung sabihin, may mga naging Ex kana ba?" "Your the second." Walang kagatol gatol nitong sagot. "M-may nauna na pala?" "Oo, pero pag nagmamahal ako ay isa lang, saka sabi ko naman sayo dibah, iba ako sa kanila. Hindi ko kailangang mag ipon ng maraming babai dahil nakukuntento ako sa kung anong meron ako ngayon. " Sagot pa nito... "Maari ko bang malaman kung sino yung nauna?" Tanong ko pa na ikinatahimik na nito. "Maari bang saka ko nalang sagutin?" "Sige." Tipid kong sagot, saka nito hinawakan ang batok ko at humalik ulit.. Hanggang sa marating namin ang isla, dito ay namamangha kaming pinagmamasdan ang buong lugar, napakalinis at puti ng buhangin. Inaalalayan ako nitong bumaba habang nangingiti saka inakay papasok sa loob... "Ang presko naman dito." Sabi ko dito habang nakayakap na ito sa aking likuran. "Gusto mo bang magpahinga muna tayo sa kwarto?" "Ano kaba, maaga pa nuh kaya sige na dun kana muna sa kanila tumulong magluto." Pananaboy ko. "Sige, pero mamaya magpapahinga tayo." Sabi pa nito na hinalikan muna ako bago ito tumalikod. Bigla namang sumulpot si Alexa sa tabi ko at napakasama ng titig nito.. "Masyado ka atang masaya? Alam mo... Kilala ko si Nethan matagal na, kaya alam ko kung seryuso sya sa relasyon o nakikipaglaro lang." "Anong ibig mong sabihin?" "Na wag ka munang umasa dahil baka masaktan ka lang... Saka bata kapalang para sa relasyong ganito." "Eh, ano ngayon?" "Babai ka, masyado kang mamawalan ng saya sa buhay kung agad agad mong isusuko ang sarili mo, kaya kung ako sayo ay wag mong ipagpapalit ang meron ka ngayon." "Sa tono ng pananalita mo ay parang kang naninira ng isang pagkatao, sanay kaba sa ganyan? O baka naman hinahangad mo si Nethan kaya ka nandito sa harapan ko?" Wika ko dito, pero imbis na mainis ito sa sinabi ko ay ngumisi lang. "Hindi ko sya kailangang siraan sayo at hinahangad? Hindi ko kailangang gawin yun, ang akin lang ay pinapangaralan ka dahil dimo pa sya kilala.." "Errica!!" Boses nila Andro at chloe ang naririnig ko... Walang sabi kong iniwanan ang babai sa itaas at tinungo ang mga kaibigan ko, tinatanong ako ng mga ito kung ano ang napag usapan namin pero tumanggi akong magkwento dahil ayukong pati sila ay mag alala sakin... Sumapit pa ang tanghali at sabay sabay kaming kumain, katabi ko si Nethan habang binabalatan ako nito ng hipon, kaharap naman si Rex na kanina pa tingin ng tingin sa akin, katabi rin nito si Alexa na abala na sa pakikipag kwentuhan sa mga kasamang lalaki. "Here." Aniya Nethan, Isinusubo nito sa akin ang hipon. Nagustuhan ko ang lasa nito kaya nagpasya akong magbalat nalang ng sarili upang makakain narin ito... Pagdating ng hapon sakay kami ng yati ay tinungo ang pinakatatagong paraiso rito na kung saan pwedi ring mag dive sa lugar.. Nakakamangha, lalo na kaming tatlo sa nakikita, napakalinaw ng tubig dito na ultimo mga bato na nasa ilalim ng tubig pati na ang ilang isda ay malinaw naming napagmamasdan. Hanggang sa naririnig na namin ang ibang kasamahan na nag uusap usap habang isa isa na itong tumatalon sa tubig. Binulongan pa ako ni chloe na hubarin nalang damit kong malaki dahil lulusong narin kami. "Pwedi kang huwag ng maghubad, dahil ayukong makita nila ang katawan mo." Bulong sakin ni Nethan, pero malakas talaga ang pandinig ni chloe. "Fafa Nethan, ayos lang yan saka mga kaibigan mo naman yan sila kaya wala rin sigurong malisya, saka lahat kami oh, naka two piece lang kaya payagan mo na sya." Pakiramdam ko naman ay nako corner ako ng bestfriend at kasintahan dahil sa titig ng mga ito, pero kasi gusto kong ipakita talaga dito ang hubog ng katawan ko, papatunayan ko dito na kahit bata pa ako ay kaya ko ring makipagsabayan sa kanila.. Tiningnan ko si Nethan pero iiling lang ito saka yuyuko. "Ngayon lang naman eh." Wika ko rito saka ito hinalikan sa labi, naramdaman ko rin ang pagpulupot ng braso nito aking balakang kasabay ng bulong nitong malalagot ako mamaya.. Hinubad ko ang puting damit kaya lumantad ang katawan kong maputi at makinis habang suot suot ang kulay pulang bikini, ang dibdib kong sakto na ang laki, ang maliit kong tiyan pati na ang malapad kong balakang na sa totoo lang ay kaya kung makipag sabayan sa beauty pageant. Naunang lumusong si chloe habang ako ay nakatayo parin, kaya naman napapansin ko ang paninitig ni Nethan na walang emosyon. Hanggang sa magpasya na akong lumusong, lumangoy kami ni chloe hanggan sa may dulo habang pumapailalim pa sa tubig. Nang maramdaman ko pa ang balat na dumikit sa akin kaya napalingon ako dito. "Rex.." "Igagalang ko ang relasyon nyong dalawa ng kaibigan ko, kaya pwedi bang magkaibigan parin tayo?" Wika nito, pero ramdam ko ang braso nito sa aking tagiliran kaya lumayo ako ng bahagya saka sinagot. "Paumanhin kong kailangan nyo pang mag away ni Nethan ng dahil sa akin, pero maniwala ka na hindi ko yun intensyon." "Hindi mo na kailangan magpaliwanag, naiintindihan ko.. Kaya friends?" Tinanggap ko ang kamay nito pero yumakap pa ito sakin ng mabilis. Nang lumingon naman ako sa gawi ni Nethan na nasa yati parin ay masama ang titig nito na animoy nakakita ng kalaban.. Papanhik ako sa hagdanang bakal hanggang sa makita ko ito na may hawak na tuwalya sa kamay saka ipinulupot sakin. "Huwag ka ng lumusong ulit, dito ka lang sa tabi ko." Aniya pa, saka naman ako inalalayan paupo sa hita nito habang nakapulupot parin ang isang braso sa akin. Binigyan pa ako nito ng juice kaya nagtataka akong tinitigan ito. "Bakit juice?" "Dahil simula ngayon ay dikana iinom ng alak na wala ang permiso ko." "Pero-" "Ooppss, walang pero pero.. Pagmamay ari na kita kaya susundin mo ang gusto ko bilang kasintahan mo, at pinapangako ko sayo na magkakasundo tayo." Tiningnan ko ito sa mata at nakikita ko ang pagiging seryuso nito na walang imosyon, hanggang sa bigla nalang akong kabigin ng halik. "I love you sweetheart.." Kung totoo man ang ipinapakita mong pagmamahal sa akin Nethan Hendas ay tatanggapin ko, at ang sinasabi ng Alexa na yun tungkol sayo ay ipagsasawalang kibo ko alang alang sa pagmamahal ko sayo.. "I love you too..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD