FIRST ENCOUNTER..
NETHAN POV.
Ilang araw na akong walang gana sa trabaho dahil sa pagkadismaya sa taong diko aakalaing lolokohin lang pala ako, dahil kung kailan preparado na ang lahat para sa kasal namin ay sya namang pagtuklas ko sa lihim nitong itinatago.
Nalaman kong buntis ito matapos kong makitaan ng mga senyalis at magpasyang ipasuri upang makumpirma pa lalo at tama nga ang hinala ko dahil dalawang buwan ng nagdadalang tao ito..
FLASH BACK...
"Tell me, when do you want to talk about that?"
Tanong ko dito habang nasa condo na kami, nakaupo ito habang mangiyak ngiyak.
"Ano bang pinagsasasabi mo Nethan, anak mo 'to, anak natin?"
"Don't make me fool hannah I know what I'm doing, and your pregnancy is not mine!"
Deretsahang sabi ko na dito.
Alam ko sa sarili ko na hindi ko anak ang dinadala nya dahil kinukontrol ko ang sarili, at mas lalong wala sa plano ko ang magkaanak kahit pa ikakasal kami dahil ang gusto ko lang muna ay pagsaluhan ang buhay mag asawa.
Kaya ang usaping may ibang lalaki pala ito ay nakakadismaya at nakakagalit, ngunit kaya ko paring kontrolin ang galit ko para sa kanya lalo na't lumaki akong may galang parin sa mga kababaihan.
"Ang kapal ng mukha mo para sa sabihin yan sakin, parang di tayo nagsisiping ha?!"
Wika nito sakin habang hawak hawak ko ang kabilang pisngi dahil sa lakas nitong pagsampal.
"Pinatunayan mo lang sakin ngayon na hindi karin karapat dapat na maging asawa ako dahil di mo kayang maging ama sa sarili mong anak!"
Tinatanggal nito ang suot na engagement ring saka ito ibinato sakin at walang sabing lumabas ng condo.
Naiwan akong nakaupo sa couch habang tinutungga ang alak na nasa baso saka ito pabalibag na ibinato sa pader.
Habang kinukontrol ko ang sarili ay kinuha ko telepono upang tawagan naman ang tauhan.
"Watch her, I need to know where she going.."
Utos ko sa kausap dahil kailangan ko pa ring malaman kung sinong lalaking karelasyon nito, at kung totoo mang sa akin ang anak nito ay gagawin ko parin ang lahat upang maibalik silang dalawa sa akin...
Biglang naputol ang pag iisip ko ng tumunog ang telepono, kinuha ito at sinagot.
"Hey dude! We're here in the lobby, where are you?"
Tanong ng kaibigan kong si Michael, kasama nito ang iba pa dahil pupunta kami sa isang bar upang mag inuman.
"Okey, I'm coming.. "
Sakay ng kanya kanyang kotse ay narating namin ang bar ng isa ring kaibigan, madalas dito ang puntahan namin pag oras na nabubuo kaming lahat lalo na pag may problema ang isa at ngayong araw ay ako ang dadamayan ng mga ito..
"Now, tell us the story dude."
Tanong ni Rex, habang nagsasalin ito ng alak sa baso.
"My wedding is cancelled -"
"WHAT?!!"
Sabay sabay nilang tanong, na kahit ang nasa kabilang grupo na mga kalalakihang kagaya namin ay napalingon...
"But why? What's the problem?"
"Don't tell us that you have another women."
"Or you had that cancer and need an operation?"
"Come on dude, we're all prepared..."
"She's cheating on me."
Tipid kong sagot na ikinatahimik ng lahat.
Nang makahuma ang lahat ay nagsimulang magtanong si Rex kung paanong nagluko ang kasintahan ko, pero dahil ayuko namang masira ng buo ang imahe ng babai kaya nagpasya akong wag ng sabihin sa kanila ang buong kwento..
"Ok then, we respect your decision."
Aniya Rex.
"Now we're find another woman for you."
"So let's celebrate for our Nethan's break up!! Cheers!!"
******
ERRICA POV.
"Ayos na ba itong suot ko?
Di na siguro ako makikilala nito?"
Tanong ko sa mga kaibigan ko habang naghahanda kami.
Pupunta kami ngayong gabi sa isang kilalang night bar kung saan icecelebrate namin ang kaarawan ko, at ngayong gabi nga ay ganap na akong bente anyos, at maaari na akong magkaroon ng kasintahan ayon naman sa napagkasunduan namin noon ni baba.
"Ayos na yan girl, basta ikaw ang taya ngayong gabi ah."
Sagot sakin Andria, na sa gabi ay babai.
"Basta pag may nambastos sayo ay nandito naman ako."
Aniya Mark, kasintahan ng kaibigan ko.
Nasabi nya iyon dahil sa napaka iksi naman talaga ng palda ko at halos lumuwa na ang dibdib ko sa damit kong suot na strapless pa.
Who cares naman? Dahil ang pagkakaalam ko ay sanay na ang kabataan sa ganitong kasuotan at heler!
Moderno na ang panahon ngayon.
Papasok na kami ngayon sa maingay na lugar kung saan karamihan sa nandirito ay mga kabataang katulad ko, pero dahil sa tangkad ko ay minsan napapagkakamalan pa akong matured na lalo pa't mahilig ako sa pagmamake up na kailangan talaga dahil isa rin akong flight attendant. Ito na ang na naging propisyon ko ng makapagtapos ako ng pag-aaral at makapasa hanggang sa maging ganap na nga..
"Sa itaas tayo pumuwesto, birthday girl."
Suhestyong bulong ni chloe.
"Pero mas maganda dito dahil makakahalubilo pa tayo sa mga nagsasayaw.."
Sagot ko naman habang sinasabayan ko ng pag sayaw ang maingay na tugtog.
"Oo nga dito nalang tayo, saka ang alam ko ay mga matatanda ang nan duon."
Sigunda pa ni Andria sa sagot ko, pero biglang naagaw ng pandinig ko ang pasigaw nyang sagot na matanda.
Hinarap ko ito saka binulongan, kaya ngayon ay papanhik na kami sa ikalawang palapag upang dito na pumuwesto at tama nga ito, dahil medyo tahimik nga dito at ang bawat naadaanan naming grupo ay medyo may edad na ngunit mahahalata na mga propisyonal ang mga ito dahil may mga kasama pang mga body guard.
May iba rin akong nakikitang di naman ganun katanda gaya sa iniisip ng mga kasama ko at habang pinagmamasdan ang bawat grupong nadadaanan ay paminsan minsan ring may nagtataas ng baso, ang iba ay kikindat at ngingiti rin.
Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko ay gusto kong makatagpo rito ng matured na lalaki, dahil kasabay ng kaarawan ay bibihag narin ako ng puso at wala akong pakialam kung anuman ang edad nito...
Pumwesto kami sa may pinaka dulo kung saan ay may hagdanan narin pababa.
Sakto naman na dumating din ang order namin inumin at lahat ng ito ay sagot ko ang bayad.
"Guys! Para sa ating birthday girl, cheers!"
Sabay sabay naming itinaas ang baso at isa isang pinagdikit saka tinungga ito..
"Oii, remember guys ha, may flight tayo bukas kaya dapat wag masyadong maglasing kahit unlimited pa 'to."
Aniya Andria.
Pito kaming magkakasama ngayon pero dahil sa may sariling mundo ang dalawang paris ay kami kami lang tatlo ang nag uusap, ayos lang naman din sa amin dahil di naman madalas kasama ng mga ito ang kasintahan nila.
Nagpapatuloy ang inuman namin at pagkukwentuhan tungkol sa trabaho na madalas kaming tatlo parin ang nag iingay dahil sa kakatawa.
Tumayo pa kaming tatlo upang sumayaw habang hawak hawak parin ang baso ng alak, hanggang sa mapadako ang tingin ko sa dalawang paris ng mata, mataman itong nakatitig sa akin na para bang hinahalungkat ang buo kung pagkatao.
Tumayo ito habang may kinukuha sa bulsa ng pantalon at cellphone nya pala, nakikita ko pang nagpapaalam ito sa mga kasamahan hanggang sa mapadaan na ito harapan ko..
"Kilala mo ba yun, Errica?
Kung makakatitig naman sayo."
Bulong sakin Andria.
Diko sinagot ang tanong nito bagkos ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ng lady's Room..
Habang sinusundan ko ang lalaking mabalbas ay panay rin ang lagok ko sa bote ng alak, hanggang sa mapadako ito sa madilim na bahagi ng bar kaya nadismaya ako ng hindi ko na ito nakikita.
Nagpasya akong bumalik nalang sa mga kaibigan ko at dito ay nag uumpisa na nga silang maghiyawan at siguradong lasing na ang mga ito..
"Hoy, saan ka galing Errica?"
Tanong sakin ni Chloe.
"Sa ladies room nga."
"Sa ladies room o dun sa lalaking tinititigan ka kanina?
Akala mo siguro di kita nahalata nuh?"
Paninikong bulong ni Andria.
"Oo na..
Sinundan ko, pero diko naabutan eh."
Dismayado kung sagot.
"Bakit type mo ba?
Kasi kung oo, gagawan natin ng paraan."
Bigla tuloy akong nagka interest sa sinasabi nitong paraan, dahil sa aming lahat ay ito ang maharot na bakla at matalino pagdating sa mga ganitong kalokohan.
"Paano?"
Tanong ko pa, binulongan naman ako nito na maghintay lang muna kami hanggang sa makabalik ito atsaka namin gagawin ang plano.
Habang nagsasayaw parin kaming dalawa ay panay rin ang turo nito sakin sa mga lalaking dumaraan na paminsan ngang kumikindat pa ng palihim.
Hinarap ko ito habang nakasandal ang kalahating katawan nito sa relis na bakal, nang bigla nya akong itulak sa balikat kaya natumba ako, pero imbis na bumagsak ako sa sahig ay sa isang katawan na matigas at malapad nadikit ang likuran ko.
Tiningala ko ito saka nakita ang seryusong mukha ng lalaki.
Diko alam pero para akong timang na unti unting humaharap dito habang di binibitiwan ang braso nitong nakahawak rin sakin.
Magsasalita na sana ito ng bigla namang mausog sa akin dahilan upang mas magkalapit kaming dalawa, nakayakap na ito sa aking balakang habang ang mukha ko ay nakasubsob na sa malapad nitong dibdib.
Pakiramdam ko ay dumadagundong ang dibdib ko sa pwesto naming dalawa dahil di ito maalis alis sa pagkakayakap sakin.
Bigla naman itong nagsalita at sa unang pagkakataon ay maririnig ko ang boses nitong buo, matipuno, swabe, lalaking lalaki at mukhang makalaglag panty.
"I said sorry and can I ask you a favor?"
Bulong tanong pa nito ulit sakin, na masyadong malapit ang mukha kaya naman amoy na amoy ko ang malamig nitong hininga, samahan pa ng pabango nitong nakakahalina.
Pero bigla akong natigilan at mas lalong di makapagsalita ng bigla ako nitong kintilan ng mabilis na halik sa labi, nanlaki ang mata kong tinitigan ito kaya kitang kita ko ang asul nitong mata, ang pilik matang mahahaba at kilay na makapal, samahan pa ng manipis nitong labi na kahit mabalbas ay bagay rito...
Hinalikan ako nito ulit pero sa pagkakataong ito ay matagal na kaya gumanti na ako kahit pa diko alam kung paano ba ang makipag halikan sa unang pagkakataon..