Nakatitig si Jeida kay Sancho na natutulog sa tabi niya, tatlong araw. Yes, tatlong araw na parang nawalan ng konsepto ang oras. Hindi na nila alam kung anong araw na, kung anong oras na kung umaga pa ba o gabi na. Ang alam lang ni Jeida, sa loob ng tatlong araw na iyon… halos hindi sila lumabas ng kuwarto. Kain lang ang pahinga at kahit iyon, minsan hindi pa kumpleto. Minsan isang tawag lang sa home service, mabilis na mag papadeliver lang si Sancho ng pagkain nila, tapos babalik ulit sa kama. Parang may sariling mundo ang villa na iyon—isang mundo na sila lang dalawa ang may access. At sa mundong iyon… si Sancho, hindi tumitigil. Napapikit si Jeida habang nakahiga at bumago ng puwesto saka dumapa sa kama, hawak ang unan habang pilit inaayos ang paghinga. Ramdam pa rin niya ang init ng

