Unfinished Game

1628 Words
Hindi niya alam kung bakit siya pumayag, iyon ang paulit-ulit na tanong ni Jeida sa sarili niya habang nakatayo sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto. Hindi siya ganitong klase ng babae. Hindi siya ‘yung tipong nagsisinungaling sa magulang para lang makipagkita sa isang lalaki—lalo na sa isang lalaking kagaya ni Sancho Montenegro. Arrogant, Annoying, Insufferable at higit sa lahat Dangerous pero heto siya ngayon. Nakatayo, nakabihis at handang gawin ang isang bagay na hindi niya pa nagagawa kahit kailan. “Jeida, aalis ka?” tanong ng Mommy niya mula sa pintuan, saglit siyang natigilan. Doon nagsimula ang bigat ng konsensya pero mabilis niya iyong tinago. “May project po kami, Mom,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Sa bahay ng kaklase ko.” Normal lang at simple and convincing. Ilang segundo siyang tinitigan ng Mommy niya bago tumango. “Okay. Don’t be late, bilisan mo at kanina pa nag-iintay si Kuya Raymond. “I won’t po.” at doon niya naramdaman, yung unang kirot dahil sa unang pagkakataon nagsinungaling siya at hindi para sa pamilya, hindi para sa sarili kundi para sa isang bet para kay Sancho. Hawak ang cellphone, ilang beses niyang binasa ang huling message niya. Where? Ilang minuto ang lumipas bago nag-reply si Sancho. Westbridge Café. 11 AM, Don't be late! Walang emojis, walang dagdag napaka typical. Napairap siya noon at kahit hanggang ngayon hindi niya maintindihan kung bakit siya pumunta. 11:05AM Nasa labas na siya ng café sa loob ng isang mall. Doon siya nag pahatid sa driver nila at nag dahilan na bibili muna ng project nila. Then nag bilin nalang siya na tatawag siya kapag mag papasundo na siya at ang address nila Sachi ang binigay n'ya. Tahimik ang paligid ng cafe cozy, hindi masyadong matao sakto lang para sa isang “date” na hindi naman talaga date dahil minor siya at 18 naman ang kasama niyang lalaki. Kaya hindi pa, magmumukha lang na mag kuya sila for sure at tiniyak niyang magmumukha siyang bata sa suot niyang pink na t-shirt na may design na cartoon character sa dibdib na mag papalutang ng agwat ng edad nilang dalawa. Huminga siya ng malalim bago pumasok. Pagpasok niya, agad siyang naghanap. Left and right coner, lahat na yata ng table tiningnan na niya pero walang Sancho siyang nakita, sinilip niya ang cellphone niya pero wala naman ibang message si Sancho Montenegro. Napakunot ang noo niya may pag sasabi pa ito na don't be late pero ito pala ang late. Pumila nalang siya sa counter habang nag papalinga-linga sa pagbabakasakali na baka naroon lang si Sancho, nag banyo or baka late lang siguro. Of course he is. He’s the type na pa VIP. Then 11:15 AM, umupo siya sa isang table malapit sa bintana. Iniinom ang iced tea kahit hindi naman siya nauuhaw at kinakian ang inorder na bread. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa pintuan baka may pumasok baka biglang sumulpot na parang wala lang si Sancho na walang pakialam kung late ito. Ngunit walang dumating, hanggang umabot na ng 11:30 AM. Napairap na siya. “Of course,” bulong niya sa sarili. Hindi na bago. Sancho being Sancho pero kahit ganoon, hindi siya tumayo. Hindi pa hanggang umabot na ng 12 noon. Tinignan niya ang phone niya, wala. Walang message, walang missed call, walang kahit ano. Napailing siya saka huminga ng malalim. “Fine,” bulong niya. “Five more minutes.” After 5 minutes no signed of him pa rin. “Ten minutes,” dagdag niya sa sarili niya. Hindi siya tanga, alam niya. Alam niyang dapat umalis na siya pero may kung anong humihila sa kanya. Inis? Pride? O curiosity? Hindi niya alam. Basta naghintay pa din siya na parang tanga sa loob ng cafe' napapatingin na sa kanya ang ilang staff ng cafe until umabot na siya ng 12:20 AM. Lumalamig na ang iced tea niya na halos hindi niya na nagagalaw, ganun din ang tinapay niya, mas abala siya sa pagtingin sa pintuan sa bawat bukas nito na umaasa siya at sa bawat maling tao na pumapasok. Mas lalo siyang naiirita. 12:45 AM Napahigpit ang hawak niya sa straw. This is stupid, completely stupid. Ano ba ang iniintay niya? Isang mayabang na lalaking hindi marunong rumespeto ng oras? Isang bet na hindi naman niya dapat pinasok? Tumayo na siya. Finally saka huminga ng malalim. “This is it,” bulong niya pero hindi siya umalis. Hindi pa rin, bumalik siya sa upuan. Inis na inis sa sarili niya hanggang sa mag 1:10 PM dalawang oras at sampung minuto na siyang nag-iintay sa taong imposible ng dumating. Ganun na katagal at wala pa rin. Walang Sancho, walang message, walang dahilan, walang kahit ano. Doon na pumutok ang pasensya niya. Tumayo na siya ng tuluyan. Hindi na siya tumingin sa pintuan, hindi na siya naghintay. Hindi na siya umasa na darating pa talaga ito, baka nga pinag tatawanan na siya nito na baka nasa malayo lang at pinapanood siyang nag-iintay na parang tanga lang. Paglabas niya ng café doon niya naramdaman ang bigat ng katangahan niya. Hindi siya galit, hindi rin siya inis. Kundi pagkapahiya sa sarili niya, hindi siya sinipot. At ang mas masakit naghintay siya. Hindi lang sandali kundi halos dalawang oras. Para sa isang lalaking ilang araw pa lang niyang kilala para sa isang bet na sinakyan niya. Napahinto siya sa gilid ng kalsada. Huminga ng malalim at saka marahang napailing. “Never again.” Mahina pero malinaw. “Ito ang una… at huling beses na maghihintay ako sa kahit sinong lalaki.” at doon mismo isinumpa niya. Hindi siya magiging katulad ng ibang babae na naghihintay, hindi siya maghahabol, hindi siya mag-aadjust, hindi siya magiging option. Lalo na hindi para kay Sancho Montenegro. Blocklisted na ito sa parte ng buhay niya ngayon hanggang sa future. - - - Kinagabihan, nasa kwarto siya. Tahimik lang sa madilim na silid niya at nakahiga na hawak ang cellphone. Walang message, walang kahit ano. Tinignan niya ang screen at saka tinurn off niya. Enough bakit ba umaasa pa siyang mag tetext ito sa kanya. Napag laruan siya ng husto ni Sancho. It's cleary just a trap, huminga siya ng malalim saka pumikit at natulog na lang. Hanggang lumipas ang mga araw, wala si Sancho sa school. Na pinagtaka ni Jeida, hindi usual iyon. Simula ng makilala niya si Sancho lagi na niya itong nakikita sa school na hindi naman niya na papansin noon ng di pa niya ito kilala pero ngayon wala talaga kahit segundo lang di niya tinamaan ng mata ang bulto nito. Anong nangyari sa kanya? Hindi maiwasan na tanong ni Jeida sa sarili. “Absent yata si kuya mo,” casually na sabi ng isa niyang kaklase kay Sachi na ilang araw na napansin din niyang tahimik lang din. Dati-dati madaldal ito at nakikipag harutan sa mga kakaklase nila pero lately parang ang lalim ng iniisip nito. Madalas naka tingin ito sa quadrangle na parang may hinahanap, napansin din niya ang lungkot sa mga mata nito na never mong makikita noon. Nagkibit-balikat lang si Sachi. “Ewan. Hindi ko alam...May sarili naman yun mundo." After ng sabihin iyon, bigla itong nag excuse at hindi siya nagsalita na lumabas. Matagal bago ito bumalik, nandun pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Lumipas pa ulit ang mga araw, wala pa rin si Sancho, hanggang umabot na ng isang linggo wala pa rin. Natapos ang isang linggo na parang walang nangyari. Bihira din niya makita ang tropa ni Sancho na sila Kaifer at Glenn, pakiramdam ni Jeida walang closure ang nangyari sa kanila ni Sancho. Malinaw naman sa kanya na desidido si Sancho noon na tapusin ang bet then bigla nalang itong hindi nag pakita, walang explanation, walang kahit ano at ang pinaka nakakainis? Hindi natuloy ang bet, hindi siya nanalo, hindi siya natalo. Parang bigla na lang itong nawala. Ilang araw pa ang lumipas. Hanggang sa isang balita ang kumalat sa school. “Uy, alam mo ba?” bulong ng isa niyang kaklase. “Yung kuya ni Sachi… umalis na raw.” Napatingin si Jeida. Hindi niya sinasadya pero napatingin siya. “Umalis?” tanong ng isa. “Yeah. Abroad daw. Doon na mag-aaral. Pati si Sachi, nag drop-out na." Tumahimik siya. Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagreact pero sa loob. May kung anong kumurot, hindi sakit, hindi lungkot. Kundi Inis, so that’s it? Ganun na lang? Biglang mawawala? Walang paalam? Walang explanation? Walang kahit anong ibibigay na dahilan. Napairap siya na tumingin sa quadrangle. “Typical,” bulong niya sa sarili. Of course, ganun talaga siguro si Sancho Montenegro. Magulo, magulo pumasok at mas magulo umalis. Mula noon, hindi na niya ito nakita. Walang message, walang tawag, walang kahit anong attempt na bumalik parang hindi ito naging parte ng buhay niya. Parang panaginip lang. Isang maikling yugto, ginulo ang pananahimik niya, ninakaw ang unang halik niya at isang linggong gulo. Isang bet, isang halik at isang paghihintay na hindi natapos at doon natutunan ni Jeida ang isang bagay sa murang edad na hindi lahat ng taong darating sa buhay mo mananatili. Na may mga taong darating guguluhin ka at aalis na parang wala lang at higit sa lahat na hindi siya kailanman maghihintay muli. Hindi para sa kahit sino, hindi para sa kahit anong dahilan. Lalo na hindi para kay Sancho Montenegro. Hindi niya alam na ang lalaking iyon na basta na lang nawala ng kabataan niya. Ang babalik din sa buhay niya pagkalipas ng ilang taon. Hindi bilang isang batang mayabang. Kundi bilang isang lalaking mas mapanganib, mas sigurado. At mas determinado na tapusin ang isang bagay na hindi nila natapos noon. Ang isang linggong bet na naging simula ng isang kuwento na hindi pa pala tapos... may kadugtong papala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD