Hostile Takeover

2137 Words
Nasa isang elegante at private dining room ng high-end restaurant kung saan ginaganap ang meeting ni Jeida. Soft jazz ang tumutugtog sa background, dim ang ilaw, at ang mesa ay naka-set na parang para sa isang mahalagang deal na dahil iyon naman talaga ang pakay niya. This was it. Ito na ang pagkakataon niya. Sa harap niya ay nakaupo ang mag-asawang investor na sina Mr. and Mrs. Fotuna. Kilala sa industriya bilang conservative pero matalinong investors. Hindi sila basta-basta pumapasok sa isang negosyo… pero kapag pumasok sila, sigurado ang pag-angat. At ngayon pinapakinggan siya ng mga ito habang nag didiscuss. “Eve’s Palace has a strong foundation,” kalmadong paliwanag ni Jeida habang ini-slide ang presentation folder sa mesa. “The problem isn’t the structure. It’s the positioning.” Tahimik lang ang dalawa na nakatingin at nakikinig. Exactly what she needed. “The hotel has history. Character pero mali ang branding na ginawa over the past few years. It tried to compete with modern luxury hotels instead of embracing what it actually is.” “Which is?” tanong ni Mrs. Fortuna, bahagyang nakahilig. Jeida met her gaze saka professional na ngumiti. “A legacy property.” Nagpalitan ng tingin ang mag-asawa. She continued, steady, confident. “If we reposition Eve’s Palace as a heritage luxury destination, we’re not competing—we’re creating something no one else can own.” “And how do you plan to do that?” tanong ni Mr. Fortuna. Doon na siya lalong umupo nang diretso at smarte. Ito na ang moment niya. “Selective renovation. Not reconstruction,” sagot niya. “Keep the structure, preserve the story. But elevate the experience.” She leaned slightly forward and smile a little sapat para ipakita sa mga ito na confident siya na hindi magsisi ang mga ito kung mag-iinvest ang mga ito sa kaniya. “High-end clientele aren’t just looking for comfort anymore—they’re looking for meaning. Experience. Something exclusive.” Tahimik ulit ang dalawa na bahagyang tumango pero ngayon kita na may ay interest na. “And you believe your hotel can offer that?” tanong ni Mrs. Fortuna. “Yes,” diretsong sagot ni Jeida. Walang pag-aalinlangan at walang takot. “This isn’t just a business for me.” Saglit siyang tumigil. Then softer na huminga ng malalim. “It’s something I built.” Tahimik lang mesa nila habang napapatango ang mag-asawa at sa unang pagkakataon, bahagyang ngumiti si Mr. Fortuna. Promising, very promising. “So what exactly are you asking from us?” tanong nito huminga si Jeida. This was it... Jeida. Finally.." “I’m offering a partnership.” Diretso at malinaw. “No buyout. No takeover.” She held their gaze. “Just investment and strategic support.” Nagkatinginan ulit ang dalawang mag-asawa and for a moment, mukhang papunta na sa tamang direksyon ang lahat. Hanggang sa isang nilalang ang hindi inaasahan na darating. “Interesting.” Isang britoning boses, malalim at sobrang pamilyar at maling-mali ang timing. Nanigas si Jeida at nakaramdam ng kaba, dahan-dahan siyang napalingon. At doon niya nakita si Sancho Montenegro. Nakatayo sa may entrance ng private room, naka-black suit, walang kahit anong effort pero halatang-halata ang presence. Parang pagpasok pa lang nasa kanya na ang atensyon ng buong kwarto. “Mr. Montenegro,” gulat na sabi ni Mr. Fortuna na parang natuwa pa na agad tumayo para batiin ito. Perfect. Of course they know him. Of course. Sino bang hindi nakakakilala kay Sancho Montenegro? Sa Elite world and construction business. Napapikit si Jeida sandali. Huminga ng malalim, pinipigilan ang sarili na tumayo at itusok ang chopsticks sa bunbunan ng lalaking ito na panira ng diskarte. “Didn’t expect to see you here,” dagdag pa ni Mrs. Fortuna na nakipag beso-beso pa kay Sancho. Ngumiti si Sancho, very polished, charming and deadly. “Same here, Tita Tito.” sagot niya habang nag yuko pa ng ulo at hindi siya pinalampas ng lalaking ito ng binalingan at talagang naka halik pa rin talaga sa pisngi niya na akala mo very close sila. Pasimple naman niya itong kinurot sa hita pero diretso lang at may halong amusement pa ang tingin nito sa kanya na parang hindi ininda ang sakit ng kurot niya. Kung makatingin pa ito parang sinasabing pang Miss me? Ngumisi siya nang bahagya bago muling bumaling sa mag-asawa. “I didn’t mean to interrupt,” sabi niya pero halatang hindi totoo. Because he already did at alam niya iyon, hindi siya manhid at alam niya na sinadya talaga ng lalaking ito. “Well, we were just discussing a potential partnership,” sabi ni Mr. Fortuna. “Ah.” Tumango si Sancho. “With Eve’s Palace?” Naningkit ang mga mata ni Jeida na kukurutin sana ulit si Sancho pero umikot na ito ng puwesto sa kabilang side malapit kay Mrs. Fortuna. He knows. Of course he knows. “Actually,” dagdag ni Mr. Fortuna, “We’re quite interested in the concept—” “Are you?” putol ni Sancho, kalmado pa rin ang tono natahimik bigla ang mesa pero ramdam ang shift. At doon na napangisi si Jeida sa loob. Here we go. Tiyak na na sasabutahin nito ang plano niya. “Because the last time I checked,” dagdag ni Sancho, “That property has been operating at a loss for… what—four years?” Diretso niyang tiningnan si Jeida. Walang preno, walang pakundangan. “And bleeding quite significantly.” Napasara ang kamao ni Jeida sa ilalim ng mesa. Calm. Stay calm, Jeida. Bulong ni Jeida sa sarili, hindi siya pwedeng magpatalo dito. “Every business goes through phases,” sagot niya, pilit steady ang boses. “Recovery is part of growth.” Ngumiti si Sancho na tumango. Ah… there you are. You really don’t know when to stop, do you? “Of course,” sagot ng binata. “Pero investors don’t usually gamble on… emotional projects.” prangkang wika ni Sancho dahilan para magkatinginan ang mag-asawa. At ramdam ni Jeida na unti-unti ng nababasag ang momentum na pinaghirapan niyang buuin. "Eve’s Palace is not an emotional project,” mariin niyang sagot. “It’s an undervalued asset.” Tumaas ang kilay ni Sancho. “Is it?” Lumapit pa siya ng kaunti. At walang paalam na umupo sa bakanteng upuan. Like he belonged there, like this was his meeting. “Because from a financial standpoint,” tuloy niya, “It’s a liability.” “Not if handled correctly,” sagot ni Jeida. “Handled correctly?” ulit ni Sancho na pagak na tumawa. “Or stubbornly held onto?” Tumama iyon kay Jeida, deretso at hindi naka kibo si Jeida dahil totoo ang sinabi nito. Napatingin ang mag-asawa kay Jeida. At iyon ang kinatatakot niya. She saw doubt. Once that starts mahihirapan na siyang ibalik. “Mr. Montenegro,” mahinahong singit ni Mrs. Foruna, “We appreciate your input, but—” “I’m just offering perspective,” putol ni Sancho. “After all… I’ve been trying to acquire that same property for years.” Napalingon ulit ang dalawa. Interest and curiosity. Exactly what he wanted. “And yet,” dagdag niya, “It hasn’t moved.” At doon na tuluyang napuno si Jeida. “Sinasadya mo ba ‘to?” mahina pero matalim niyang sabi habang nag kunwaring nag pahig ng labi after uminom ng tubig. Hindi na niya kayang balewalain ang ginagawa ni Sancho. Ngumiti si Sancho, slow and infuriating. “Business is business, Jeida.” Gusto na ni Jeida ba tarakan ng chopstick sa leeg si Sancho, literal. Kung wala lang ibang tao sa paligid kanina na niyang ginawa. “You’re crossing the line,” bulong niya mariin. “Am I?” sagot nito. “Yes.” “Then stop me.” Tahimik at napuno ng tension ang pagitan nilang dalawa. Mabigat at halatang parehas na ayaw nilang magpatalo. “At least be honest with them,” dagdag pa ni Sancho, bumaling ulit sa mag-asawa saka ngumiti. “Tell them why you won’t sell.” Naningkit ang mga mata ni Jeida. Don’t you dare. Pero it's too late. “Because of a curse,” casually na sabi ni Sancho a doon— tumigil ang mundo ni Jeida at napahiya. "What?” tanong ni Mrs. Fortuna, halatang hindi makapaniwala. Hindi makaimik si Jeida. Hindi makagalaw, hindi makapagsalita agad. At si Sancho nakatingin lang sa kanya. Waiting and Challenging. “Is that true?” tanong ni Mr. Fortuna. Doon siya napatingin sa kanila at alam niyang ito na ang breaking point. Hindi siya pwedeng magsinungaling. Pero hindi rin siya pwedeng umamin. “Personal reasons,” sagot niya, pilit controlled ang boses. Ngumiti si Sancho. Ahhhh. Dodging. “Right,” sabi niya. “Very… personal.” Napahigpit ang hawak ni Jeida sa chopsticks. Konti na lang, konti na lang talaga. “I think we need to reconsider,” mahinang sabi ni Mrs. Fortuna and there it was. The collapse. “Wait—” agad na sabi ni Jeida pero umatras na ang dalawa at tumayo. “We’ll review the proposal,” dagdag ni Mr. Fortuna. “Pero for now… we’d like to hold off.” Very Professional, polite at malinaw. They were out, magalang naman nagpaalam ang mga ito at halatang ayaw makigulo sa personal nilang alitan ni Sancho. At ilang segundo lang naiwan silang dalawa. Sa loob ng isang chinese restaurant na pina reserve niya para sa lunch meeting na iyon. Na puno ng katahimik at mabigat na hangin ang loob ng silid at dama mo ang punong-puno ng galit. Dahan-dahang ibinaba ni Jeida ang chopsticks sa mesa pero hindi iyon para kumain. Kundi para pigilan ang sarili na gamitin iyon bilang sandata. “You ruined it." Mahina pero punong-puno ng emosyon na bulong ni Jeida. Hindi agad sumagot si Sancho. Pinagmamasdan lang siya. “You sabotaged my deal,” dagdag niya. “I needed that.” “I know,” kalmadong sagot niya. At doon lalo siyang nainis. “You knew?” pagak na tumawa si Jeida. “And you still did it?” “Yes.” Diretso, walang guilt, walang sorry basta proud pa ito na nakasira ito ng plano. “Why?” halos pabulong na tanong niya. At doon bahagyang lumambot ang tingin ni Sancho. Hindi masyado pero sapat para mapansin. “Because you’re doing this the hard way.” “Because it’s mine,” sagot niya agad. “Exactly.” “At you’d rather watch it burn… kaysa ibigay sa iba,” dagdag ni Sancho. Naningkit ang mga mata ni Jeida. “At least it’s my decision.” "And it’s a bad one.” tugon naman ni Sancho. “Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Sancho, mas mababa na ang boses. “For four years Jeida… you’ve been fighting a losing battle.” “Ikaw! Hindi ka ba napapagod mangialam?” balik ni Jeida. Ngumiti si Sancho ng light lang. “Not when it concerns you.” Sandali siyang natigil pero mabilis din niyang tinaboy iyon. “Don’t.” “Don’t what?” “Don’t act like you care.” Tumayo na rin si Sancho. Dahan-dahan na lumapit at huminto sa harap niya, hinila pa nito ang upuan niya para iharap sa kanya. “I don’t act,” sabi ni Sancho na yumuko na halos halikan na siya kung di pa siya umatras. “I decide.” Napatingala si Jeida at naroon na naman, iyong presensya niya. Iyong very intimidating na datingan. “I’m giving you a way out,” dagdag ni Sancho. “Marry me at ako na bahala sa hotel." “Or sell the hotel.” Dalawang pagpipilian na parehong ayaw niya. “At kung hindi?” tanong niya. Ngumiti si Sancho. Mas madilim, mas determinado. “Then I’ll keep doing this. Pestering you." Naningkit ang mga mata niya. “Doing what?”inis na tanong ni Jeida. “Breaking every deal you try to build.” “You wouldn’t.” “I just did. while ago." Tahimik at doon niya na-realize— he wasn’t bluffing. Hindi ito laro para kay Sancho. Ito ay strategy. At siya ang main target. “You’re unbelievable,” bulong niya. “And you’re stubborn,” sagot nito. Nagkatinginan sila parehong hindi umatras, parehong hindi sumusuko. “This isn’t over,” sabi ni Jeida. Ngumiti si Sancho na nag kibit balikat. “I know.” At bago siya tuluyang umalis—yumuko ito nang bahagya. Sapat para marinig niya ang susunod nitong sinabi. “I’ll see you at the altar… or at the negotiation table.” At iniwan siya roon, mag-isa ni Sancho. Na puno ng galit. at frustration. At mas lalo namanng determinadong lumaban. Pero sa unang pagkakataon may pumasok na takot sa isip niya. Hindi dahil sa ibang bagay. Kundi sa lalaking handang sirain ang lahat para makuha lang siya o ang hotel niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD