TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 04 : Crands' University
_______________________________
Seanica POV
Tiningnan ko ang paligid at masasabi kong nandito kami sa bahay ng mom ko dito sa Mortal World. Ito siguro ang tinutukoy niyang bahay nila ni tita Cassandra.
Ang ipinagtataka ko ay bakit dito kami inilabas ng portal ni mom?
Dito ba ang mission namin?
"Seanica nasaan ba tayo?" tanong ni Yeoneun sa akin.
"At tsaka, kaninong bahay ito?" dugtong na tanong ni Bellear.
Humarap ako sa kanila. Nandito kasi kami to be exact sa sala. Nakaupo ako mag isa sa isang sofa habang sina Bellear at Yeoneun ay sa isang sofa na nasa harapan ko at sina Mike at Xeanel ay sa single na upuan.
"My mom house in the Mortal World" matipid na sabi ko.
Hindi pa rin nagbabago, matipid pa rin ako magsalita.
"Weeh? Mortal World? Bakit tayo nandito? Ano gagawin natin dito?" sunod sunod na tanong ni Mike sa akin.
"I don't know" maikling sabi ko saka tumayo at umakyat sa itaas papunta saaking kwarto.
Agad ako humiga sa kama pagkapasok ko sa kwarto. Ipinikit ko ang aking mata.
'Anak mag aral kayo sa Crands' University, yung paaralan ko. May ipapahanap ako sa inyo'
' Sige po mom'
'Mag ingat kayo anak' sabi ni mom dahilan mapangiti ako
'We will'
Bigla akong nagising.
Kahit kailan talaga si mom. Ang hilig niya sabihin sa panaginip.
Napatingin ako sa orasan at napapikit nalang ako ng mapagtanto kong alas singko palang ng umaga.
Mukhang hindi na ako makakatulog nito.
Tumayo na ako at naligo. May heater naman kaya ayus lang.
Matapos ay nagbihis na ako saka lumabas. Nakasalubog ko naman si manang Lin, ang isa sa mga kasambahay dito.
"Manang Lin" tawag ko sakanya
"Oh hija! Ang aga mo naman magising. May kailangan ka ba hija?" tanong niya saakin.
"Wala naman po. May nakahain na po bang umagahan?" tanong ko sa kanya
"Meron na hija. Kumain ka na dun kung nagugutom ka na" nakangiting wika niya dahilan tumango ako at agad nagtungo ng kusina.
Matapos kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto at kinuha ang aking cellphone. Tinawagan ko ang secretary ni mom sa kanyang school.
Hindi naman nagtagal ay may sumagot.
"Hello? Sino po sila?" tanong galing sa kabilang linya.
"Seanica Scientele, the daughter of Mrs. Anica Scientele" sagot ko sa tanong nya.
"Hello, hija! What can I do for you?" tanong niya.
"Mag eenroll po kami"
"Names?"
"Seanica Scientele, Xeanel Forester, Bellear Grey, Mike Lopez and Yeoneun Dela Fuente"
"Hmm, okay ma'am. Punta nalang po kayo dito para kunin ang sched niyo"
"Ok. Thank you"
Pinatay ko na agad ang tawag at napatingin sa orasan.
6:30 a.m
Maaga pa para sa oras ng pasok. May oras pa kami para maghanda.
Lumabas ako ng kwarto at pinasabi kay manang Lin na sabihin sa kanila ang about sa pagpasok sa school.
Pumasok muli ako sa kwarto saka nagbihis ng uniporme. Matapos ay kinuha ko na ang aking ExpertGlasses o EG na ginagamit ni mom dati. Kinuha ko rin ang aking backpack at tumingin sa salamin.
Ang kaninang kulay gray kong buhok ay ngayon ay naging kulay black samantalang ang kulay lila kong mata ay naging kulay itim na rin.
Lumabas na ako sa aking kwarto at nakita ko namang nakahanda na rin sila.
"Here" sabi ko at binigay sa kanila ang apat na EG.
"Para saan?" takang tanong ni Bellear.
Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang maglakad pababa.
"Just wear it"
"Woah" rinig kong sabi nila.
"Astig naman nito! Naging black na ang mata natin!" rinig kong sabi ni Mike.
"Oo nga eh pati ang buhok natin!" rinig kong dagdag na komento ni Yeoneun.
Humarap ako sakanila ng makita kong 7:30 na.
"Let's go. It's already time"
***
Naging mabilis ang pagdating namin at ngayon ay nandito kami sa Principal Office.
"This will be your schedule and the name and the number of your room are indicated here. Have a nice day!"
Matapos namin makuha ang schedule namin ay agad din kaming umalis dun at nagpunta na saaming magiging classroom.
"I thought that we're still elementary here in the Mortal World? Bakit nasa high school campus tayo?" naguguluhang tanong ni Bellear
Tiningnan ko lang sila saglit bago tumingin ulit sa nilalakad namin.
"Our mission is here. We need to act like a high school students. It's not hard for us to deceive them because of our height. Just let it be" sabi ko at mas binilisan ang lakad.
"We need to hurry. We're already late"
Di rin katagalan ay nakarating din kami. Ako na ang kumatok sa pinto dahil ako ang malapit. Napaseryoso ako ng mapansing biglang tumahimik ang kaninang maingay na naririnig namin mula sa loob.
Masama kutob ko rito.
Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang binuksan. Agad akong napaatras ng biglang may bumuhos na pintura mula sa itaas. Mabuti na lamang at hindi natalsikan ang aking uniporme.
"Are you okay Seanica?" rinig kong tanong ni Yeoneun.
Tumango lang ako sa kanya at pumasok kami sa loob. Nakita kong tiningnan kami ng mga estudyanteng nandito sa loob. Seryoso ko silang tiningnan dahilan mapansin kong umiwas yung iba.
"ANO ANG NANGYARI DITO?!"
Napatingin kaming lahat sa may pintuan ng may biglang sumigaw. Isang guro ang pumasok na makikita mo ang galit sa mukha. Marahil siya ang guro dito.
Nakatingin siya sa pintura at biglang tumingin sa mga estudyante. Bigla rin siyang napatingin saamin dahilan magulat siya ng makita ako.
"Mrs. Anica?" gulat na tanong niya.
"Sorry to disappointed you. I'm her daughter, Seanica" sabi ko sa kanya dahilan mawala ang gulat sa mukha niya at umayos.
"I'm sorry. Akala ko ikaw si Mrs. Anica. You look really like her" sabi nya at pumunta sa may gitna kung saan mayroong desk sa kanyang harapan.
"You may sitdown"
Tumango lang kami at saka pumunta sa likod at doon kami naupo.
"SAGUTIN NYO AKO! SINO ANG MAY GAWA NITO?!"
Nakita kong nagulat ang iba sa biglaang pagsigaw muli niya. Walang nagtangkang sumigaw dahilan mapahampas siya sa kanyang desk.
"Hindi nyo sasabihin?" mahinahon na tanong niya pero wala pa ring kumibo.
"Ano ba namang section to! Hindi ba kayo magtitino?!" medyong inis na sabi niya.
Hindi ko rin siya masisisi dahil last section ito. Worst section to be exact. Sinadya kong dito kami mapunta dahil iyon ang sabi saakin ni mom. Marahil andito ang aming target.
Tiningnan ko si ma'am ng umikot ang kanyang paningin hanggang sa huminto ito sa isang row na kung saan may dalawang lalake at dalawang babae ang nakaupo habang may isang bakante.
"Kayong bully-5, kayo ba ang may gawa nito?" tanong ni ma'am sa kanila dahilan mapataas ako ng kilay.
Bully-5? Since apat lang silang nandito, maybe absent yung isa. And what kind of group that?
Tumingin lang sa kanya ang dalawang lalake samantalang ang dalawang babae ay tinaasan sya ng kilay.
Mukhang matapang.
"So?" pabalang na sagot ng babae.
Matangkad sya pero hanggang leeg ko lang siya kung ikukumpara saakin. Maikli ang kanyang buhok na hanggang balikat lamang na may pagkakulot sa dulo.
"Aba't--! Wag na wag nyo ng uulitin yun maliwanag ba!?" inis na sabi ni ma'am.
Nakita namin kung paano tumayo ang dalawang lalake at maangas na naglakad palabas kasunod ng dalawang babae. Mukhang wala silang balak makinig.
Hinayaan nalang sila ni ma'am at nagsimula na ang klase matapos namin magpakilala sa harapan. Naging aware naman sila na anak ako ng may-ari ng school.
***
Natapos na ang morning class at lunch time na ngayon. Papunta kami ngayon sa cafeteria para kumain.
Hindi pa kami nakakarating ng makarinig kami ng ingay sa loob. Nagtatakang nagkatinginan sila Bellear samantalang napaseryoso ako. Mas binilisan namin ang aming lakad.
*Booooooooggshhhh*