TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 01 : Bonding
_______________________________
Anica POV
Sampung taon na ang nakakaraan, simula nang maganap ang digmaan. Sa loob ng limang taon, marami ang nagbago. Hindi ka man maniniwala pero kailangan mong paniwalaan.
Nagkaroon ako ng anak.
Oo, tama kayo ng nabasa. Nagkaroon ako ng anak. Ang tanong... paano at sino ang ama?
Yan ang hindi ko maisasagot. Sabi saakin ng mga gods and goddesses, ito ay isang biyayang ipinagkaloob saakin. Ang maaaring maging ama ng aking anak ay ang lalakeng minamahal ko.
Magulo ba? Ganyan talaga ang buhay. Magulo kapag nasa mundo ka ng mahika.
Sina Ella at Delixean, Kim at Min, Yeon at Eun, at Sabelle at Arron ay may mga anak na rin tulad ko habang sina Lyra at Steven, Maxenne at Christian, Jessica at Miguel ay mga mag asawa palang at anak nalang ang kulang habang si Gabriela, ayun may boyfriend na mortal. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pangalan, ang mahalaga, masaya siya doon.
Isa pa tong kapatid ko, si Cassandra, may boyfriend na din.
Jack Dela Fuente daw ang pangalan. Nitong nakaraan niya lang kasi ipinakilala saakin kahit ilang taon na sila.
Nandito ako ngayon sa garden ng aming palasyo, kasama ang babae kong anak. Walong taong gulang na sya at kasalukuyang nag aaral sa Athena Academy. Gusto ko man siyang ipag-aral sa Magica Academia subalit hindi ko na ituloy sapagkat malayo rin iyon dito at hindi ko sya mababantayan.
"Anak nasaan ang tita Cassandra mo?" tanong ko sa kanya.
"Umalis po sila mommy kasama po si tito Jack" sagot ng anak kong si Seanica.
"Ganun ba? May gagawin ka ba ngayon anak?"
Umiling sya bilang sagot.
"Wala po"
"Kung ganun, tara samahan mo si mommy"
"Saan po tayo pupunta mommy?"
"Pupunta tayo sa Athena Academy, anak" sabi ko sa kanya dahilan masilayan ko ang kanyang malaking ngiti.
"Talaga mommy?! Saglit lang po mommy! Magbibihis lang po ako!" masaya niyang sabi dahilan matawa ako at bigyan ko siya ng tango saka siya umalis.
Sya si Seanica Celestine, ang aking anak.
Kinuha ko ang pangalan nya kay Sean at saakin. Nagmula ang Se sa pangalan ni Sean habang ang A saaking Athena, Ni mula saaking Nicole habang ang Ca, mula saaking Cassandra.
Di rin nagtagal, bumalik na ang aking anak.
"Tara na po mommy!" excited na sabi niya.
Napangiti na lamang muli ako dahil sa kagalakan ng aking anak.
Lumabas kami ng palasyo at agad sumakay ng pegasus. Isa lang ang ginamit namin ng anak ko at yun ang aking pegasus na kulay lila.
Agad ko itong ipinalipad dahilan mas lalong matuwa ang aking anak. Hindi ko pa man alam ang kanyang kapangyarihan pero nasisiguro kong malakas ito.
Hindi rin nagtagal, nakarating din kami sa Athena Academy. Agad kaming bumaba sa pegasus at nagsimulang maglakad palapit sa gate habang hawak hawak ko ang kamay ng aking anak. Hinayaan ko lang na nakasunod saamin ang pegasus, ang isa sa guardian ko.
Nang matapat na kami sa gate ng paaralan ko, agad na nawala ang aking pegasus. Iyon ay dahil hindi maaaring makita siya ng mga estudyante.
Agad naman kaming pinapasok kaya pinagpatuloy namin ang aming paglalakad.
Wala naman kaming nakikitang pakalat kalat na estudyante sa kadahilanang oras ng klase ngayon. Mabuti na lamang at ganun, walang nagtatangkang magcutting.
***
Andito kami ngayon sa harapan ng Headmistress Office, ang opisina ko. Agad ko itong binuksan at saka kami pumasok.
Nagulat kami ng anak ko ng makita ko si Cassandra at Jack sa office na busy sa pag aasikaso ng mga papeles. Napatingin naman yung dalawa saamin.
"Seanica!" masayang sabi ni Cassandra.
Agad na tumakbo ang anak ko sa kanya at binigyan silang dalawa ni Jack ng halik sa pisngi.
"Anong ginagawa nyo dito ate?" tanong niya saakin.
"Bakit? Bawal ba? Syempre gumagala kami ng anak ko" sabi ko at ngumiti sa kanya.
Natawa na lamang ako ng makita kong sumimangot siya.
"Ate naman eh! Malaki na si Seanica oh! Grade 3 na yan at nakakaunawa na yan! Syempre kaya na nyang gumala" sabi niya dahilan mapakunot ang noo ko.
"Ano sinasabi mo? Masyado pang bata para pabayaan ko gumala si Seanica mag-isa Cassandra. Sayo na mismo nanggaling na grade 3 palang siya. Bata pa para hayaan mag-isa. Hahayaan ko lang siya kapag grade 6 na yan" sabi ko sakanya.
"Sabagay, sorry naman ate. Tatapusin na nga lang namin toh" sabi niya dahilan matawa na naman ako.
"Oh siya, maglalakad lakad lang kami ng anak ko. Kayo na bahala dyan, Cass, Jack. Salamat"
"Sige ate. Ba-bye Seanica!"
"Babye po!"
Lumabas na kami ng office ni Seanica at sinimulan na naming mag-ikot. Sa bawat classroom na madadaanan namin, humihinto kami ng anak ko at sumisilip saka magpapatuloy muling maglakad.
***
Tanghali na nang matapos kami sa pag iikot. Kumain muna kami ng anak ko at saka na isipan naming umalis na.
Katulad ng kanina, isinummon ko muli ang aking pegasus.
"Ngayon naman anak, pupunta tayo sa Magica Academia" nakangiting sabi ko sa kanya dahilan matuwa na naman siya.
"Yehey!"
Natawa nalang ako sa inasta ng anak ko. Agad na kaming sumakay at di nagtagal, nakarating din kami.
Sinimulan na namin ang aming paglakad papasok sa Academia. Saktong breaktime na ng mga estudyante kaya marami ngayong nakakalat at nakapansin saamin.
Nginitian lang namin sila ng anak ko hanggang sa makarating kami sa HM Office. Agad kong binuksan ang pinto ng makarating na kami.
"Oh Anica! Napadalaw ka? Kasama mo pa ang anak mo" nakangiting sabi ni HM.
Tiningnan ko si Seanica na nagmano kay HM.
"Namiss ko lang po kasi itong paaralan" sabi ko sakanya dahilan mapangiti siya.
"Kung sa gayun, dapat lang talagang dalawin mo ito HAHAHA"
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Sige po HM, iikutin na muna namin tong academia"
Nagpaalam na kami sa kanya at saka lumabas. Sinimulan na namin umikot ng anak ko.
***
Hapon na rin ng matapos kami sa pag-iikot ng anak ko. Andito pa kami ngayon sa isang garden, nagpapahinga. Akmang aalis na kami ng may tumawag sa aking pangalan dahilan mapalingon kami ng anak ko sa kung sino man ang tumawag saakin.
"Ate Anica!"
"Kayo pala" nakangiting sabi ko habang tinitingnan sila Ella, ang mga Royalties.
"Hi tita! Hi Seanica!"
"Hello" nakangiting sabi ko naman sa dalawang bata.
Ang anak nina Delixean at Ella na si Xeanel at ang anak nina Sabelle at Arron na si Bellear. Parehas na pitong taong gulang na.
Agad nila ako niyakap isa isa ng makalapit sila saamin. Nagsama sama kami sa isang table habang ang mga bata ay pumunta muna sa gilid para maglaro.
"Kamusta na kayo? Kayo Lyra at Maxenne? Kailan balak niyo magkaanak?" natatawang tanong ko sa kanila dahilan mamula ang pisngi ng dalawang babae at matawa kami.
"Babe oh, kailan daw?" nakangising tanong ni Steven kay Lyra.
"Che! Manahimik ka dyan!" masungit na sabi ni Lyra dahilan matawa kami.
Hetong dalawa talaga! Nakuu!
"Baby ano? Gawin na ba natin mamaya?" nakangising tanong naman ni Christian kay Maxenne.
Agad kinurot ni Maxenne sa tagiliran si Christian dahilan mapaaray siya.
"Manahimik ka! Hindi pa ako handa" nahihiyang sabi ni Maxenne.
Natatawang napailing na lang ako sa mag-asawang toh. HAHAHA naku naman.
"Oo nga pala ate Anica. Nakakapagtaka talaga, bakit ka nila biniyayaan ng anak?" nagtatakang tanong ni Sabelle.
"Hindi ko rin alam eh. Siguro para maging masaya ako" sabi ko at ngumiti.
"Sinabi mo na ba kay Seanica ang tungkol sa tatay nya?" tanong ni Delixean.
"Hindi pa naman pero sasabihin ko rin kapag nagtanong na sya saakin. Ayaw ko namang magsinungaling sa kanya. Kung dapat malaman nya edi sasabihin ko" nakangiting sabi ko dahilan tumango sila.
"Oh sya, mauna na kami ng anak ko. Gagabihin kami nito sa pag uwi" sabi ko at tumayo na.
"Seanica!"
Agad namang lumapit saakin si Seanica at nagpaalam na kami sa kanila.
Umalis na kami ng academia ng anak ko at di nagtagal, nakarating din kami agad sa palasyo.