Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay kaagad na naupo si daddy at sa isang upuan naman pumwesto si Tito Gascon. Para silang mga pulis dahil nahuli nila kami sa akto. Ako ang siyang kinakabahan sa mangyayari kay Jeremy pero si Jeremy ay walang kaamog-amog na tinitigan pa si Tito Gascon. Hinawakan ko ang kamay niya at mariin itong pinisil. Sinulyapan niya ako pero ang tingin ko ay na kay daddy na nakataas ang isang kilay at masama ang tingin kay Jeremy.
I know my dad very well. He’s strict at ayaw niya na may lumalapit sa’king mga lalaki kaya ni isa ay walang nagtatangkang manligaw sa akin noon. He always said that I’m his baby and not ready in a relationship. Pero sa ‘di inaasahang pagkakataon napapayag ko rin naman siya pero alam kong may boundaries pa rin ang pagpayag niyang iyon.
Nauna na akong umupo at katabi ko naman si Jeremy na hindi man lang yata nakakaramdam ng takot. Bumaba pa ang tingin ni daddy sa magkahawak naming kamay at tatangkain ko na sana itong tanggalin nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Jeremy doon. Sinulyapan ko siya at nakipagtitigan din siya kay daddy. Nakailang lunok pa ako at ramdam ko na agad ang tensyon sa pagitan nila.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?” Nakakatakot pero mahinahon ang salita ni daddy kay Jeremy.
“I heard what you said earlier doc.” Nakita ko pang umayos sa pagkakaupo si Tito Gascon at ang dalawang siko niya ay itinukod niya sa kaniyang hita at pingsiklop ang mga kamay.
Kaagad kong hinila ang kamay ko na hawak ni Jeremy at taka niya akong binalingan. Kunot-noo siyang nakatitig sa’kin at pilit akong ngumiti sa kaniya. Ayokong ganito ang awra nitong dalawang old na ito, nakakatakot, nakakapangilabot at higit sa lahat parang hindi nila palalabasing buhay si Jeremy.
Sumenyas pa sa’kin si daddy na ang ibig sabihin ay lumayo ako sa pagkakaupo kay Jeremy. Kaagad ko naman siyang sinunod at nang balingan ko si Jeremy at titig na titig naman siya kay daddy. Lihim akong napabuga sa hangin at nilaro-laro ko na lang ang aking mga daliri sa kamay para kahit papaano ay maibsan ang kabang nararamdaman ko.
“Did you and my daughter do something else more than a kiss?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy at kaagad kong sinulyapan si Jeremy.
Nakataas ang isang kilay ni daddy at masamang nakatitig kay Jeremy. Pansin ko naman ang kaniyang paglunok at mukhang hindi alam ang kaniyang isasagot. Kung ako rin naman ang tatanungin, sino bang hindi magugulat kapag tinanong ka ng magulang mo noon.
“Yes doc, I mean no!” Napamaang ako sa sinabi ni Jeremy at mariin ko pang kinagat ang ibabang labi ko.
Narinig ko ang pagkasa ni Tito Gascon ng kaniyang baril at inilapag ito sa lamesa sa nasa katabi lang niya. Biglang napalunok si Jeremy at mabilis na pinagpawisan dahil sa ginawa ni Tito Gascon. Kung kanina ay ang tapang niyang harapin ang dalawang matandang ito, ngayon naman ay mukhang kakaripas na siya nang takbo palabas ng bahay.
“Gascon, what do you think you’re doing? Wala naman tayo sa gyera at baka mabroken hearted pa itong anak ko kapag napatay mo ‘yang asungot na ‘yan.” Kinabahan ako dahil sa sinabing ‘yon ni daddy.
“Tinitingnan ko lang kung hanggang saan aabot ang pagmamahal ng batang iyan sa prinsesa mo, if I were you Marco hindi ko basta ipagkakatiwala ang anak ko sa lalaking walang paninindigan at hindi siya kayang protektahan.” Pagkasabing iyon ni Tito Gascon ay tumayo na siya at kinuha ang baril niya.
Hinawakan naman niya ako sa aking ulo at tipid pa siyang ngumiti sa’kin. Pagkuwa’y binalingan niya si Jeremy na animo’y isa itong kalaban niya. Nakipagtitigan din si Jeremy kay Tito Gascon pero siya na rin ang unang nagbaba nang tingin. Pag-alis ni Tito Gascon ay ganoon pa rin. Tahimik ang dalawa at walang imik na para bang naghihintayan lang sila kung sino ang unang magsasalita.
“Hi babe! I bake some__” Natigilan si mommy at hawak pa nito ang isang tray ng cookies na bi-nake nito.
“M-mom,” nauutal kong wika sa kaniya.
Nakatingin siya kay Jeremy pero hindi na ito tulad ng dati na gulat na gulat na para bang nakakita ng multo. Malapad siyang ngumiti rito at ipinatong ang cookies sa center table. Umupo naman siya sa tabi ni daddy pero nakatuon pa rin ang atensyon niya kay Jeremy. Pansin ko naman na parang nailang siya kay mommy at saka umiwas ito ng tingin sa kaniya.
“Kumusta ka na hijo?” bati ni mommy sa kaniya.
“I-I’m okay po”
“Have you read your uncle’s notebook?”
“Not yet,” sabay iling ni Jeremy.
“What notebook?” tanong naman ni daddy kay mommy.
Papalit-palit ang tingin niya sa’min at mahinang tinapik naman ni mommy si daddy sa hita nito. Si dad kilalang masungit pero pagdating kay mommy nagiging maamong tupa na ito at bigla-bigla na lang tumitiklop. That’s the way how he respect my mom.
“Jk’s journal. I read it from the very beginning at nakasulat do’n kung gaano kamahal ni Jk ang pamangkin niya even though Jeremy didn’t met him”
So, para pala kay Jeremy ang nakasulat doon. Pero ang nakakapagtaka nito ay ibig sabihin bago mamatay si Ninong Jk ay meron na siyang pamangkin. But how? Ilang taon ba ang tanda ni Jeremy sa’kin? Naalala ko naman na nakatatandang kapatid nga pala ni Ulysses si Jeremy at halos magka-edad lang din kami ni Ulysses.
Hindi naman inaalis ni mommy ang pagkakatitig sa kaniya na para bang si Ninong Jk ang nakikita niya. I know how he miss her bestfriend na siyang dahilan kung bakit ito nawala. Pero ni minsan ay hindi sinisi ni mommy ang sarili niya at bagkus ipinagpasalamat niya pa ito dahil si Ninong Jk ang nagdugtong ng buhay niya.
“Thank you Tita Mace for letting me know about him. And thank you for believing me. I won’t promise anything, pero mamahalin ko po si Madeline hangga’t ako pa rin ang mahal niya.” Napamaang na lang ako sa kaniyang sinabi.
Ibig ba nitong sabihin ay nakausap na ni Jeremy si mommy after that incident? Ngayon ko napagtanto na he will do everything just for me. Kahit si daddy ay kaya niyang harapin kahit na nakakatakot ito hindi pa rin siya natinag.
“At sa tingin mo ba basta ko na lang ipagkakatiwala ang anak ko sa’yo?” masungit na saad naman ni daddy.
“Babe naman, kilalanin mo muna si Jeremy”
“Babe, hindi porke kamukha niya si Jk gano’n na rin siya kaamo, magkaiba sila at magkaiba rin ng ugali”
“I maybe have a badboy image but I love your daughter and I’m willing to change what you hated the most just for her.” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin pagkarinig ko sa isinagot ni Jeremy sa daddy ko.
Malakas ang loob niyang magsalita kay daddy ng ganoon at walang paligoy-ligoy ang sagot niya. Siguro kung sa iba ‘yon ay makakandabuhol-buhol pa ang dila nila sa pagsasalita dahil sa sobrang kaba.
“See? Mahal niya ni Madeline at nakikita ko sa kaniya ‘yon. I already talked to him and you don’t have to worry babe”
“Macelyn__”
“Dad, it’s Jeremy’s birthday kaya huwag mo na muna siyang pagalitan please?” paglalambing ko naman kay daddy.
Sabay pa na nagulat si mommy at daddy nang malaman nila na ngayon ang birthday ni Jeremy. Lalong lumapad ang ngiti ni mommy at pagkuwan ay tumabi pa siya kay Jeremy na ikinagulat din niya. Tinitigan niya ito nang malapitan at kita ko sa mga mata ni mommy ang pagkasabik niya sa namayapa niyang kaibigan. Para ngang nabuhay si Ninong Jk sa katauhan niya at hindi ko naman masisi si mommy kung bakit siya nagkakagano’n.
“Favorite mo rin ba ‘yong strawberry cheesecake?” tanong ni mommy sa kaniya.
Umiling si Jeremy at saka nito hinawakan ang kamay ni mommy. “I know how you truly missed him, at ikaw na rin po ang nagsabi sa’kin na nandiyan lang siya hangga’t tumitibok pa ang binigay niyang puso sa’yo.” Hindi ko man maintindihan kung ano ang pinag-usapan nila pero ang masasabi ko lang ay masaya ako dahil hindi siya nagalit noong malaman niyang si mommy ang dahilan kung bakit namatay ang tito niya.
“Tamang-tama nagluto ako, dito ka na rin kumain at i-celebrate ang birthday mo. Nagluto ako ng favorite ni Marco na dinuguan sana magustuhan mo rin”
Narinig ko ang malakas na pag-ubo ni Jeremy na animo’y nasamid ito. Naalala kong bigla ang sinabi niya na hindi na raw niya ito paborito dahil sa nangyari. Nagtaka namang bigla si mommy kaya bahagya akong lumapit sa tabi ni Jeremy.
“Are you okay?” may pag-aalalang wika ko.
“Yeah.” Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya at tipid pang ngumiti sa’kin.
“Hindi ka ba kumakain no’n? Well, may iba naman din akong putaheng niluto kung ayaw mo no’n”
“Mom, that’s his favorite!” Tiningnan ako ni Jeremy nang makahulugan. “Don’t worry mom, magugustuhan niya ‘yon favorite daw niya kasi ‘yon.” Nang titigan ko siya ay nakataas na ang isang kilay niya at medyo masama ang tingin sa’kin.
Sorry sugarpop, ayoko lang na ma-badshot ka kay daddy at isipin nila na masyado kang maarte kahit totoo naman. Patawarin mo na sana ako agad. Kahit ngayon lang kumain ka no’n ‘wag mo muna isipin kung ano ‘yong kinain mo kanina. Bulong ko sa aking isipan na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ko sa isip ko.
“Kung gayon, tara na.” Nauna nang tumayo si mommy at kasunod na nito si daddy.
Nang tumayo naman ako ay parang tulala sa kawalan si Jeremy at nakasandal sa couch. Muli akong umupo at mataman siyang tinitigan. Marahan niya akong binalingan at para bang gusto kong matawa sa kaniyang itsura. Ganito pala ka-arte ang ipis na ito at sobrang sensitive naman yata.
“Baby, you know that I’ll do everything just for you right?” tumango lang ako. “Bakit pinaalala mo pa?”
“Ang alin?” Pagmamaang-maangan ko pero alam ko na kung ano ang pinupunto niya.
Malakas siyang napabuga sa hangin at lumapit pa sa’kin. “Sinabi mo pa talaga na favorite ko ‘yon huh?”
“That’s what you said to me”
“Not anymore baby, you know what you did to me right?”
“Huwag ka nang maarte riyan pagkain naman ‘yon hindi regla!” Sa buwisit ko ay padabog akong tumayo at nauna nang magpunta sa dining area.
Alam kong nakasunod na rin siya sa’kin at hindi ko na siya tinapunan pa nang tingin. Tahimik naman kaming kumakain at panay ang sulyap ni daddy kay Jeremy na siyang kaharap niya. Tahimik lang din si Jeremy at alam kong pinilit din niyang kainin ang inihain ni mommy sa kaniya.
Pagkatapos naming kumain ay ihahatid ko na sana si Jeremy sa labas nang tawagin siya ni daddy. Hindi naman ako nakaramdam nang kaba hindi tulad kanina dahil mukhang mahinahon naman si daddy nang tawagin siya nito. Sumunod naman si Jeremy at nag-usap sila sa may garden. Nakatanaw naman ako sa kanila at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
“Madie, I know you’re worried.” Lumingon ako sa aking likuran at papalapit naman sa’kin si mommy.
Ngumiti ako sa kaniya at muling tinuon ang atensyon ko kina daddy. I just wished he likes him like my mom did. Alam ko naman na ayaw lang niya akong masaktan kaya ganoon na lang ang pinapakita ni daddy. I’m too young at alam kong marami pa kaming pagdadaanan pero sigurado akong si Jeremy ang una at huli kong mamahalin.
“Yes mom. What if hindi niya magustuhan si Jeremy?” Inakbayan ako ni mommy at hinaplos ang aking buhok.
“Kilala nating masungit ang daddy mo pero hindi naman siya basta-basta umaayaw na walang nakikitang dahilan. He just protecting you anak. Naalala mo ba noong nagkasakit ka at hindi makahinga dahil sa allergy mo? Doctor siya pero hindi niya alam ang gagawin sa’yo at kung paano ka niya gagamutin. Natatakot siya na sa kamay niya ay bigla kang mawala. Try to understand him, hindi ka naman niya hinihigpitan he just protecting his babies.” Malapad siyang ngumiti sa’kin at ganoon din naman ako.
Nakita kong papalapit na sila sa kinaroroonan namin at mukhang wala namang hindi magandang nangyari sa kanila. Seryoso pa rin si daddy at nakapamulsa. Nilapitan siya ni mommy at yumakap pa siya sa baywang ni daddy.
“Gawin mo kung ano ‘yong pinangako mo sa’kin Jeremy,” maawtoridad na sabi naman ni daddy kay Jeremy.
Binalingan ko si Jeremy at takang nakatitig sa kaniya. “What did you promise to my dad?”
“It’s just the two of us baby,” bulong niya sa’kin.
“Dad?” Baling ko naman kay daddy.
“Let’s talk later Madeline. Pauwiin mo na muna si Jeremy dahil baka gabihin pa siya.” Napanguso ako at mahinang bumuntong-hininga.
Hinatid ko si Jeremy sa labas at nakasandal naman ako sa gilid ng gate. Pinapanood ko lang siya habang inaayos naman niya ang jacket niya at ang helmet niya. Nahinto lang siya nang mapansin niya na nakatitig ako sa kaniya at inilapag niya muna ang helmet niya sa upuan ng kaniyang motor at hinarap ako.
“What do you want to ask my wife?” Malambing na tanong nito sa’kin.
Alam na alam na talaga niya kung ano ang pakay ko. Kahit naman siguro na tanungin ko siya ay hindi rin naman niya ito sasabihin sa’kin kung ano ang pinag-usapan nila ng daddy ko.
“Pinagbantaan ka ba ni daddy? Tinakot ka ba niya?” may pag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Mahina siyang tumawa at sandali siyang yumuko. Umiling siya at kaagad na lumapit sa’kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at maya-maya’y hinalikan ang aking noo. Niyakap niya ako na ikinagulat ko at lumingon pa ako sa aking likuran dahil baka makita na naman kami ni daddy at mas lalo pa siyang magalit kay Jeremy.
“You don’t have to worry my lovely wife, nagpalaam lang ako kay Tito Marco kung puwede kang yakapin at halikan basta hindi lang niya nakikita.” Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at tipid na ngumiti.
Parang ayokong maniwala sa kaniya na ‘yon ang sinabi niya kay daddy. Kilala ko ang daddy ko at hindi siya papayag sa gano’n. Pinanliitan ko siya ng mga mata at tinitigan ng maigi kung totoo ba talaga ang mga sinasabi niya sa’kin. Imbes na magtanong siyang muli ay tinawanan lang niya ako at pinisil ang isang pisngi ko.
“Ano nga kasi ‘yon?” Naiinis ko nang turan sa kaniya.
“Go asked your dad if I’m telling the truth.” Hinawakan niya ang isang kamay ko at masuyo niya itong hinalikan. “I’m not afraid of your dad or anyone else. I’m afraid to lose you Madeline.”
Parang may paru-parong lumilipad sa aking tyan dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon. Pero may takot pa rin akong kinababahala na baka panandalian lang ito at bigla na lang na magbago ang nararamdaman niya para sa’kin. Ayokong dumating ang araw na sabihin niya sa’kin na hindi na niya ako mahal.
Mabilis ko siyang niyakap na para bang ayoko na siyang pakawalan pa. Ewan ko ba, sa tuwing kasama ko siya ay gusto ko na nasa tabi ko lang siya, parati ko siyang nakikita at higit sa lahat kayakap ko siya lagi tulad nito.
“Why you’re so sweet hmmn? Hindi ka ba natatakot na baka mahuli tayo ng daddy mo na ganito ang ayos?” Umiling ako sa kaniya at hindi pa rin kumakalas sa pagkakayakap.
“Ikaw na rin ang nagsabi na okay lang na maging ganito tayo basta ‘wag lang sa harap niya. Hindi ko na problema ‘yon kapag nahuli niya tayo.” Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya na ang sarap pakinggan.
“Matapang ka na niyan huh?” Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at hinarap naman ako. “Ayoko ng may ibang lumalapit pa sa’yo naiitindihan mo ba?”
Kumunot ang noo ko at hindi mawari ang ibig niyang sabihin. Kung si Ulysses ang tinutukoy niya ay hindi ko alam kung kaya ko bang habang buhay siyang iwasan. After all kaibigan ko pa rin siya kahit na alam kong may nararamdaman siya para sa’kin. Ayoko na ring sabihin pa ‘yon kay Jeremy dahil tiyak gulo na naman ito.
“Wala namang ibang umaaligid sa’kin ah”
“Really? Anong ginagawa niyo ng hinayupak na Montealegre na ‘yon sa dis oras ng gabi? At kayo lang talagang dalawa?” Biglang nagbago ang itsura ng mukha niya at kaagad na lang itong nagalit.
“Ah, si Wakz ba? May pinag-usapan lang kami, saka hello! Magkaibigan lang kami no’n. Teka nga muna paano mo nalaman na magkasama kami? Ini-stalk mo ‘ko ‘no?”
Bumuga pa siya sa hangin at pinamay-awangan ako. “E ano naman? Simula noong makipaghiwalay ka lagi pa rin akong nakasubaybay sa’yo. Noong maospital ka I was there. And when you with Ulysses I was also there. And when you with that f*****g Montealegre, I was also there.” Nagulat ako sa mga isiniwalat niya sa’kin.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. I was shocked, yet I was happy despite of being so cold to him he was always there for me. Napaiyak na lang ako dahil hindi ko inaasahan na maririnig sa kaniya ‘yon. Mahigpit na lang niya akong niyakap at ganoon din ako.
“I’m sorry Jeremy,” humihikbing wika ko.
“It’s okay baby, huwag mo nang uulitin pa na pumunta sa bahay ni Ulysses I don’t like my girl going to some other guys’ house.” Lihim naman akong napangiti at tumango sa kaniya habang nakayakap pa rin.
Hinintay ko munang makaalis si Jeremy at saka ako pumasok sa loob ng bahay. Nagtungo naman ako sa office ni daddy at nakita kong may konting awang ang pintuan kaya hindi na ako nag-atubiling kumatok pa. Marahan ko itong binuksan at nakita kong abala si daddy sa kaniyang laptop at may mga librong nakapatong sa kaniyang lamesa. Isasara ko na sana ito dahil alam kong busy siya at ayokong makadistorbo sa kaniya nang tumingin siya sa kinaroroonan ko.
“Hey baby, may kailangan ka?” Malapad akong ngumiti sa kaniya at saka pumasok sa loob ng kaniyang opisina.
Tinanggal niya ang suot niyang salamin at ipinatong naman ito sa ibabaw ng libro. Kahit na may edad na si daddy ay marami pa ring mga babae ang nahuhumaling sa kaniya at hindi nawawala ang kaguwapuhan niya. Pero parati niyang sinasabi sa’min na si mommy lang ang natatanging babaeng mamahalin niya maging sa kabilang buhay.
“Hi dad, naistorbo ba kita?” Lumapit ako sa kaniya at naupo sa arm rest niya na tulad ng ginagawa ko dati.
“Nope, I’m almost done baby. Umuwi na ba ang asungot na ‘yon?” Napanguso ako dahil sa tinawag ni daddy sa kaniya.
Tumayo ako at sumandal naman sa kaniyang lamesa at pinagkrus ang aking mga braso. Nginisian lang ako ni daddy at pagkuwan ay itinukod niya ang mga siko niya sa kaniyang arm rest at pinagsiklop ang mga kamay.
“Dad, his name is Jeremy,” pagtatama ko sa kaniya.
“Alright Madie, Jeremy na kung Jeremy. Do you like him that much more than you like me?” Napaikot ang mata ko dahil sa sinabi niya.
“Dad, you know that I like you more. At syempre mas mahal kita you know that”
“But I’m not your favorite person anymore.” Lumapit ako sa kaniyang muli at umupo sa kaniyang kandungan.
I always used to be like that since I was a child. At ngayon hindi pa rin ako magsasawang maglambing kay daddy at kahit na magkaroon pa ako ng sariling pamilya he will always be my first more than anyone else.
“Dad, huwag ka nang magselos I will always be your baby no matter what right?”
“Yeah right, at kapag sinaktan ka niya ipapasalvage ko talaga siya kay Tito Gascon mo.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa banta ni daddy. “Always remember this Madeline, you’re too young and don’t break my trust in you understand?” Tumango lang ako at niyakap na lang siya.
What if I almost break it? I know I will hurt them and most especially my dad.