Papunta ako ngayon sa soccer field kung nasaan ang dalawang kaibigan ko. Katatapos lang ng huling klase ko at hanggang alas dose lang kami ng tanghali. Kanina ko pa iniisip kung ano ang dapat kong sabihin kay Ellaine gayong nakita ko sila ni Macky na magkasama kahapon. Ayoko mang isipin ang mga narinig ko kay Macky pero nag-aalala ako sa kalagayan ngayon ni Ellaine. She might be a strong girl pero deep inside ay tinatago lang niya ang kahinaan niya dahil ayaw niya na may naaabala siyang tao.
Pagpasok ko ng soccer field ay natanaw ko na kaagad sila at masayang nagkukuwentuhan. Panay naman ang nguya niya ng chichirya at nanlaki pa ang mga mata ko dahil alam kong nagdadalang tao siya. Mabilis akong naglakad sa kinaroroonan nila at nang lumingon sa’kin si Ellaine ay kumaway pa siya at malapad na ngumiti. Walang sabi-sabi kong kinuha ang chichiryang hawak niya at tinapon ito sa basurahan. Gulat naman silang napatitig sa’kin nang harapin ko sila at tinitigan ng makahulugan si Ellaine.
“Bakit mo tinapon ‘yong kinakain ko?” Nakasimangot niyang bungad sa’kin.
“Bakit mainit ang ulo ng beshy ko?” Biro naman ni Nina.
Huminga muna ako ng malalim at muling tinitigan si Ellaine. Nakatayo ako sa kanilang harapan at pinagkrus ko ang aking mga braso. Gusto kong malaman sa kaniya ang totoo, kaibigan ko siya at handa ko siyang tulungan.
“Ellaine, is there something we need to know?” Kumunot ang noo niya at sandaling nag-isip.
Umiling siya kaya napapikit na lang ako. Tumabi ako sa kaniya at hinawakan ang isang palad niya. Hindi ko man lang napansin na medyo nanaba nga siya at siguro ay dahil sa pagbubuntis niya. Pansin ko rin na medyo maluwag ang suot niyang bestida dahil lumalaki na rin ang kaniyang tiyan.
“What’s going on? Ellaine, anong ibig sabihin ni Madz?” Takang tanong ni Nina na papalit-palit ang tingin sa’min.
“A-ano ba kayo? Wala naman akong sasabihin sa inyo. Saka hello! E ‘di sana dapat kayo ang unang makakaalam”
“Yeah, pero hindi gano’n ang nangyari eh.” Ewan ko ba, pero kusa na lang bumagsak ang luha ko pagkasabi kong iyon.
I feel betrayed. Pero hindi ko naman siya masisisi kung bakit mas pinili niyang ilihim na muna ito sa’min. May problema siya sa family niya at ngayon naman ay buntis siya.
“Madz, what’s happening ba? Naguguluhan na ‘ko eh. Ellaine, tell us, may problema ka ba? It’s about your parents pa rin ba?” Nakita kong natigilan si Ellaine at saka yumuko.
Kinuha niya ang kamay niya na hawak ko at pagkuwan ay binalingan ako na may panunubig ang mga mata. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako at saka doon na siya humagulgol. Mabuti na lamang at wala ng tao rito at tanging kami na lang ang naririto.
Kumalas siya nang pagkakayap sa’kin at pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Lumipat naman ng puwesto si Nina na nasa likod ni Ellaine at tumabi sa’kin.
“Ellaine, kung may problema ka nandito naman kami na handang makinig sa’yo eh. Matagal na tayong magkakaibigan ngayon ka pa ba maglilihim sa’min? Ano ba kami sa’yo?” May tampong turan ni Nina.
Hindi kaagad nakapagsalita si Ellaine at wari ko’y hinahagilap niya kung paano niya ito sasabihin sa amin. Pansin ko ang ilang paglunok niya at hinimas naman niya ang medyo maliit pang umbok ng kaniyang tiyan.
So, totoo nga talaga. Totoong buntis siya at ang ama ay walang iba kun’di ang kaibigan ni Jeremy na si Macky. Napakagat-labi na lang ako at tumingin naman ako kay Nina na nakatitig sa tiyan ni Ellaine. Alam kong alam na rin niya ang ibig sabihin ni Ellaine pero nanatili itong tahimik at titig na titig sa tiyan nito.
“Anong kailangan kong gawin? Natatakot ako,” humihikbing saad ni Ellaine.
Kaagad ko siyang niyakap at hinagod ko naman ang kaniyang buhok habang mahina siyang umiiyak. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon at pilit lang niyang pinapalakas ang loob niya sa pamamagitan ng mga ngiti niya.
Inilayo ko siya sa’kin nang pagkakayakap at pinunasan ang mga hilam niyang luha. Iniharap naman ni Nina si Ellaine sa kaniya at mataman itong tinitigan. Kita ko ang galit sa kaniyang mukha at halatang nagpipigil lang ito dahil sa kalagayan ngayon ni Ellaine.
“Who’s the father Ellaine?” Nakatitig lang siya kay Nina at ako naman ang muling nagsalita.
“Ellaine, si Macky ba?” Gulat niya akong binalingan at ganoon din si Nina na nasa aking tabi.
“What?! Si Macky ba kamo? ‘Yong team mate ni Jeremy?” Hindi makapaniwalang tanong ni Nina.
Napayuko si Ellaine at marahang tumango. Bumuntong hininga ako at binalingan ko si Nina na halos hindi makapaniwala sa kaniyang natuklasan. Tinapik ko si Nina sa kaniyang hita kaya napatingin siya sa’kin at pagkuwan ay marahan akong umiling sa kaniya. Kilala ko si Nina, alam kong sesermonan niya si Ellaine at mauuwi lang ‘yon sa away at ayokong mangyari ‘yon.
“What should I do Nina, Madz? Kailangan ko bang ituloy pa ‘to?”
“Anong klaseng tanong ‘yan Ellaine?! Nagpakasarap ka tapos ngayon magtatanong ka ng ganiyan! Kung hindi ka ba naman timang e ‘di sana sinabi mo sa kaniya na huwag iputok sa loob. E ang kaso sa sobrang sarap hindi na napigilang hugutin.” Napanganga na lang ako sa mga pinagsasabi ni Nina at parang gusto kong pitikin ang bunganga niya dahil sa mga lumalabas sa bibig niya.
“Nina, puwede ba ‘yang bibig mo naman. Hintayin naman nating magpaliwanag si Ellaine.” Binalingan ko si Ellaine na nanatiling nakayuko at panay ang hikbi nito.
“I don’t want this baby. Ayokong matulad siya sa’kin na walang masayang pamilya. Ayokong lumaki siya na hindi buo ang pamilya.” Magsasalita sana ako ng dumapo ang palad ni Nina sa pisngi ni Ellaine.
Napatutop ako sa aking bibig at inawat si Nina na naggagalaiti sa galit. Sa tinagal-tagal naming magkakaibigan ay ngayon lang niya nasaktan si Ellaine ng ganito kahit pa na grabe ang away nila noon pero hindi siya nananakit. Alam kong hindi tama ang sinabi ni Ellaine na siyang hindi nagustuhan ni Nina.
“Ano? Ipapalaglag mo ‘yan?! Pagkatapos mong bumukaka at umungol sasabihin mo na ayaw mo sa bata?! Anong pag-iisip ang meron ka Ellaine?” Asik ni Nina na halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa sobrang galit.
Tumayo naman si Ellaine at hinarap si Nina. “Alam mo ba kung ano ang pinagdadaanan ko ha, Nina? Maghihiwalay na ang mga magulang ko because they fell out of love! Ayokong balang araw maranasan din ng anak ko ‘yon na mawalan na rin ‘yong ama niya ng pagmamahal sa’kin.”
Parang tinusok bigla ang puso ko pagkasabing iyon ni Ellaine. Grabeng trauma ang nararanasan niya at bilang isang magulang ay ayaw niya ring maranasan ‘yon ng magiging anak niya. Siguro kung ganito rin ang mangyayari sa’kin ay hindi ko alam kung ano rin ang gagawin ko.
Nilapitan ni Nina si Ellaine at hinawakan sa magkabilang balikat. “Ellaine, mas kawawa ang magiging anak mo kung hindi mo ipaparanas sa kaniya ang pagmamahal mo bilang isang ina. Kung ganoon man ang mangyari balang araw at least ipinaramdam mo sa kaniya ang pagmamahal ng isang ina kahit na hindi man kayo mabuo.” Niyakap na lang ni Nina si Ellaine at alam kong naiintindihan din naman niya ‘yon kahit na hindi magsalita si Ellaine.
Pinauwi na muna namin si Ellaine at si Nina na ang nagpresintang maghatid sa kaniya. Palabas na sana ako ng campus nang tumunog naman ang aking telepono. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at basta ko na lamang ito sinagot.
“Hello?” walang gana kong sagot sa kabilang linya.
“Madel, are you alright?” Tiningnan ko ang screen ng telepono ko at si Ulysses pala ang tumatawag sa’kin
Muli kong inilagay ito sa aking tainga at saka tipid na ngumiti. “Ikaw pala Ulysses. Bakit napatawag ka?”
“Nag-lunch ka na ba?”
“Hindi pa eh. Pero pauwi na rin naman ako sa bahay siguro do’n na lang ako kakain”
“Samahan mo na lang akong mag-lunch hindi pa rin naman ako kumakain eh.” Matagal bago ako makasagot sa kaniya.
Muntikan pa akong mapatalon sa gulat ng bigla na lamang siyang sumulpot sa aking tabi. Nakalagay pa sa tainga niya ang kaniyang telepono at doon lamang niya ito ibinaba nang tingnan ko siya. Napakurap-kurap ako at nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko pa rin lubos maisip na siya ang kapatid ni Jeremy na nang-iwan sa kaniya noong mga bata pa sila.
Malapad pa siyang ngumiti sa akin at bahagyang tumungo. Nakatulala ako sa kaniya at nakalagay pa rin sa tainga ko ang aking telepono kahit na naibaba na niya ang tawag. Ginulo niya ang buhok ko na para akong isang batang paslit kaya doon lamang ako nagbalik sa huwisyo.
Tumikhim ako at umisang hakbang ako palayo sa kaniya. “Ahm, ano kasi Ulysses eh__”
“Is it because of Jeremy?” Hindi ako nakapagsalita at umiwas na lang sa kaniya nang tingin.
“Okay lang Madel, naiintindihan ko.” Napakagat-labi ako.
Ang totoo niyan ay gusto ko na siyang iwasan pero naiisip ko pa lang ‘yon ay nagui-guilty na ‘ko. Matagal ko na rin naman siyang kaibigan at mas naging komplikado pa ang sitwasyon namin nang malaman kong kapatid siya ni Jeremy. Ayokong panghimasukan ang buhay nila dahil alam kong sila lang ang makakalutas no’n.
“We can have lunch if you want.” Napalingon kami pareho sa kung sino ang nagsalita.
Napalunok pa ako nang makita si Jeremy at tanging kay Ulysses siya nakatingin. Nakasuot pa siya ng puting t-shirt at ‘yong karaniwang ginagamit niyang pang-basketball short. Halatang katatapos lang niyang magpractice dahil basang-basa ng pawis ang suot niyang t-shirt. Lumapit pa siya sa’kin at hinawakan ang kamay ko at pagkuwa’y inilapit sa kaniya. Hindi niya ‘ko tinapunan nang tingin at tanging kay Ulysses pa rin siya nakatuon.
“Let’s have lunch together,” muling sabi niya.
Hindi ko alam kung ako ba ang sinasabihan niya o ang kapatid niya. Kumunot ang noo ni Ulysses na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ni Jeremy at saka niya ako binalingan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jeremy at pilit na itinatago ang kabang nararamdaman ko.
“U-ulysses, hindi ba nagugutom ka na? S-sabay ka na rin sa’min,” nauutal kong saad sa kaniya.
Ngumiti naman siya at saka tumango.
Hinila na ako ni Jeremy papunta sa canteen at kasunod naman namin si Ulysses sa aming likuran. Tahimik lang kami at si Jeremy naman ay sa harapan lang nakatingin. Parang biglang sumakit ang tyan ko dahil sa tensyong nakakabingi at tanging tunog lang ng sapatos namin ang aking naririnig.
Nang makapasok na kami sa canteen ay para bang sa amin nakatingin ang ilang mga estudyante. Sumusunod lang ako kay Jeremy habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Hindi ko man naririnig ang ibang sinasabi nila pero alam kong kami ang pinag-uusapan nila. Naupo kami sa bandang gitna dahil iyon na lang ang bakante. Katabi ko si Jeremy at nasa tapat ko naman si Ulysses.
“What do you want to eat?” Nagulat pa ako ng bigla akong tanungin ni Ulysses.
“Ako na ang mag-oorder ng pagkain natin baby Madie.” Akmang tatayo na si Jeremy nang magsalita naman si Ulysses.
“Alam mo ba kung ano ang madalas niyang kainin?” Pinandilatan ko pa ng mata si Ulysses pero hindi man lang siya natinag.
Nang balingan ko naman si Jeremy ay pansin ko pa ang pag-igting ng panga niya pero prente lang na nakatingin si Ulysses kay Jeremy. Pinisil ko ang kaliwang kamay niya kaya doon niya ako sinulyapan at matamis na ngumiti sa kaniya.
“Kahit ano na lang sa’kin hindi pa naman ako masyadong nagugutom eh.” Marahan siyang tumango at saka siya tumayo.
Sumunod na rin si Ulysses at naiwan naman ako. Sunod-sunod akong nagpakawala ng buntong hininga at pakiramdam ko tuloy ay nakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto pa ay bumalik na si Jeremy at may dala siyang isang tray ng pagkain. Ibinigay niya sa’kin ang isang one piece chicken at pineapple juice.
“Thank you.” Nakangiti kong bungad sa kaniya.
Umupo naman si Ulysses sa harapan ko at inilapag niya sa’kin ang isang Caesar Salad at may kasamang iba’t-ibang klase ng prutas. Napapikit na lang ako at pasimple ko namang tinitigan si Jeremy. Sumandal pa siya sa kaniyang upuan at malakas na bumuga sa hangin. Halata sa itsura niya na naiinis na siya at anumang oras ay sasabog na ito.
“Hindi pa naman kasi ako masyadong gutom kaya okay lang naman kahit konti lang ang kainin ko.” Nasabi ko na lang para hindi na lumaki pa ang tensyon sa dalawa.
“That’s why I bought you a salad.” Sabay ngiti naman sa’kin ni Ulysses.
“She’s not a goat to eat that grass you bought,” mariing sagot naman sa kaniya ni Jeremy.
Napatapik na lang ako sa aking noo dahil para silang mga bata na nag-aaway pa sa harapan ko. Papalit-palit naman ang tingin ko sa kanila at ni isa sa kanila ay mukhang ayaw magpatalo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga isip-bata na ‘to, ang sarap lang nilang pektusan pareho. Magkapatid nga talaga sila dahil pareho silang ayaw magpatalo sa isa’t-isa.
Natigilan lang kami ng may maglapag ng isang paper bag sa lamesa. Si Jk ang naglagay noon at kasama naman niya si Joaquin na nakaakbay pa sa kapatid ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay at inirapan naman niya ako.
“Pinagluto ka ni mommy dahil alam niyang hindi ka na naman daw kakain sa oras. Look at you, you’re so tiny. Isang ubo ka na lang yata bibigay na ‘yang katawan mo eh.” Biglang nag-usok ang ilong ko dahil sa pang-aasar naman sa’kin ni Jk.
Ewan ko ba, minsan wala talaga akong gana kumain na hindi naman ako ganito noon. O ‘di kaya’y kumakain naman ako pero hindi ko nauubos ang pagkain ko. Inaatake rin ako kapag gabi ng sakit ng sikmura ko siguro ay dahil kokonti lang ang kinakain ko.
Tiningnan naman ni Jk ang pagkaing nakahain sa harapan ko at saka ito umiling. Pinag-krus niya pa ang kaniyang mga braso at tinitigan si Jeremy at Ulysses.
“Sayang lang ‘yang binili niyo para sa kaniya hindi rin naman niya ‘yan makakain.” Tumalikod na rin siya pagkasabi niyang ‘yon at nagkibit-balikat naman si Joaquin sa’kin.
Kinuha ni Jeremy ‘yong paper bag at inilabas ang pagkaing niluto ni mommy sa’kin. Nagningning ang mga mata ko nang makita ang laman ng baunan at medyo umuusok pa ito. Namiss ko tuloy ang special lomi ni mommy na may halong chicharon sa ibabaw.
“Akala ko ba hindi ka gutom? Nakita mo lang ‘yong luto ng mommy mo naglaway ka na kaagad.” Humarap pa ako kay Jeremy at tila nagpacute pa ako ng ngiti sa kaniya para naman hindi siya magtampo.
“Namiss ko lang talaga ‘yong ganitong luto ni mommy. Gusto mong tikman?” Umiling siya at pinagsandok na lang niya ako ng lomi sa mangkok.
Habang kumakain kami ay biglang nagring ang telepono ni Ulysses at tumingin pa ito sa’kin bago niya ito sinagot.
“Yes po mamita?” Napahinto ako sa pagsubo at napatingin ako kay Ulysses na nakangiting kausap si mamita sa kaniyang telepono. “Yes po, pupunta po ako mamaya”
Lihim naman akong napatingin kay Jeremy na tahimik lang kumakain ay kunwa’y hindi pinansin kung ano ang sinasabi ni Ulysses. Ngayon na nga pala ang wedding anniversary nila ni mamita at daddy Cedric. Close kasi si mamita kay Ulysses kaya naman tinawagan niya ito para imbitahin sa kanilang wedding anniversary.
Nauna namang nagpaalam si Ulysses sa amin at naglalakad na kami ni Jeremy palabas ng bulding namin. Kanina ko pa napapansin na tahimik lang siya at walang kibo. Humarang ako sa kaniyang harapan kaya doon lang siya napabaling nang tingin sa’kin. Sinimangutan ko siya ngunit umiwas siya sa’kin nang tingin.
“Galit ka ba? Kanina ka pa kasi tahimik eh.” Hindi siya umimik at nasa malayo ang tingin. “I want you to be there. At ayokong maghintay sa’yo ng matagal mamaya. Gusto ko ikaw ang makita kong guwapo sa paningin ko mamayang gabi.” Mabilis siyang napatitig sa’kin at unti-unting sumilay ang ngiti niya sa mga labi.
Ang kumag na ‘to. Iyon lang pala ang hinihintay niya kaya hindi niya ako kinakausap kanina. Akala siguro niya ay hindi ko siya papupuntahin kaya ang ipis nagtutumampo at kulang na lang ay kulamin niya ang kapatid niya dahil sa inggit.
Hinila niya ako at dinala sa fire exit. Sinandal niya ako sa pader at idinikit niya pa ang sarili niya sa’kin. Napalinga-linga pa ako dahil baka mamaya ay may makakita pa sa’min.
“Jeremy, ano bang ginagawa mo?” Mahinang wika ko sa kaniya.
“I just missed you.” Umikot ang mata ko at tinaasan siya ng kilay.
“So?” Kunawa’y pagtataray ko.
Kanina lang tahimik siya tapos ngayon animo’y para siyang linta kung makadikit sa’kin. In fairness, ang cute magtampo ng ipis na ‘to. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at masuyo itong hinaplos. Bumaba ang haplos ko sa kaniyang mga labi at hindi na ako nag-isip pa. Hinalikan ko siya at naramdaman ko na lang ang kamay niya na humihimas sa aking baywang.
Sa totoo lang mas masarap pa yata ‘yong mga labi niya sa kinain kong lomi kanina. Bakit ba kasi ang tamis? Feeling ko tuloy magkaka-diabetes ako nito kapag lagi kong titikman ang mga labi niya. Hindi lang siguro diabetes ang magiging sakit ko, magkakaro’n din ako ng heart attack dahil sa walang tigil na pagdagundong ng puso ko sa kaniya. Corny man, pero iyon talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Naitulak ko na lang siya ng biglang bumukas ang pinto. Nagkunwari pa akong galit sa kaniya at hinampas siya sa kaniyang dibdib na ikinagulat pa niya.
“Aminin mo na kasi na nilalandi ka ng babaeng ‘yon!” Mariin akong napapikit at tiyak patay na naman ako nito sa kaniya.
“W-what? What did I do? You kiss me and__”
“Liar! Nakita kita kanina. Tapos ngayon susuyuin mo ‘ko?!”
Narinig ko pang nagbulungan ang dalawang lalaking estudyante at kaagad din namang lumabas. Nang muli kong sulyapan si Jeremy ay nakatanga lang ito sa’kin at hinihintay ang paliwanag ko. Tiyak galit na naman siya sa’kin dahil sa inasal ko. Kaysa naman makita kami na naghahalikan at ichismis pa kami na may ginagawang kababalaghan.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang dalawang kamay niya. “Sorry sugar pop, kasi naman nagulat ako eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko”
“Ah, kaya pala pinagbintangan mo ‘kong may babae gano’n ba Madeline Mendez?” Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at pekeng ngumiti.
“Sorry na.” Ngumisi siya sa’kin at sabay hapit sa aking baywang.
Namilog ang mga mata ko dahil mukhang may masamang binabalak na naman ang ipis na ‘to. Napalunok na lang ako at binasa ko pa ng dila ko ang ibabang labi ko na tila natuyo na.
Inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga at saka bumulong. “Hinampas mo pa ‘ko kanina sa dibdib ah. Gusto mo bang hamapasin din kita?”
“A-ano?”
“Sa kama.” Binitiwan na niya ako at saka lumayo sa’kin. “See you later my lovely wife.” Ngumisi siya sa’kin at mabilis akong hinalikan sa aking mga labi bago siya lumabas.
Naiwan naman akong nakatulala sa kawalan at naihilig ko pa ang aking ulo. Umiral na naman ang pagiging manyakis ng hinayupak na ipis.
Nagtungo muna ako sa locker para kunin ang ibang gamit ko bago ako umuwi. Excited na ‘ko mamayang gabi dahil ito rin ang araw na ipapakilala ko na siya ng pormal kina mommy at daddy. Sana lang ay magustuhan siya ni daddy at lalo na rin si mommy.
Napahinto ako sa paglalakad nang sumagi sa isipan ko si mommy. Paano nga kaya kung talagang totoo ang mga narinig kong pag-uusap ni daddy at papa Mazer? Hindi naman siguro totoo ‘yon at mali lang sila ng speculation sa kaniya.
Pagbukas ko ng locker ko ay kinuha ko ang ilang mga libro ko na kakailanganin. Natigilan ako nang makita ko ang isang balot ng sanitary napkin ko na halos wala pang bawas. Naihilig ko ang aking ulo at inisip kung kailan ba ang huling dalaw ko. Hindi pa naman siguro ako late at masyado pa rin namang maaga para sa menstruation ko.
Masaya naman akong lumabas ng campus at iniisip ko pa lang na makikilala na niya ang pamilya ko ay kinikilig na ‘ko. I just hope na magustuhan siya nila daddy tulad ng pagka-gusto ko sa kaniya.