Hinihingal akong napatayo sa higaan dahil sa napanaginipan ko na naman. Gabi-gabi na lang akong dinadalaw ng mga kung ano-anong nilalang sa panaginip ko. Minsan isang pangyayari, minsan tao, o 'di kaya ay mga engkanto. Ewan ko ba. Siguro nasobrahan ako sa paggawa ng mga project namin. Isang taon na lang at ga-graduate na ako. Napatakip na lang ako sa dalawa kong tainga dahil sa ingay na naririnig ko sa labas. Hindi pa ba sila tapos mag-party? Grabe naman. Simula madaling araw hanggang ngayon ay nag-iinuman pa rin. Nagpapapadyak ako sa hangin at bumangon habang ginugulo ang buhok. Inis akong tumayo at naligo na para pumasok sa eskwelahan. Nakakaloka mga tao rito. Ayaw atang magpatulog. Start ng second semester ngayon at mukhang bangag pa akong papasok dahil sa kanila. Bumaba

