AFTER ONE MONTH. Dala-dala ko ang pregnancy test sa banyo at mag tabtry ako kung nabuntis na ba ako. Nang matapos ko patakan ng aking ihi ang pregnancy test ay pinagmasdan ko ito, kinakabahan ako. Diko alam kung bakit, ganito rin ako ng mabuntis ako kay Princess. Parang excited ako na may halong kaba. Ngunit isang guhit lang ang nakita ko, one month and four days na akong delay. Kaya sumubok akong mag check baka sakaling mag positive, pero bigo na naman ako. Tinapon ko sa basurahan ang ginamit kong PT at lumabas na ako ng banyo, tulog pa rin si Lean. Hindi ako mapakali sa kaka lakad, hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya na negative na naman ang resulta ng pregnancy test. Ang ginawa ko ay bumalik ako sa banyo at naligo, sabi ng doctor ay kailangan kong mag relax kong plan

