Nagising ako ng may humaplos sa aking buhok at marahang pag dampi ng labi sa aking noo. Si Lean na hinalikan ako sa noo at kasunod si Princess na humalik run sa aking pisngi. "Hi, Princess?" Nakangiti kong bati sa aking panganay na anak. "Hubby," bumaling naman ako sa aking asawa. Umalis kanina si Lean dahil sinundo niya si Princess sa school para maisama siya ni Lean dito sa ospital dahil nag re request ito na makita ang kanyang kambal na kapatid. "Hi mommy, how are you?" Tanong ni Princess at inabot ako saka hinalikan ako sa pisngi. "I'm okay, Princess… how about you baby," balik kong tanong sa kanya. "I'm happy mommy, I saw my brothers earlier." Aniya na naka ngiti at parang excited na mahawakan ang kanyang mga kapatid. "Really baby?" "Yes mommy, they're both so cute and so ha

