Third POV Pagkatapos magpalitan ng vows ay inilahad na ng pare ang singsing na inihatid ng ring bearer. "Quince Evans, sa singsing na ito, ibinibigay ko sa iyo ang aking pangako, mamahalin ka, maging tapat sa iyo, at ibahagi ang aking pag-ibig at buhay sa iyo, sa lahat ng paraan, magpakailanman." "Leandro Montefalco, sa singsing na ito, ibinibigay ko sa iyo ang aking pangako, mamahalin ka, maging tapat sa iyo, at ibahagi ang aking pag-ibig at buhay sa iyo, sa lahat ng paraan, magpakailanman." Parehong nakangiti ang bagong magsing irog ng humarap sila sa mga taong panauhin kasama ang kanilang pamilya na naghihiyawan at nag re request ng "kiss" sa kanilang dalawa. "Kiss kiss kiss kiss kiss," sigaw ng mga taong masaya at nagsisi palakpakan at humihiling. Bago paman mag harap ang dal

