Alia's pov
Bigla na lang ako napatayo ng susuntukin na sana si dark angel buti na lang at nakaiwas siya...
Bakit ang lakas nila?.. mukhang mapapalaban ata ako ngayon ahh...
Lumapit na ako sakanila pero hindi muna pumasok dahil hindi pa ngayon yung oras...
Ilang suntok na ang iniiwasan ni dark angel... buti na lang naiiwasan niya ng mabilis ang pagsuntok sakanya sa likod...
Ilang sandali ay tumba na yung caspian...
"Ano dwayne? Dalawa na tayo?" Bulong nung justin kaya naman tumayo sila... hahahha napansin ko lang bakit parang memories ko yung pangalan nila...
Pumunta naman sa gita yung dalawa habang naka hawak silang dalawa ng dagger..
Andaya naman bakit kamao lang gamit ko tapos sila may dagger.. di ko pa man din dinala yung dagger ko
Basa ko sa isip ni dark angel kaya naman...
"Hey dark" sabi ko at binato sakanya ang isa kung dagger..
Sinalo naman niya at tumango siya saakin bilang pasasalamat..
Agad na umataki yung justin at sumunod yung dwayne kaya naman di naiwasan ni dark angel dahil sinangga niya ang dagger ni justin at di niya aakalaing aatake yung dwayne...
Yeeehhhheeeeeyyy!!!! May fries na ako!!!! ♡_♡
Hahaha... kaya naman pumunta na ako sa gitna...
Yan na makikita na natin kung paano makipaglaban si black queen
Rinig kung bulong...
"Hey.. para mas maganda.. protect me" sabi ko na nakapagpalaki ng mata niya.. wahahahahha.. kawawang dark angel... nang nasa gilid ako agad tumakbo papunta saakin yung dalawa at sasaksakin ng dagger ng binatukan silang dalawa ni dark angel...
"Tsk... andito pa ako wag nyo kung talikuran!" Cold na sabi niya at sinuntok ng malakas yung dalawa sa sikmura sa sakit siguro nun ay napaatras sila hanggabg lumagpas sa guhit..
"Out!" Sigaw ng mc..
"Pano ba yan.. ikaw na lang mag isa *smirk*" cold kong sabi...
"Tsk.. ayaw ko ng minamaliit ako" sagot rin niyang cold siya yung nagkasakit ahh yung rence ang pangalan...
"Sege nga kaya mo bang talunin yung kasama ko?? Lahat ng kasama mo natalo niya ehh" sabi ko sakanya.. pumunta naman siya sa gitna at bigla na lang napunta sa likod ng kasama ko at binatukan at sinikmuraan.. napatigil naman ako dahil natumba siya... mukhang ako talaga ang pinuntirya niya at ginamit ang kasama niya para makita niya kung paano makipaglaban yung kasama ko... yiieeeeehhh basta mahalaga may libreng fries ako *^*
"Pano ba yan.. tumba na kasama mo?" Sabi niya...
"Siya ata ang malakas sa inyong dalawa ehh kaya ka niya prinoprotektahan kanina *smirk*" pangaasar na sabi niya pero di ako naasar...
"Paano kung totoo? Uurong ka ba?" Tanong ko sakanya..
"Syempre hindi.. kahit papaano gusto ko makita ang mukha ng leader ng rank 1" sabi niya saakin...
"Ok?" Natatawa pero may halong cold pa rin iyon...
Pansin nyo ako lang nagsasalita at bihira si dark angel? Kasi nga makikilala siya sa boses niya... kaya minsan niya lang gamitin at nagpapakacold siya parq umiba yung boses...
Agad naman siyang napunta sa harapan ko at akmang aalisin ang maskara ko ng umiwas ako... mukhang masaya toh *smirk* gusto niyang alisin ang maskara ko?? Tingnan natin... ewan ko pero parang nababasa ko kung ano ang susunod na gagawin niya kaya naman nakakaiwas ako...
Sisipain sana niya ako para matumba ay tumalon ako at pagkalapag ko ay susuntukin sana ako kaya naman nagsplit ako at yumuko...
Ng susuntukin ko siya ay naiwasan niya kaya naman agad kung sinunod ang paggalaw ng paa ko at sinipa siya sa tiyan kaya naman hindi niya naiwasan at natumba... agad naman siyang tumayo at bigla na lang nasa likod ko kaya naman tumamblinh ako para lumayo... pagkatapos kung tumambling ay nasa harap ko agad siya at akmang susuntokin sana ako ng sinalo ko ito...
"Paanobg--" hindi niya naituloy yung sasabihin ko dahil hinila ko ang kamay niya kaya sumama ang katawan niya at binalibag... ilang segundo ay tumayo siya at tumigil dahil pinapalipas niya yung sakit ng pagkabalibag niya siguro ....
Siguro kung hindi lang pagod si dark angel matatalo niya toh... bigla siyang tumalon at nawala ng parang bula at naramdaman kung may paparating na paa papunta sa mukha ko ng yumuko ako.... agad naman akong umatake sakanya na hindi niya naiwasan.. sinuntok ko siya sa sikmura at napahawak ito sa sikmura kaya naman sinipa ko siya at natumba..lumapin ako sakanya at umopo at akmang susuntokin ito pero sa gilid ko ito sinuntok...
"Ang hina mo naman pala" sabi ko habang nakayuko at nakatingin sakanya.. pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya... biglang inalis niya yung maskara ko at nakita niya ako kaya agad kung kinuha yung maskara ko... ewan ko pero gulat na gulat siya sa nakita niya... agad kung binuhat si dark slayer at tumakbo bago ako makalabas ay narinig ko ang boses niya...
"Sandali!!!!!!"