Alia's pov
Nang makilala ko sila nagulat ako dahil yung kasama nilang tahimik ay yung bastos...
"I-ikaw y-yun d-dba?"nauutal kong sabi habang nakatingin kay bastos..
"Anong ako?"tanong ni bastos.. yung red hair po na lalaki ah..
Doon ko lang naalala hindi pala ako nakasalamin nung araw na yun...
"Ahh wala wala" sabi ko...
Pagkatapos naming magbreak ay pumunta na kami ng klase... pero ang tumakas ako at pasimpleng umalis dahil inaantok na talaga ako...
Agad kung kinuha yung phone ko at tinawagan si manong..
"Ma'am bakit po?"
"Manong sabing alia na lang ehh... nga pala sunduin mo po ako ngayon na ... as in now na bilisan nyo po ahh pero wag po kayong magpapabunggo" sabi ko...
"Ahh sorry.. alia hulaan ko mags-skip ka noh?? Sege sege andyan na ako..." pagkatapos nun ay pinatay ko na... ilang sandali ay andyan na si manong kaya naman sumakay na ako...
Sa pagbyabyahe may napapansin akong sumusunod sa likuran na taxi... ahh siguro nagkataon lang...
Pero habang tumatagal nasa likod pa rin kaya naman lumapit ako kay manong...
"M-manong?" Sabi ko..
"Ano yun alia?" Tanong niya..
"P-parang may sumusunod po satin ehh" sabi ko kaya naman napatingin siya sa salamin at napaseryoso...
"Alia?" Tawag saakin...
"A-ano po yun?" Kinakabahan kung tanong...
"Magseat belt ka" sabi niya kaya naman nagseat belt ako pagkasuot na pagkasuot ko ay bigla niyang niliko kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa seat belt...
"Alia kunting tiis lang... pangako mo na wag mong sasabihin toh kela mama mo hah??" Sabi niya kaya naman tumango ako.... ilang minuto bago maligaw namin ang taxi sa likod kaya naman napahinga ako ng maluwag... at nakauwi ng ligtas..
"Manong salamat po hah?" Sabi ko sakanya kasi siguro baka mandurukot yun at gusto akong dukutin..
"Walang ano man alia :)" sabi niya kaya naman agad akong pumunta sa kuwarto ko... pagkapasok ko sa kuwarto ko ay nakabukas yung bintana..
"Bakit toh nakabukas?" Tanong ko kaya naman agad kung sinara yung bintana at nang paglingon ko ay may lalaking nakatayo...
Nagulat ako at imbis na sumigaw sinuktok ko sita sa sikmura at sinipa sa ano niya kaya naman napahiga siya... doon ko na lang namalayan na siya yung bastos..
"A-anong ginagawa mo rito?? " seryosong tanong ko at handa ng manuntok..
"Aww... pwede ba... wala naman akong gagawing masama sayo" sabi niya saakin kaya naman nakahinga ako ng maluwag... pero namumula na siya siguro napasobra ako...
"O-oyy... o-ok ka lang??" Tanong ko pero parang nakatulog ata siya kaya naman binuhat ko siya pero ang init niya... lah may lagnat ata toh ..
Binuhat ko siya at pinahiga sa kama..
Agad akong kumuha ng towel at maligamgam na tubig... nahpakuto na rin ako ng lugaw... geeeeezzzz ang brutal ko naman ata sobra...
Binasa ko yung towel at pinahid sa noo niya.... pinunasan ko rin yung braso niya at kamay...
Pagkatapos ay kinumutan.. ewan ko kung tama ba di ko kasi talaga alam ehh... yun lang ang alam ko...
Kinumutan ko siya habang may towel sa noo niya...
"Z-zeny b-bumalik k-ka.. w-wag m-mo kung i-iwan... p-please" sabi niya habang tulog... at nakuta kong may tumulong luha... pero pakiramdam ko ako yung tinutukoy niya... siguro kailangan niya ng karamay...
"Andito lang ako wag kang magalala" sabi ko at pinunasan yung luha niya...
"I-i love you zeny" sabi niya... nananaginip ata toh... agad kung niligpit yung mga ginamit ko... pagkarating ko sa kusina ay naluto na pala yung lugaw kaya naman naghain ako...
Pagkarating ko sa kuwarto ay nakatulog pa rin siya...
"Ahhmmm... ano nga pala pangalan mo??" Sabi ko sa sarili at biglang may naalala ako.. rence ata name niya...
"Rence?? Gumising ka muna kailangan mo munang kumain ohh" sabi ko kaya naman napamulat siya ng mata at napatingin saakin...
"Tsk..." sabi niya at tumalikod saakin at natulog...
"Aba!! Mapili ka rin noh?? Ikaw na nga pinapakain ikaw pa may ayaw?? Kung ayaw mo ako na kakain" sabi ko at magsusubo na sana ng isang kutsarang lugaw ay hinablot naman nito at kinain...
"Ako nga . Wag kang maarte may sakit ka ako magpapakain sayo" sabi ko sakanya at kinuha yung kutsara...
Sinubuan ko siya hanggang sa maubos at bago siya matulog ay pinainom ko muna siya ng gamot...
Habang tulog siya ay nakatingin lang ako sa mukha niya... ewan ko pero parang kilalang kilala ko na itoh ehh...
Tiningnan ko ulit kung mainit pa sya pero medyo meron pang lagnat kaya naman kumuha ako ng maligamgam na tubig at pinahid sa noo niya habang nakatingin ako sa mukha niya napapaisip ako.. kilala ko ba talaga siya?
Hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako.....
●●●
Habang natutulog ako parang may nakadagan saakin kaya naman napadilat ako at nagulat dahil s-si r-rence n-nakay-yakap s-saakin... habang natutulog....
Imbis na sumigaw ako ay dahan dahan kung inaalis yung kamay niyang nakasandag saakin pero imbis na mawala ay mas lalong humigpit...
Waaaaaaaaaahhhhhhhh gusto ko nang sumigaw T^T
Pinilit ko pa ring alisin yung kamay niya at successs hahhaha naalis ko rin... agad akong bumangon at niligpit yung ginamit ko...
Pagkapasok ko ng kuwarto ay gising siya...
"Ikaw si alia javier diba?" Bungad niya saakin pero bago ko sagutin yun at kinapa ko yung noo niya...
"Ano ba?!" Sigaw niya... wala na siyang lagnat...
"Ahh oo ako nga si alia. At apilyedo ko ang javier pero nickname ko yung alia" sabi ko...
"Ahh so 50%-50% ang chance na ikaw nga iyon" sabi niya..
"Anong 50%-50% na sinasabi mo at anong chance?" Nagtatakang tanong ko...
"Ahh wala... nga pala anong nangyari kanina?" Tanong niya kaya naman nagtaka ako..
"Seryoso wala kang maalala?" Tanong ko...
"Pagkatapos mo kong t*****e'n ay wala na akong maalala... nakatulog ata ako?" Patanong niyang sabi...
Kaya naman nakaisip ako ng kalokohan...
"May nangyar-" naputol ang sasabihin ko dahil sumingit na agad siya...
"MAY NANGYARI SAATIN?? WHAT??? SERYOSO?? AKO?? PAPATOL SAYO?" Sigaw niya kaya naman napasara ako ng tenga..
"Excuse me?? Hindi mo pa ako natatapos... may nangyaring masama kanina... nilagnat ka kaya naman inalagaan kita... kelangan mo dapat pagbayaran yun" sabi ko...
"Ahh kala ko kung ano na ehh" sabi niya.