Alia's pov Nandito ako sa gate ng academy at nagbabantay pero hindi pa rin maaalis ang lungkot sa aking mukha. Nang may humawak sa balikat ko. "Makakaya natin toh" sabi saakin ni marrian kaya naman pilit akong ngumiti. Ilang sandali nararamdaman ko na ang presensya ng mga darkians lalo na si tuibor(tuibore) ang devil god. Hanggang sa matanaw ko na sila at nanlaki ang aking mga mata sa nakita. "T-terrence?" nauutal kong sabi siya yung nasapanaginip ko dati na inisa isa niya kaming lahat. Kaya naman napaseryoso na ako at itinago lahat ng emosyon ko. "Arriane" bulong ko sakanya kaya naman lumingon siya saakin. "Sabihin mo na sa iba na maghanda na at siguraduhin ang mga walang laban na healer ay nasa loob ng academy" Sabi ko kaya naman tumango siya at nawala habang ako naman ay naghanda

