(BALIK TANAW)
Tinawag ng kaniyang kuya si Kara para pumunta sa likod bahay. Nakita ni Kara ang babaeng sinaksak ng kaniyang kuya.
Naalala niya ang sarili niya noong mga panahong siya pa si Klea. Niloko ni Miguel, pinaglaruan at pinatay. Salamat sa kuya niya na maagap at naisalba siya. Nakita siya ng kaniyang kuya na wala ng malay, kaya mabilis siyang ginising. Nagtataka ito dahil nasa hukay siya at duguan ang damit. Malalim ang tama sa kaniyang tiyan.
Naalala niya si Hannah, buhay pa sana noon ang kawawang babae.Tutulungan dapat nila si hannah ngunit dinugo ang babae. Buntis pala ang babae. "Tulungan mo ako. Isama niyo ako." Pagmamakaawa ni Hannah. Tumingin si Hannah sa katabi niya. Nakita niya si Candy na patay na.
"Ate! Ate!" Sigaw ni Hannah. Narinig ni Miguel ang sigaw kaya nagmadali siyang bumalik galing kusina.
"Iwan mo na ako babae, `di na ako sasama sa iyo. Hindi ko iiwan si ate." saad ni hannah.
"Kuya, tulungan natin siya!" sambit ni Klea.
"Wala ng oras halika na, Klea." Hinawakan ng kaniyang kuya ang kaniyang kamay.
Nagtago sila sa malaking puno at nakita niya si Hannah na lumaban kay Miguel.
Lumapit si Miguel ngunit ganoon na lang ang gulat nito ng pukpukin siya ni Hannah ng pala na panghukay sa tagiliran. Nakabawi si Miguel, naagaw niya ang pala at hinampas sa tyan at mukha ni hannah. Binawian ng buhay si Hannah.
Nagsimulang magtabon ng lupa si Miguel. Hindi niya napansin na kulang ng isa ang bangkay. Mabilis na sumakay si Klea sa nakaparadang motor ng kaniyang kuya. Nawalan ng malay si Klea dahil sa sugat sa likod, tiyan at baywang. Mabuti at nasa hospital na sila noong nawalan si Klea ng malay.
Nagising si Klea at agad siyang nilapitan ng nurse. Kakagising lang nya noon.
"Ms. Kara Lee, pwede na po kayong umuwi." Nakangiti ang nurse sa kaniya.
"Kara Lee. Sino iyon?" nakakunot ang kaniyang noo sa sinabi ng nurse. Lumapit ang kuya niya.
"Sir Denver, gising na po si Ma'am Kara. Puwede na po siyang umuwi."Umalis na ang nurse.
"Kuya, sino si kara?" naguguluhang tanong ni Klea.
"Simula ngayon ikaw na si Kara Lee, umuwi na tayo at naghihintay na si Mama at Papa galing States."
"Kuya magaling ka na ba?" manghang tanong ni Klea.
"Wag ka ng magtanong. Halika na". Umuwi sila sa bahay nila at naabutan ang inaalagaan ni Klea na kapatid ni Miguel na si Miramor.
Galit na galit si Denver na lumapit sa babae. Walang laban ang babae dahil ang kalahating katawan nito ay hindi na maigalaw. Wala siyang magawa kung hindi tanggapin ang galit ng lalaki. Sinakal ito ni Denver at hindi niya mapigilan ang kapatid. Hinahawi lang siya nito na parang papel. Naiiyak siya dahil nakatingin lang sa kaniya si Miramor.
"Pakawalan mo na siya, Kuya!" Pagmamakaawa ni Klea ngunit walang naririnig si Denver.
"Papatayin ko siya!" Hindi ito tinantanan ni Denver.
"Kapatid siya ni Miguel, Kuya! Ayaw ko siyang mawala dahil napakabait niya sa akin!"
"E, `di mas maganda, kapatid pala siya ng lalaki mo. Siya ang magbayad ng ginawa ng kapatid niya sa iyo. Hindi ko siya mapapatawad!" sabi ni Denver.
"1 -0 na kapatid hahahaha!" Malademonyong halakhak ni Denver.
*****
Wala sa sariling nagtatrabaho si Miguel. Binabagabag na siya kaniyang konsensiya. Naalala niya ang ate niya na nangakong bibisitahin siya. Ngunit wala ito, kasabay ng pagpatay niya kay Klea ay hindi niya alam kung nasaan ito. Kung nakinig siya kay Klea sa pagmamakaawa nito ay hindi niya maiisip ang kaniyang kapatid sa kalagayan nito.
"Nababaliw na ako!" Sinabunutan niya ang kaniyang ulo. Sobrang sakit ng sentido niya. Hindi siya mapakali. Tumayo siya sa upuan at lumabas ng opisina para tingnan ang nga nagsasayawan sa dance floor. Pumunta siya sa liquor section para humingi ng tequila. Kailangan niyang mahimasmasan dahil para na siyang mababaliw sa iniisip.
Napatingin siya sa babaeng naka full green attire. Litaw na litaw ang green na lipstick nito. Napakaganda ng babae ngunit may hinala siyang nakita na niya ito. Hindi niya lang maalala kung saan.
"Hey man! You look like a fool, kung nakikita mo lang ang sarili mo para kang tanga diyan. Haha!" natatawang sabi ng babae.
"Sorry you look stunning and beautiful, hindi ko mapigilang hindi ka tingnan." Tumayo siya para makipagkilala rito.
"By the way, I'm the manager of this bar. Miguel Sandoval." Inilahad niya ang kaniyang kamay at inabot nito. Kakaibang kilabot ang naramdaman niya, pamilyar ang kamay nito sa kaniya. Pinipilit niyang kilalanin ang mukha nito pero hindi niya masabi kung sino ito dahil sa kapal ng mke up na nasa mukha nito.
"Kara Lee." nakangiti ang babae na nakatingin sa kaniya. Nagkwentuhan sila hanggang may tumawag kay Miguel. Agad siyang iniwan nito at nagmamadaling puntahan ang tumawag. Napangiti siya dahil alam niyang sa pagkakataon na ito, alam niyang wala na ang babaeng pinakaiingatan niya kahit nadurog ang puso niya nang patayin ng kaniyang kuya ang ate nito.
*****
MIGUEL POV:
NANLULUMO si Miguel noong buksan ang body bag ng kaniyang ate na si Miramor. Labis ang pighati niya dahil si Ate na lang niya ang kamag anak niyang kinikilala. Simula noon si Ate niya ang nagtaguyod sa kaniya para makapag aral siya kaya noong nalumpo ito dahil sa nobyo nitong seloso ay hindi niya matanggap sa sarili na habang buhay na ang pagkalumpo ng ate niya.
Kaya noong nagpresinta si Klea na alagaan ang kaniyang ate ay hindi siya nagdalawang isip na humindi rito. Bukod sa napamahal na ang kaniyang ate sa nobya ay napakabait ni Klea sa kanila.
"Alagaan mo Migs si Klea ah, alam mo bang pinangarap kong magkaroon ng kapatid na babae. Si Klea yung inasam ko na wala sa atin. Simula noong ibigay ko ang buhay ko sa pagtatrabaho, matustusan lang ang pangangailangan mo ay inasam ko may isa pa rin akong makakausap na babae na alam kong malapit sa iyo. Salamat at pinaramdam mo sa akin na hindi ako pabigat kahit kinakain na ako ng insekuridad ng mundo. Salamat, kapatid." Naalala niya ang mga paalala ng kaniyang ate noong huling punta niya. Masaya si Klea at ang ate nito sa pagbabaking.
Napaiyak siya ng makita ang pulang marka sa leeg ng kaniyang ate. Ayon sa sinabi ng nakakita sa kaniyang ate sa labas ng inuupahan nila ni Klea, nakadapa raw sa labas ng pintuan ang kaniyang ate. Noong tingnan nila ang kaniyang ate at pulsuhan ay wala na itong buhay.
"Wala na si Miramor. Wala na mag bake ng napakasarap na cookies sa amin." nanghihinayang na sinabi ni Raven sa kaniya. Manliligaw ito ng kaniyang ate. Ito ang kasama ng kaniyang ate noong hindi na umuwi si Klea galing sa kaniya. Noong araw na pinatay niya ang kasintahan.
"Salamat, pare sa pag aalaga sa ate ko. Salamat."
Tinapik siya nito sa balikat.
"Buti nakita ni George si Miramor at agad sinabi sa akin. Umalis lang ako at nagpaalam sa ate mo ng isang araw dahil pinuntahan ko ang aking ina na may sakit, kung alam ko lang na mangyayari ito kay Miramor. Isinama ko na siya. Kung hindi umalis si Klea sana ay may kasama pa rin ang ate mo." Napaisip siya, kasalanan niya kung bakit nawala si Ate niya. Hinalikan niya sa noo ang ate at inasikaso ang libing nito. Ayaw niyang patagalin pa ang kaniyang kapatid dahil wala naman silang hinihintay.
LUTANG si Miguel sa isang araw na pag asikaso sa libing ng ate niya. Nagtataka ang mga tao kung bakit agad niyang ililibing ang ate niya samantalang kakamatay lang nito.
Hindi niya magawa sabihin ang totoong kuwento dahil maging siya ay ayaw niyang balikan. Kahit si Klea ay hindi niya pinaalam ang totoong dahilan bakit sila nagtatago.
Nasa harap siya ng lapida ng kaniyang ate. Kakatapos lang ipasok ang kabaong ng ate niya sa loob ng himlayan nito.
"Ate, kung malalaman ba ng iba na isa kang abortionista ay magiging malapit sila sa iyo? Kung malalaman ba nila na may sakit ako sa pag iisip ay makikisama sila sa akin? Ate, pumatay ako ng tatlong tao. Yung makapatid na si Hannah at si Candy na parehong buntis. Ate binaon ko sa likod bahay. Ate, humihingi ako ng tawad dahil pati si Klea ate nadamay sa pagpatay ko. Sorry, kasi ate hindi ko naisip na si Klea ang taong kayang tumanggap ng pagkakamali natin. Iyon nga lang at hindi ko naisip na sabihin sa kaniya."
Huminga siya ng malalim. Pinipigilan niya na umiyak pa sa harap ng ate niya.
"Ate, laging sumasakit ang ulo ko. Ramdam ko na lumalala ang sakit ko. Laging pumapasok sa isipan ko sila. Paano na ako? Paano na?"
Wala siyang nakuhang sagot sa kaniyang ate kaya umalis na lang siya na mag isa. Sa hindi kalayuan ay nagmamasid si Denver sa bawat galaw niya. Natatawa ito sa pag iyak nito at pagsasabi ng pinaka sikreto nito..
Hinawakan ni Denver ang baril na nasa jacket niya. Kanina pa niya gustong pasabugin ang ulo nito. Wala siyang utang na loob kay Klea.
Sumakay si Miguel sa pula nitong kotse. Hindi na niya hinabol pa ang binata dahil alam na niyang wala itong mapupuntahan para pagaanin ang loob nito. Ang marinig niya ang mga sikreto nito ay para na rin jackpot sa kaniya.
*****
BUMALIK si Denver sa puntod ni Miramor. Nakaramdam siya ng lungkot sa pagkamatay ng dating kinakasama.
"Patawad dahil ako ang naging dahilan ng pagkalumpo mo at pagkamatay mo. Ayaw kong ungkatin pa ni Klea kung ano man ang gusto mong sabihin sa kaniya. Isama mo sa hukay ang sikreto natin dahil hindi kita mapapatawad sa pagpatay mo sa anak natin!"
Napaupo siya sa sahig, kasabay ng pagbuhos ng napakalakas na ulan.
"Miramor, minahal kita. Minahal kita higit sa buhay ko! Minahal kita ng walang kapalit. Minahal kita dahil ikaw ang bumago sa magulo kong buhay. Binago mo ako, nagbago ako para sa iyo. Bakit si Raven pa rin ang mahal mo? Kahit siya ang dahilan kung bakit itinakwil ka ng pamilya mo!"
Inilabas niya ang sama ng loob sa nakalipas na limang taon.
"Minahal mo ba ako? Kasi hindi ko naramdaman na minahal mo ako kahit ang anak natin. Pinatay mo siya, sa pagka ayaw mo sa mga sanggol pati ang anak natin kinitlan mo ng buhay. Siya ang pag asa kong makabangon sa kinasadlakan kong pagdurusa. Tingnan mo ako ngayon, hindi na nakabangon."
Tumayo siya at nagpunas ng luha.
"Alam mo malapit na rin tayong magsama pero bago iyon dapat mahirapan si Miguel."
Tumalikod siya sa puntod ni Miramor. Umalis siya na hindi man lang lumingon pa sa puntod ng minamahal.
*****
KARA POV:
UMUPO si Kara sa upuan na malapit sa kinauupuan ni Miguel. Nasa bar siya ngayon, natutuwa siya sa hitsura ng binata. Halos namumula ang mga mata nito. Hindi siya nakaramdam ng habag sa binata pero tuwing naaalala niya si Miramor ay nalulungkot siya.
Uminom siya ng alak na inorder niya. Wala siyang balak magpakalasing dahil gusto niyang mapansin siya ni Miguel. Ngunit wala sa kaniya ang atensiyon nito kaya nagsisimula na rin siyang mainis.
Naiirita rin siya sa mga sumisipol sa kaniya. Tuwing may dumadaan sa harapan niya ay laging may nalalaglag na panyo at pera sa harapan niya. Dinededma lang niya ito. May isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Lasing na ito pero wala siya sa mood na magsama sa bahay nila ng lalaki.
Umalis siya sa table niya. Agad sumunod ang mga lalaki sa kaniya. Nabadtrip siya bigla sa pagsunod ng mga ito.
Nakita niya si Denver na nakasandal sa kaniyang kotse. Nagulat siya sa hitsura nito, nagpakulay ito ng buhok at nag ahit ng balbas. Labis na rin ang pagkamangha niya sa suot nito na parang isang miyembro ng K-pop group.
Lumapit ito sa kaniya. Hinila ang kamay niya at pumasok ulit sa loob ng bar.
"Uuwi na ako." Natawa ang kuya niya sa hitsura niya.
"Nalugi ka yata ngayon, Kara! Mukhang napag iiwanan ka na!" napairap siya sa sinabi nito at nagpatianod sa kapatid niya.
Ilang oras ang lumipas at nakaupo lang siya sa upuan at tinitingnan ang kapatid na nakikipag harutan sa mga babae. Napako ang tingin niya sa isang babae na nasa sulok ng bar. Naka salamin ito at naka itim na bestida. Pinuntahan niya ito para kausapin.
Palapit siya rito ngunit natabig niya ang waiter na may dalang alak. Agad siyang humingi ng tawad ngunit paglingon niya ay hindi na niya nakita ang babae.
Pumunta siya sa comfort room. Nangangati na ang mukha niya sa make up na nilagay niya dahilan ng kaniyang pagka iritable.
"Are you looking for me, Miss?" Napalingon siya at nakita ang pamilyar na mukha ng hubarin nito ang salamin na tumatabing sa mga mata nito.
"Hannah!" Napasigaw siya ng tawagin ito.
"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung babae na nakasama namin sa hukay —"
"Sa ibang lugar tayo mag usap, huwag rito."
Sumunod ang babae sa kaniya. Agad silang sumakay sa kotse niya.
"Hindi ko alam na makikilala mo ako." Hindi ito mapakali sa kinauupuan nito.
"Hindi ko makakalimutan ang ginawa sa iyo ni Miguel. Lalo na sa mukha mo." Naiyak ito bigla at mas mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya.
Bumaba sila sa kotse at pumasok sa bahay.
"Anong nangyari sa iyo? Akala ko patay ka na." Pabagsak itong napaupo sa upuan. Napansin niyang nanginginig ang mga tuhod nito.
"Ang hirap ng pinagdaanan ko. Lalo na sa aking anak. Kung paano ko iwanan si Ate sa hukay. Magbabayad sa akin si Miguel!" Napakuyom si Hannah ng kamay.
Palaisipan pa rin na nabuhay si Hannah. Dahil kitang kita niya kung paano brutal na pinatay ni Miguel ang babae.
Kumuha siya ng wine sa kabinet. Nawala ang lasing niya dahil sa natuklasan. Pagkakuha ng wine ay agad naghanap ng baso. Ngunit bago pa man niya naabot ang baso ay may naramdaman siyang matalim na bagay na tumusok sa kaniyang tagiliran.
"Hindi ka na nasanay, Klea! Tanga ka pa rin! Salamat sa lalaking nakapag sabi sa akin na ikaw ang pinili ni Miguel. Dahil sa iyo, pinatay niya si Ate!"
Isa pang saksak ang tinamo niya sa bandang balikat.
"Bakit, Hannah?"
"Tinatanong pa ba `yan? Lakas ng loob mong itanong iyan! Hindi mo ako niligtas sa kamay ni Miguel kasi gusto mong masolo mo siya!"
Iniwan siya nito noong bumagsak siya sa sahig. Nakangiti itong naglakad palayo sa kaniya.
"T—ulong!" Nawalan siya ng malay.
*****
HINDI mapakali si Miguel sa babae na kanina pa nakatitig sa kaniya. Ilang beses na itong nagpapansin sa kaniya pero pinipigilan niya dahil wala siya sa mood para sa mga hindi niya dapat pansinin sa ngayon.
Maganda ang mga tugtugan nila ngayon, gusto ni Mr. Cheng na gumamit sila ng ibang musika ngayon. Nasabi na rin ng kaniyang amo na bago ang kaniyang magiging amo dahil ipinagbenta nito ang bar dahil uuwi na sa kanilang bansa ang tsino na may- ari.
"Iba ka rin, Miguel. Ikaw ang pinagpapantasiyahan! Puntahan mo na at baka masulot pa ng iba!" Para siyang tanga na kinakausap ang sarili. Nakaramdam rin siya ng kasiyahan para sa sarili. Muli ay naramdaman niya ang tukso at kakaibang pakiramdam noong nandiyan pa ang kasintahang si Klea.
Tumayo siya para lapitan ang babae ngunit nakita niyang pumasok ulit ito kasama ang bagong amo.
Nakita niya ang bagong amo na agad nagtungo sa opisina ni Mr. Cheng. Mukhang kilala ng babae ang bagong amo dahil nakaangkla pa ang kamay nito sa lalaki.
Nakaramdam siya ng selos. Ngunit sa pag upo ng babae ay agad rin itong tumayo at pumunta sa comfort room na parang may hinahanap.
Binalewala na lang niya ang babae at itinuon ang atensiyon sa trabaho. Nais rin niyang magpahinga ng maaga para makatulog. Halos papikit na ang kaniyang mga mata sa antok.
Itutuloy