Cinco

2584 Words
SHEA "Sheaa!" Nabingi naman ako sa sigaw ni Clarence. Ang aga aga napaka ingay. Dinaig pa 'yung manok sa farm eh. Ano naman kaya kailangan ng ugok na 'to? Saka bakit nandito 'yung tatlong tukmol na kaibigan ni Riley? Ginawa pang tambayan ang room namin. "Ang aga aga Claire, wag ka magsimula" sabi ko at nilampasan siya. Ramdam ko namang sumunod siya. Kakaunti pa lang kami at ang iba nasa cafeteria. Naupo ako sa upuan bago tinukod ang braso sa desk at pinatong sa kamay ang baba. Ang boring. Kadalasan pagpasok ko may kalokohan na siyang ginagawa. Himala ngang mas nauna ako sa kanya. Mabuti na rin 'yon para hindi agad sira ang araw. "Dali na kasi, patulong" binaba niya ang selpon sa desk ko. "Anong gagawin ko diyan?" Bored kong tanong. "Kakainin, chocolate 'yan masarap, try mo" then he smiled sarcastic. "Oo na, bakit kasi gagawa ka ng rpa? Ano naman gagawin mo doon?" Tanong ko habang ginagawan siya ng account, "Isasali pa ba kita sa suu?" Tinignan ko siya. "Anong suu? Isali mo muna ako sa rpw" "Ayun nga ganon lang din 'yon. Isasali na kita ah" bago pinindot ang join button. Mabilis naman na-approve ang request niya at kasali na siya. "Mag bebenta si Claire ng drugs, pusher eh" pang aasar ni Aerus habang pinapatalbog ang bola. "Sira, poser hindi pusher" pag tatama ni Claire, umupo pa sa arm chair ko at umakbay. "Ano ba 'yung poser?" Bulong niya. Akala ko naman alam niya, "Pati 'yung suu" dagdag niya pa. "Poser using someone photo, then suu sparkle ano ano basta ganon!" Naiilang ako sabihin baka imbis masabi ko maging ungol. "Ano nga?" Hinatak ko ang tenga niya saka bumulong. "Sparkle uhum uhum" matapos non tumawa siya habang namumula ako. Punyeta kasi! 'uhum uhum' pa, parang ungol. "Seryoso?" Tumango ako. Hindi pa rin siya natigil sa pag tawa. Pinag titinginan na rin kami. Maski 'yung kakapasok pa lang napapa tingin. Nakakatuwa na 'yon? Ang babaw ng kaligayahan ah. Maya maya tumigil na siya at tumingin sakin ng nakakaloko. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nag iwas din. Namumula sa hiya, ako 'yung nahihiya sa kanya dahil mag kasama kami. Kaunti na lang talaga pepektusan ko utak niya kaso wala siyang utak, baka kokote na lang niya. "Uhum uhum pala ha" mapang asar niyang sabi bago umalis sa harapan ko. Sinubsob ko naman ang mukha sa desk. Nakakahiya talaga. Para kasing ungol pagkakasabi ko eh. Lintik na bibig kase, tss. Tinagilid ko ang ulo para makita siya. Nakikipag kwentuhan kila Aerus. Napatingin naman siya sakin kaya sinamaan ko ng tingin at nag sign na 'wag sasabihin sa iba. Nag nod lang siya at bumalik sa pakikipag kwentuhan. "Cute, bakit ka namumula?" Nag angat ako ng tingin. Kaibigan ni Riley, Van ata name. "None of your business, Miss" masungit kong sabi at binalik ang mukha sa mesa. Wala ngang Riley mang aasar may pumalit naman agad sa kanya. Ang tahimik ng buhay ko noon pero dumating lang ang kalansay na 'yon kasama itong mga kaibigan niyang kulang na lang mangisay gumulo na. Araw araw pa sira ang umaga ko. "Hey, I'm not done talking to you" "And I'm done talking to you too" Wala ako sa mood makipag plastikan ngayon. Baka ihulog ko pa siya sa hagdan kapag napikon ako. Napapikit ako sa sakit ng puson. Ang sakit talaga, minsan gusto ko na lang ipatanggal itong matress ko kesa ma-stress sa sakit. "Here, para mabawasan 'yung sakit" muli ko siya tinignan. Nilapag niya sa desk ang hot compress, "Just take it" Ka-agad ko iyon kinuha at nilagay sa tiyan. Wala na akong pake kung kaibigan siya ni Riley. Masakit ang puson ko kaya wala munang away o asarang magaganap. Baka bumulwak, matagusan pa ako. Tumayo na siya at lumabas. Sakto namang pag pasok ni Tisay Kalansay Mangisay-ngisay. Ang haba ng nickname ko sa kanya. Naupo siya sa tabi ni Yoko Manloloko. Pakiramdam ko sinapian ako ng demonyo ngayon sa nickname ko sa kanila. Ibabalik ko sana ang mukha sa desk ng may nag singit ng unan kaya ang lambot. Pagka tingin sa may ari, si Traise kasama si Ishi. I smiled weakly to them, ngumiti din sila at tinap ang ulo ko. Hinanap ng mata ko si Ate Khione. Siya kasi madalas kong kausap. Kadarating niya lang at mukhang papunta sa tabi ko. Katulad ng inaasahan naupo siya sa katabing upuan at humarap sakin. "Umiyak ka 'no?" Halatang namumula ang mata niya kahit naka contact lens, "Tss, iniyakan mo nanaman. Dapat sa kanya nililibing ng buhay o sinusunog" "Apaka sama mo, nasapian ka nanaman. Sobrang sakit ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Palit tayo posisyon para alam mo kung gaano kasakit" tumayo naman siya na pinagtaka ko, "Bakit ka tumayo?" "Sabi mo palit tayo posisyon" plain niyang sagot. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Ang slow niya, sobra. "Maupo ka nga, baka bigwasam kita ng walang sa oras eh" lag nanaman utak niya. Mabagal siguro ang globe ngayon o kulang sa langis at turnilyo ang utak. "Paanong hindi ko iiyakan eh mahal ko. Paano ba kasi mag move on?" Tanong niya at tumingin sakin. "Try mo kasi 'wag i-text, i-chat o tawagan. Wala akong kilala na gan'yan mag move on. Kausap pa rin ang ex tapos iiyak mamaya kapag nag br sa messages, buang ka" tumawa lang siya ng mahina. Siya lang kilala ko. Sobrang bait at sobrang marupok kaya naabuso ng gasolinang 'yon. Bagay talaga siyang sunugin sa pananakit kay Ate. Many of marupok but Ate Khione is my favorite ang laging linya namin. "Kung kaya ko lang kunin 'yung sakit diyan" sabay turo sa dibdib niya, "Baka kinuha ko na. 'Wag mo na kasi kausapin. Isa pang pagka-usap mo sa kanya isasama kita sa libing niya" hinampas niya naman ako. Ang rupok! "Kanina niliguan ko 'yung aso namin may napansin ako" simula niya. "Ano?" "May maliit at malaking teatea ang aso" hinampas ko siya sa sinabi, bastos, "Yung una kong pinaliguan sakto lang, pangalawang aso ang liit. Ang liit ng pututoy pati betlog" natawa kami parehas at mabilis siyang hinampas. Baka bumulwak delikado. "Ukinam Mariano! Kung anu-ano sinasabi mo" "Totoo pre, tapos 'yung babaeng aso namin kulang ng isang u***g, nine lang, may missing na isa" "The Missing One hahaha" hinampas naman niya ako. Parang test paper, may blangko. "Yung aso naman ng kapitbahay ang laki ng dede eh lalaki siya tas minsan pink, red or green kulay ng lumalabas sa kanya tas parang may puting likido pa natulo" totoo naman kasi. Tigang na siguro 'yung asong 'yun kaya nagiging ganon ang kulay. Parang abno. Bumalik na siya pag dating ng Prof namin. Nakahiga lang ako at hindi nakikinig bahala na. Hindi pa naman siguro ako babagsak kung may laktaw ng isa sa exam eh. Isa lang namang itlog, wala nang kasunod. *** Humakbang ako pakanan humarang naman siya. Humakbang ako pakaliwa humarang nanaman. Inis ko siya tinignan. Kanina pa 'to, naiinis na'ko. "Baka gusto ko umalis diyan" pagsusungit ko. "Baka ikaw ang gusto umalis diyan" ganti niya. "Wala ako sa mood Lucienda, wag ka humarang sa daraanan ko, gets mo?" Lalagpasan ko na sana siya pero hinatak niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya. "Problema mo? Kinulang ka ba sa bakuna o sa pansin? Kanina ka pa baka iuntog na kita sa pader" inis na inis kong sabi. Nang gigil na ako sa kanya. "Scared" ngising sabi niya at tinaas pa ang dalawang kamay, nang iinis talaga siya. Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko at inuntog sa dibdib ko ang ulo niya. Aba't gago!? Mabilis ko siya tinulak at humalikipkip. Punyeta, ang manyak! "Gago ka ba? Bakit mo ginawa 'yon!?" Gigil kong sigaw. Kapag hindi valid reason 'yan ihuhulog ko talaga siya sa rooftop. She smirked, "Sabi mo iuuntog mo'ko sa pader di'ba? Edi ginawa ko na, ako na nag adjust para sayo, kase nga" minusyon niya ang kamay at tinapat sa sariling dibdib pababa, "Flat" Napa irap naman ako. Mabilis na tinalikuran ko siya. Hindi naman ako slow at mas lalong hindi ako flat! Malaki lang talaga ang uniform ko kaya hindi halata. Ang sarap niyang sakalin! Kapag talaga may period ako nakakagawa ako ng pagkaka-sala eh. Huminga muna ako ng malalim. Iniwan ko siyang nag sisigaw. Mabuti na lang nakapag pigil pa ako. "Ang tagal mo naman mag cr, anyare sayo?" Bungad ni Yssa. "May punyetang kalansay na humarang sakin" naupo ako sa tabi ni Clea at Thea. "Pfft, si tisay kalansay mangisay-ngisay pala" tawang sabi ni Aiyana. Alam nila ang nickname ng babaeng 'yon dahil nga nakwento ko kanina papasok sa locker room. "Ano naman ginawa niya this time?" Tanong ni Zylex at nilagyan ako ng shanghai sa plato. "Inuntog ang sarili sa dibdib ko, flat daw ako" walang ganang sumubo ako. Narinig ko namang nagtawanan sila pero tumigil din makalipas ang limang segundo. "Kaya naman pala hindi maipinta 'yang mukha mo eh, ang hilig mo kasi sa oversize kaya napag kakamalan eh" komento ni Brian. "Manahimik ka, pandak" sumimangot naman ito sa huling sinabi ko. Ang tatangkad kasi namin, matangkad din silang dalawa ni Robert, siguro 5'4 ang height. Pinakang mababa na samin 'yon habang 6'5 ang pinakang matangkad. "Soo, babawi ka?" Umiling ako, "Why not? Baka mamihasa si Tisay niyan" "Kawawa naman eh, baka mangisay sa takot mag sumbong pa sa Mommy niya" tawang sabi ko. Nanahimik naman kami ng pumasok si Riley. Blangko ang mukha niya at tumabi sa mga kaibigan. Iniwas ko ang tingin at bumalik sa pagkain. "Pero kahapon, ang galing mo doon sa pechay part" tawa tawang sabi ni Aerus, halatang inaalala 'yung nangyari kahapon. Natawa na lang din ako sa pagiging sabog ko kahapon. Wala dapat pechay ang pakbet. Imbes sitaw ang inilagay ko pechay ang pumalit. Sariling version ko ng pakbet kaya walang basagan ng trip. "Ano 'yung nilagay niyo kahapon sa inumin kahapon?" Biglang pag seryoso ko. Natahimik naman sila habang nag sisikuan kung sino mag sasalita. "Ako, may sachet akong nakita kahapon sa barangay hall eh. Hindi ko alam kung para saan or ano kaya naisipan kong i-try sa kanila pero nainom nung Van" Napatango na lang ako, "Bukod sa mga naka upo dito kahapon, sino ba nakakita?" "Yung mga staff pero alam mo namang hindi sila mag sasalita katulad ng plano. Siya nga pala, galing daw dito last Friday 'yung Mommy ni Kalansay, nagtatanong tungkol sa ugali ng anak niya" sagor ni Gia. "Little did she know" iling na sabi ni Zylex. "Hayaan niyo na as long as hindi lumalampas sa linya 'yung anak niya" nasabi ko na lang at tinapos ang pagkain. After class hour nag mamadaling mau humatak sakin sa likod ng school. Hindi ko alam kung sino sila dahil naka takip sa mata ko ang kamay nila. Tumakbo ako ng wala sa oras, punyeta! Balak kong mag palit baka tagusan ako. Ramdam ko ring puno na at ang lagkit sa pakiramdam. Mas lalong sumama ang mood ko. Dinala nila ako sa may tabi ng palayan. Umulan pa naman kanina kaya medyo madulas ang lupa. Isang maling hakbang madudumihan ang uniform namin. Dahan dahan lang sa pag lalakad. Nakita namin si Yoko at Riley na nag uusap habang naka upo sa hood ng sasakyan. Kaya pala biglang nawala after lunch. Eh pake ko naman? "Dinala niyo 'ko para lang dito? Eh kung bigwasan ko kayo isa isa?" Iritang sabi ko pero pag lingon ko tumatakbo na sila pa-alis. Ihuhulog ko talaga sila sa bangin! Nataranta naman ako ng bumaba sila. Napatingin ako sa putikan. Hindi naman gaano maputik dahil sa kulay. Mukhang medyo malalim ang butas at naipon ang tubig ulan. Muli kong binalik ang paningin sa kanila. Nanlaki ang mata ko. Papunta sila sa direksyon ko at parehas naka tungo habang magka hawak ng kamay. Bahala na! Binato ko sa gilid ang gamit ko at dali daling tumalon sa butas. Pinikit ko ang mata at pinalobo ang magkabilang pisngi. Nag swimming pa ako ng wala sa oras at may period pa ako! Tangina ang malas ko! Nakaka inis sila. Siguradong mabibigwasan ko sila ng dos por dos. Ukinam! Dinig ko naman ang tawanan nila. Mabuti na ring sinanay ako hindi huminga ng matagal lalo na't tambay ako dati sa dagat noon. Nakalampas na sila sa pwesto ko kaya nagawa ko ilabas ang kalahati ng mukha. Nag hahabol na rin ng hininga. Mukhang nakaramdam sila kaya tumigil sa paglalakad. Letsugas! Sasapakin ko rin pala sila o baka dalawin na lang. Kapag talaga namatay ako mumultuhun ko sila. Tangina kasi. Muli ako lumubog kahit ang lagkit na down there at ang baho ko na. Madumi na rin ang uniform ko. Patay ako kay Nanay kapag nakita niya akong ganito. Sisisihin ko na lang sila tutal kasalanan nila eh. Ano bang klaseng demonyo ang sumapi sa kanila? Letse talaga, oo. Tatlong minuto ako doon bago umahon. Habol hiningang umalis sa butas. Napayakap ako sa sarili ng humangin ng malakas, ang ginaw. Bumakat pa sa katawan ko ang uniporme dahil na rin basa. Kila Larrean ang pinaka malapit na bahay o kaya naman kila Clarence kaso lalaki siya kaya kila Ishi na lang. Kinuha ko ang gamit, malayo sa katawan para hindi mabasa. Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili saka nagsimula mag lakad. Pagkarating doon sinalubong ako ni Ishi. Nag aalala ang mukha niya. Dali dali siyang pumasok sa loob at paglabas may dalang tuwalya. Ibinalot niya sakin iyon at kinuha ang gamit sa mga kamay. Pinapasok sa bahay nila. "Uupakan ko talaga sila, bakit naman nila naisipang gawin 'yon?" Kibit balikat lang ang naisagot ko, "Kasama ba si Traise doon? Kung oo makikipag break talaga ako sa kanya" Manghang tinitigan ko siya. Alam ko kung gaano niya kamahal ang tukmol na 'yon. Pero mas mahal niya ako not in a romantic way but as a friend. Hindi naman siya babaliko para sakin. At mas lalong hindi ako. "Hindi siya kasama, easy ka lang. Saka mag wawala 'yon kung gagawin mo baka sa bahay na tumira at mag ngangawa na parang bata, hikain pa siya" "Kung sabagay ako din naman eh" tangong sabi niya. Marurupok, "Pero sa tingin mo anong grade level and section sila?" Natahimik ako. Ang bilis ng pang yayari hindi ko sila namukhaan. "Anyways dito ka na lang matulog. Batukan ka pa no Tita kapag nakita kang gan'yan lalo na 'yung uniform mo. Ako na bahala maglaba doon mag paalam ka na" tumayo na siya at nagpunta sa likod bahay. Kinuha ko ang selpon sa bag at dinial ang number ni Nanay. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Ang hina mo Shea! Ilang ring lang ay sinagot niya na ito. Suminghot ako at nagpunas ng luha. [Oh, nasaan ka nang bata ka? Mag gagabi na wala ka pa rin, saan ka ba nag susuot?] Ang gandang bungad naman pero halata sa boses niya na nag aalala. "Nay hindi ko ako makaka uwi. Mag ssleep over ako kila Larrean, may tatapusin lang na group project para mabawasan 'yung gawain ko" sagot ko. [Oh siya papasok na ako sa loob. Tapusin niyo na 'yan at umuwi ka rin dito bukas ng umaga. Kumain ka ng marami diyan] "Opo 'nay! Salamat, pahinga ka na po at matulog ng maaga. Baka mamaya pumunta pa diyan si Mang Simon ah, hindi ko bet maging kapatid ni Aiyana" [Aba'y letse kang bat—] natatawang pinatayan ko si Nanay ng tawag. Magdadasal na lang siguro ako, sangkaterbang sermon ang nag-aantay sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD