Pagkatapos maghugas ng pinagkainan at makaligo nagtungo na ako sa kwarto ni Elly. Kumatok muna ako bago pumasok. Nandoon siya at nakadapa sa higaan habang naglalaro sa ipad.
"Elly kumpleto na ba gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ko habang inaayos ang gamit niya.
"Wala na po yaya. Tara lets na!" Hyper siyang bumaba at nagtatalon pa.
"Okay okay. Easy lang baka mapa'no ka. Let's go?" Nakangiting aya ko at humawak naman siya sa kamay ko.
Left and right ang lingon ko siniguradong walang kalansay na susulpot kung saan. Gusto kasi ni Elly iwan ang tukmol na 'yon at bilang yaya niyang masunurin gagawin ko. Pabor din naman sakin.
Lumabas na kami at nagtungo sa hagdan. Pababa na sana kami pero nakita namin doon si Riley naka cross arms pa habang naka lean sa pader. Mukhang nakaramdam ang gago, tumingin ito sa gawi namin ng may ngisi.
Napa irap naman ako. Malas talaga ang babaeng 'to. Nagkatinginan kami ni Elly nagkibit balikat na lang siya at bumaba na kami. Saktong makababa kami saka siya umayos ng tayo.
"Bakit bihis ka majesty? Kasama ka ba?"
"Pake mo. Porque naka bihis sasama na ako sa inyo? Duh. May lakad kami ni Yoko today inaantay ko lang kayo maka-alis para ma-lock ko ang bahay" she said in a duh tone.
Punyetang kalansay. Kung hindi lang siya anak ng amo ko baka sinupalpal ko na 'to sa sahig. Kaso kawawa ang magandang peslak niya kung susupalpalin dapat siguro lihain na lang.
Kibit balikat namin siya nilagpasan. Nagtungo kami sa kanina pa nag-aantay na sasakyan sa labas. Nakita ko pa si Yoko habang naka-upo sa hood ng kotse niya na mukhang natutulog.
15 minutes lang ang tinagal ng byahe dahil hindi naman gaanong traffic ngayon at Sunday rin naman. Balik school nanaman bukas tapos wala pa ako natatapos na assignment.
Kung meron nga
Hindi ko maalala. Baka mangopya na lang ako o ay ewan bahala na bukas. Pagkapark excited na bumaba si Elly ng kotse. Susunduin na lang daw kami mamaya ni Kuya Toto na siyang driver na naghatid samin.
Rainbow Magical Land, pagbasa ko sa signage nito. Parang water park ang napuntahan namin pero may mga rides din naman. Hindi gaano kainit at hindi rin malamig. Maraming bata kasama ang mga magulang nila na naglalaro at nagse-selfie. Syempre hindi mawawala ang mga mag jowa na kung maglampungan wala nang bukas.
Maghihiwalay din kayo!
"Ate bakit po ang bitter niyo? Hindi naman po masama maging sweet sa isa't isa 'di ba po?" Tanong ni Elly kaya napalingon ako.
Napakamot na lang ako sa ulo. "H-Hoy, sinong may sabing bitter ako? Hindi kaya. Masakit lang sila sa mata" bulong ko sa huling sinabi.
"Bitter ka pa rin, tss"
"Ay asungot!" napatalon pa ako sa gulat at sinamaan ng tingin ang may sala.
Nakangisi lang siya habang nakatingin ng deretso sa harapan. Umirap lang ako sa kanya. Akala ko ba may lakad sila? Sinusundan ata kami eh. Kapag inggit pikit!
Hinila ko na si Elly at akmang aalis ngunit mabilis nahawakan ni Riley abg braso ko. Inis na binalingan ko siya.
"Baka gusto mo bumitaw ano?" sarcastic kong tanong.
"No, sasama kami sa inyo. Mahirap na baka mawala pa si Elly sayo" seryosong sabi niya habang nakikipag titigan sakin. Bakit nga ba?
Naningkit ang mata ko. "So sinasabi mo bang hindi ako magaling na yaya ni Elly?" mas nilapit ko pa ang mukha.
Para kasi ang dating eh minamaliit ako ng kalansay na 'to. Mahabang pasensya ang kailangan ko baka maibato ko siya sa pader, tss.
"W-Woah guys easyyy. Were here to enjoy not to fight. Tumigil na kayo" pag awat ni Yoko manloloko.
Inirapan muna namin ang isa't isa bago nagpa-awat. Sumakay kami sa Spiral Jet, Carousel, Classic Train, Convoy Car and so on.
"Yayaa gusto ko doon pleaseee pleasee last one na" pagmamaka awa ni Elly.
Nailing ako at binaba ang bag niya sa bench. "Mamaya na lang ulit Elly, tanghali na kailangan na natin kumain. Hindi ka pa ba nagugutom?"
"Ihhhh, gusto ko pa" nakalabing atungal niya.
"Tama na muna 'yung mga nasakyan natin kanina Elly. We need to rest muna" sulpot ng kalansay habang nakayakap sa braso ng manloloko.
Bagay!
Naghanap kami ng food station at doon kumain ng pananghalian. Nagpahinga na rin at hindi na muna umalis. Nakatulog sa balikat ko si Elly habang pinapaypayan ko. Medyo nangangalay na rin ako dahil kanina pa siya tulog mukhang napagod.
"Mas maganda kung uuwi na muna tayo para makatulog ng mas maayos si Elly" tumayo si Riley at pumunta sa tapat ko, takang tumingin ako sa kanya. "A-Ako naman magbubuhat sa kanya. Baka nangangalay ka na, mamaya lang nandito na si Toto"
Tumango lang ako at walang salitang iniabot ng marahan sa kanya si Elly. Minsan pala mabait ang isang to hindi lang halata kahit na maamo at magan—maganda ako!
"Ahhh guys mauuna na ako may emergency sa company" tumayo na si Yoko. "Take care" humalik siya sa pisngi ni Riley kaya umiwas lang ako ng tingin.
Ang landi! Psh. Hindi ako naiingit ah masakit lang sa mata. Nagkakalat sa lipunan hindi healthy eh. Kanina pa sila pda baka bumagsak ang lipunan dahil sa kanila, charot.
Nagtungo na rin kami kung saan naka park ang kotse at sumakay. Nakatingin lang ako sa bintana at parehas kami na walang kibo.
Ramdam ko namang may mga matang nakatitig sakin pero hindi ko na lang pinansin. Baka may sumpa kapag tumingin ako pabalik. Feeling ko magkaka stiff neck ako eh.
Huminto ang sasakyan dahil sa traffic. May nangyaring banggaan daw kanina at patapos na linisin ang kalat sa kalsada. Nilingon ko na si Riley na agad din nag-iwas ng tingin.
Kinalabit ko siya pero hindi namamansin. Tinatawag ko na rin ang pangalan niya pero ayaw lumingon. Baka kasi nangangalay na siya kay Elly. Ako ang yaya kaya responsibilidad ko ang kapatid niya.
Sa kapatid niya lang!
Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Hoy Riley!"
Lumingon naman siya kaya napa atras ako bigla. s**t! Muntikan na kami mag ano...basta iyong ano!
"B-Bakit b-ba kasi ka ano...nang aano diyan! Pwede naman kasing tawagin ako o kaya kalabitin ih!" inis niyang sabi habang namumula ang magkabilang pisngi.
Tomatoe skeleton
"Tch! Kanina pa kita kinakalabit at tinatawag pero hindi ka namamansin! Sino ngayon may kasalanan?" naka taas kilay kong tanong. Pati ako naiinis eh.
"Sa susunod kasi sigawan mo na lang ako hindi yung nang aano ka diyan" halos pabulong niyang sinabi sa dulo. "Isa pa kung gusto mo 'ko halikan magsabi ka ng maayos. Pwede naman natin gawin dito eh" sumilay ang pilyang ngiti niya and wiggle her perfect brows.
Sa inis kinurot ko siya sa braso. Punyetang babae. Kababaeng tao manyak. Ipapasagasa ko talaga to sa truck kapag may dumaan eh.
"A-Aww b-bitaw na! M-Masakit araaaAAAAyyy" matinis niyang sigaw na ikinatigil ko.
Mukhang masakit nga ang nagawa ko. Halos umiyak na siya at nakangiwi pa habang masama ang tingin sakin. Napangiwi rin ako ng magising si Elly pero nakatulog din agad.
"Ang sakit mo mangurot! Para kang pusa" irap niyang sabi.
"Wag ka magbibiro ng gano'n hindi nakakatuwa baka gusto mong kurutin kita ulit?"
Umiling lang siya at binaling ang tingin sa labas nang umandar ang sasakyan. "Tibay hindi manlang nag sorry, tch" bulong niya pero narinig ko pa rin.
"Manyak ka lang" sabi ko at kinuha ng maingat ang braso niya. Napatingin naman siya sakin. Hinipan ko ang parte nito at dinampian ng alcohol.
Napapangiwi na lang siya sa hapdi. Hindi naman matalas ang kuko ko dahil bagong gupit pero sabi ni Nanay mas matalas daw ang kuko kapag gano'n
"T-Tama na nga mas lalong sumasakit eh" kinuha niya ang braso at sinandal ang ulo sa bintana.
Nagkibit balikat lang ako at tumingin sa labas ng bintanan. Napatigil ako sa nakita. Kamukhang kamukha niya si Rain pero imposible! Baka namamalik mata lang ako. Nandoon siya nakatago sa isang poste at nakatungo lang pero kilala ko ang damit niya. Hindi ako pwede magkamali.
Pumikit ako ng mariin at malalim na bumuntong hininga. Hindi ko kinakaya ang nakita ko kanina. Parang pinompyang ang ulo ko ngayon at nanlalabo ang mga mata. Minumulto na talaga siguro ako.
Pagkarating sa mansion naging maayos na ang pakiramdam ko kahit na medyo makirot ang ulo ko. Kinuha ko sa kanya si Elly at naunang lumabas. Hinatid ko sa kwarto si Elly saka binihisan.
Nagtungo ako sa hardin ng mga Lucienda. Maraming malalagong puno, bulaklak at halaman ang meron dito. Meron ding ibang tanim ng mga prutas at gulay sa kabilang parte nito. Naupo ako sa swing na nakakabit sa puno ng narra.
"Sino ka? Hindi ka pwede dito magagalit si Madam" napalingon ako sa lalaking nag-aayos ng ilang bulaklak.
"Pasensya na nagpapalipas lang ng oras" tumango lang siya at bumalik sa ginagawa.
Kada may matatapos siya ay nilalagay niya iyon sa basket. Nakasuot siya ng denim na jumper, boots at white t-shirt na manipis at walang manggas. Pero napatigil ako sa napansin. May malaki siyang balat sa leeg niya na halatang matagal na rin.
"Kung hindi mo mamasamain anong nangyari sa leeg mo? Saan nanggaling?" tumigil siya sa ginagawa at blangko ang mukhang humarap sakin.
Hindi ako nagpatinag at nakipag titigan sa kanya. Kating kati ang brain cells ko kung bakit. Nabubuhay nanaman ang pagiging tsismosa ko lalo na ang curiosity.
"Kung ako sayo 'wag mo nang ungkatin ang mga bagay na tapos na. Huwag kang mangialam sa ibang bagay na maaring ikapahamak mo, bata ka pa"
Mas naguluhan ako at nagtaka sa sinasabi niya but I managed to handle it. Sanay ako sa ganitong bagay.
"Katulad mo may pinag daanan din akong higit pa diyan. Mapagkakatiwalaan mo ako" tinitigan niya ako ng ilang segundo bago binaba ang basket na hawak at naglakad papunta sa gawi ko.
Huminto siya sa harap ko na may pagtatanong sa mata. "Pwede?" patukoy niya sa swing.
Tumango ako at umusod para maka-upo siya. Tantsa ko'y nasa mid 20's na siya.
"Limang taon ako noon. Walang pang gaanong alam at tanging paglalaro lang ang alam. Nagtra-trabaho ang mga magulang ko dito. Ang akala ng lahat mababait ang pamilyang Lucienda at gano'n din ako pero" tumigil siya sandali at tumingal. "Naabutan ko si Inay na naghihingalo habang nakahandusay at walang pang ibaba. Puno ng dugo at nagkalat iyon. Si Itay ay nawala makalipas ang isang linggo hanggang sa.." pabitin niya sa sasabihin.
"Hanggang sa malaman mong patay na rin siya at nagbebenta ito ng droga at nanlaban kaya nabaril, tama ba?" sabi ko at gulat na nilingon niya ako.
Tumango siya at nag sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mukha niya. "Sinabi ko sa sarili ko na hahanapin ko ang hustisya para sa kanila pero bigo ako. Dinala ako ng mga paa ko dito at nangyari ang mga bagay na iyon...Mukha lang silang anghel pero demonyo ang nga puta!" gigil at impit niyang sigaw.
Napangiti ako ng mapait. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo" saglit siya tumingin sakin. "Matutulungan kitang kunin 'yon kung tutulungan mo rin ako"
Umiling lang siya. "Hindi ko gustong mapahamak ka lalo na ang mga kapatid ko saka.." tumingin siya sakin na puno ng pagtataka. "Hindi mo ako matutulungan bata. Hindi ko alam kung bakit nagkwento ako sayo eh"
Natawa ako. "Kaya kitang tulungan. Kaya ko at may pwersa ako. Hindi ako basta tumutulong lahat ng bagay may kapalit"
"Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko. Maaring magaya ka sakin pati na rin ang pamilya mo. Handa ka bang itaya sila?"
"Hindi nga tayo nagkakaintidihan" tumingin ako sa kawalan. "Matagal nang sira ang pamilya ko at dahil din sa kanila 'yon"
"Kung gusto niyo maglandian pwedeng 'wag dito?" sarcastic ang tono ng babae.
Sabay kami nilingon ang pinang galingan no'n at naka halukipkip na Riley ang nakatayo. Sana lang wala siyang narinig sa pinag uusapan namin. Dahil kapag nagkataon masisira lahat ng plano. Why so irresponsible, Shea?