Dieciséis

1918 Words
Hindi ko alam kung bakit ginawa niya yon but one thing for sure magtataka ang pamangkin niya kasama ang mga kaibigan nito. Hindi ko rin alam kung bakit kinilabutan ako. Parang bumalik sa alaala ko yung mga kasalanang ginawa niya sakin, sa pamilya ko at sa ibang tao. Gusto ko siya sampalin sa totoo lang pero pinigilan ko ang sarili. Baka imbes na sampal ang gawin ko 'e maiuntog ko siya sa pader. Ngumiti ako ng plastic. Nanggigil na kinuyom ko ang mga kamay ko, nag-iinit ang mga palad ko sampalin siya. Ngumiti ako ng sobrang tamis na ikinigla niya bahagya saka ngumisi sakin. O mouthed 'b***h' to her. Nawala ang ngisi niya saka bumalik sa harapan. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakapukol sakin. Nakahinga ako ng maluwag at nasatisfy ang puso ko sa ginawa ko. Satisfy na nagawa ko yon sa kanya. Umpisa pa lang naman to, marami pa akong baon. "Ayos ka lang? Anong binulong ng bubuyog na yon sayo? May palapit-lapit effect pang nalalaman mukha namang tanga" aniya Lloyd habang natatawa. "Pero bagay lang sa kanya yung ginawa mo" humarap sakin si Robert. "Dapat lang na malaman niyang hindi ka natatakot sa kanya, o sa maari niyang gawin. Your stronger than before na talaga" natawa ako sa taglish niya. Inakbayan ko silang dalawa. "Ang dadaldal niyo baka mamaya pagalitan na tayo at ilista sa noisy pero salamat sa dalawang duwende ng Magdallena. Ililibre ko na lang kayo mamaya" Umakbay pabalik si Lloyd. "Ayan ang gusto ko sayo 'e. Marunong tumanaw ng utang na loob. The best boss ka talaga!" "Tatakas nanaman ulit tayo! Siguradong magagalit sila mamaya kapag bigla tayong nawala. Basta bilisan niyo ang takbo ah" dagdag ni Robert. Nanahimik na kami at nakinig sa dada ng bagong teacher. Ng mag dismissed na siya mabilis pa sa alas kwatro kami tumakbo palabas nila Robert. Narinig ko pang tinawag ang pangalan namin. Nagmamadali kami lumabas ng gate at huminto sa sekretong tambayan naming tatlo. "Dapat pala bumili muna tayo ng makakain bago dumeretso dito eh" naupo sa swing si Lloyd habang nakatayo pa rin kami ni Robert. "Kayo kase 'e. Masyadong nagmamadali paano tayo bibili niyan? Mamaya nasa labas lang sila at hinahanap tayo" sabi ko a gitna ng paghingal. Napakamot sa ulo si Robert. "Nasaan kaya si Manong? Siya na lang ulit utusan natin, bigyan na lang din natin" Napatango ako. "Titignan ko lang kung nasa loob siya" Umakyat ako sa kurba ng puno saka pumasok sa tree house. Hinanap ko si Uncle Lester. 'Yung matandang pulubi na nagbabantay sa tree house namin. Dito ma rin namin siya pinatira dahil kawawa naman. "Oh Shea" galak niyang sabi mula sa CR. "Mabuti naman at napadalaw ka, sinong kasama mo? Magpapabili ba kayo?" "Opo sana 'e. Nandiyan po sa baba sila Robert at Lloyd. Hindi na po kami nakabilis sa pagmamadali 'e" rason ko habang nakahawak sa batok. He genuinely smiled. "Osya tara na't bumaba. Paniguradong gutom na kayo" "Maraming salamat talaga, Tito" Bumaba na kami. Magkatabi sa swing ang dalawang duwende habang naglalaro ng soduko sa sariling selpon. Nagtatalo pa nga sila kung sino mananalo at mukhang hindi kami napansin. Umalis na si Uncle bago pa siya mapansin ng dalawang tukmol. Binatukan ko sila parehas. "Busy'ng busy kayo 'e mga mali naman sagot niyo. Naka-alis na si Uncle" sagot ko bago pa sila magtanong. Binaba nila ang gadgets. "Nag text si Clea, hinahanap ka nung Yana. Kapal ng peslak ng bruhang yon" aniya Robert. "Sinabi mo pa bro. After ng mga pinag gagawa niya sa buong barangay natin, tsk" palatak ng isa saka humarap sakin. "Lumipat kaya muna kayo ni Tita kela Larean? Mas safe kayo doon, lalo ka na" dinuro pa niya ako. "Isama mo si Jia at 'yung batang leon" "Oo na sasabihan ko si Nanay mamaya. Hindi ko agad nasabi kahapon. Sangkatutak na sermon na naman aabutin ko sa kanya" napanguso ako at nilagay ang kamay sa baba. "May anak na si Jia kaso hindi pa napipisa. Si Gur naman ewan ko naglayas ata 'e. Ang tagal na no'n hindi bumabalik" Dumating na si Uncle Lester bago pa makapag salita si Lloyd. "Oh nandito na yung pagkain niyo. Kumain muna kayo" Kinuha ni Robert ang plastic. Binigyan ko naman ng pera si Uncle at nagpasalamat. "Uncle Lester!" Pinalaki ni Lloyd ang boses. "Kumain ka na din para sabay-sabay tayo. Ang pangit naman kung kami lang kakain tapos kayo hindi" binigyan niya ng dalawang suman si Uncle. Tinapik ni Uncle sa ulo si Lloyd. "Ang bait mo talagang bata. Salamat ng marami" "Sus, pasikat" parinig ng isa. Sinamaan siya ng tingin ng huli. "Porke naunahan kita 'e. Sa susunod ikaw naman magbibigay. Pahingi nga" tamo ang isang to. "Hoy meron ka pa ah! 'Wag kang buraot sabunutan kita 'e" reklamo ng isa at nilayo ang kanya. "Damot naman" tumingin siya sakin na may ngiti sa labi. "Shea my friend!" Matalim na tumingin ako sa kanya. "Subukan mo tutusukin ko 'yang mata mo" banta ko kaya napakamot siya sa ulo. Meron pa nga siya manghihingi na. Dagdag babaw talaga ang isang 'to. Sakalin ko kaya para mabawasan ang mga buraot sa mundo? 'Wag na pala bigla ako tinamad. Tinapos na namin ang pagkain bago pa magtime. Nagpa-alam na rin kami kay Uncle at bumalik na sa room. Mag-isa lang ako bumalik sa room dahil sabay daw may CR 'yung dalawa. Pumasok ako sa room pero wala pa sila. Nakapatay din ang ilaw. Hindi na ako nag-abalang buksan pa dahil nga tinatamad ako. Biglang may tumakip sa bibig ko at humawak sa beywang ko. Kakabahan na sana ako kaso tinamad din. Sinikmuraan ko ang salarin at matalim na tinignan siya. Napaluhod siya pero agad din tumayo. Nakahawak siya sa parteng nasiko, ko habang may ngisi sa labi. "Ang laki na talaga ng pinagbago mo. But your beauty never change, ikaw pa rin ang Shea na mahal ko" namiss ko ang boses niya pero hindi ma katulad noon ang nararamdaman ko. Napakunot ang noo ko. "Minahal" I retorted. "Minahal, okay? Atsaka kung ano man 'yung nangyari noon, wala na sakin yon. I moved on. Bakit ba bumalik ka pa dito, kung kelan maayos na ang buhay namin saka manggugulo ka nanaman? Wow ha!" Pumalakpak pa ako. "Ang ganda naman ng timing. Sobrangggg ganda" may halong sarcastic ang boses ko. Semeryoso siya. "I'm sorry kung nasaktan kita noon. But I'm here to win you back. Hindi ako makakapag na nakapag moved on ka na" sagot niya. "And one more thing. Ayokong nagpapaligaw ka sa iba bukod sakin, get it?" Napahinga ako ng malalim at tinignan siya kung seryoso ba siya. Seriously? Hindi ko siya magets. I already moved on. With 'd' kasi nga tapos na ako from our past. Tapos ngayon ganito? Parang gusto ko manakal ngayon. At ano namang pake niya kung may ibang nanliligaw sakin? Ako ba siya? Sakw hindi ko naman gustong ligawan ng babae 'e. "I don't get your point. Hindi mo ikaw, ako. At mas lalong hindi mo hawak ang buhay ko. You don't have any rights to control me. Better leave my life as soon as possible" huling sinabi ko saka siya iniwan. Naninikip ang dibdib ko at anytime tutulo ang mga luha ko. Sana tamarin sila lumabas kase tinatamad ako umiyak. Pero makulit sila at sunod sunod lumabas. Parang waterfalls. Nagpunta ako sa rooftop ng building para magpahangin. Naabutan ko naman si Riley na tulala sa kawalan habang nakaupo sa paboritong spot ko. Tinabihan ko siya at tinitigan. Malakas ang hangin kaya natangay ang ilang strands ng buhok namin. Kahit ganoon nanatili siyang maganda. Walang mababasang kahit ano na emosyon sa mukha niya at parang may malalim na iniisip. Sa hindi malamang dahilan tumigil ako sa pag-iyak at pag singhot. Bumilis ang takbo ng puso ko. Hinahabol ng mga cobra at kulang na lang lumabas siya sa katawan ko. Bakit ganito? Nailing na lang ako at iniwas ang tingin ng tumingin siya sakin. "A-Anong ginagawa mo d-dito?" Gulantang niyang tanong. Halos mabulol pa siya sa gulat. Grabe, gano'n ba kalalim ang iniisip niya para hindi agad ako mapansin? "Ikaw nga dapat tinatanong ko. This is my favorite spot. May problema ka ba?" Nag-iwas siya ng tingin at mariing napalunok. "W-Wala naman. Ayos lang ako" sagot niya saka bumaling ang tingin sakin. "Magkakilala ba kayo ni Tita? Kase kanina parang close kayo sa ginawa niya 'e" Nailang naman ako tumikhim. Akala ko hindi niya 'yon napansin kanina sa lalim ng iniisip niya. "Hindi ko rin alam kay Ma'am. Fc kase masyado 'e. O, nagandahan sakin kaya bumulong. Ang creepy ng boses niya, nakakatakot" kuwaring nanginig ako sa takot habang nakayakap sa sarili. Mahina siya natawa habang naiiling. "Hindi naman gano'n boses ni Tita. Baka sadyang tinakot ka lang kase ang pangit mo" Pabirp ko siya hinampas. "Ang harsh mo magsalita ah? Akala mo sobrang ganda, pangit ka rin naman" Amused siya tumingin sakin. For a moment hindi kami nag-away. Para kaming mag bestfriend na close kahit hindi naman. May ganitong side din naman pala siya. Nakaramdam ako ng guilty kung itutuloy ko pa ba ito? Pero hindi. Nagsisimula pa lang ako. "Aba totoo kaya" proud niyang sagot. "Mana ako sa kagandahan ni Mommy. Kung titignan mo mas kamukha ko siya" Hindi makapaniwalang tumingin ako sapi ang dibdib ko. "Ulol! Mas kamukha ni Elly, si Ma'am Yumi. Feelingera ka din pala" Umirap siya sakin saka napasimangot. "Hindi ako feelingera. I was stating the fact" tinignan niya ako ng masama. "Wag mo ako kontrahin kahit ngayon lang" ngumiti siya ng malungkot. "Dati pa lang nagpapa impress na ako sa kanya pero lagi siyang busy sa hacienda. She said it's for our future naman kaya 'wag ako magtampo. Sa t'wing may free time siya naglalaan siya ng oras samin ni Elly. I adore my Mom so much kaya hindi ko talaga magawa magtampo" "Hindi ko tinanong" pinigilan ko matawa ng mas sumama ang tingin niya sakin. "Joke lang! Ito naman. Mommy's girl ka pala, hindi kase halata. Parang si Elly lang kase may pake sa inyong dalawa. Mas sweet pa" "Hoy! Hindi lang ako showy ano" "Edi nahihiya ka makita nilang Mommy's girl ka?" "I didn't say anything like that" may inis sa boses niya. "Ahhh time na pala. Late na tayo" sabi niya pagkatapos tumingin sa wrist watch niya. "Wag na tayo pumasok. Igagala na lang kita at ipapakilala kita kay Jia" tumayo ako at nilahad ang kamay ko. Tinignan niya lang yon saka tumingin sa mga mata ko. "Wag ka na mag-inarte hindi malalaman ng Mommy mo 'e. Text ko na lang si principal" Umismid siya. "As if naman papayag siya. E, mukhang masungit nga" "Hindi mo lang alam tropapips kami, no. Ano sama ka o iiwan kita dito? Bilis baka magbago pa ang isip ko" Umangat ang gilid ng labi niya. "Inaaya mo ba ako magdate?" She grinned. "E, kung sampalin kaya kita back to back? Asa ka! Parang igagala lang. I change my mind, bye" Mabilis ko siya tinalikuran pero nakaka limang hakbang pa lang ako ng habluti niya ang braso ko. "Wala naman ako sinabing ayoko ah? Tara na!" Hinila niya ako na para bang alam niya kung saan kami pupunta. Napangiti na lang ako habang pinapanood ang mukha niya. Maaliwalas na at masaya na kung titignan. Parang walang nangyari kanina. Kumabog ang puso ko kahit alam ng utak ko na bawal. Nakakatakot mahulog sa isang Lucienda. Natatakot na ako sumugal pa ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD