Doce

2465 Words
RILEY "Why don't you just tell to us kung ano ba nangyayari? Look Yokoshi, if may alam ka sabihin mo na, ang hirap mangapa." Vanessa ask, mataray ang tono at halatang nauubusan ng pasensya. Yoko just rolled his eyes. "I can't okay?! Can't you understand that word? Mas okay ngang wala kayong alam eh." Tumalikod siya samin at nagpatuloy sa paglalakad patungong sasakyan. "Guys guys easy." Pagpapakalma ni Dianne. "Vanessa is right, Yoko. Ang hirap mangapa kung anong nangyayari. Bakit biglang ang daming nawalang students? Paano kung pati tayo eh madamay?." Humarap samin si Yoko on his serious face. "Kakasabi ko lang mas mabuting wala muna kayong alam. Sige na sumakay na kayo." Pasakay na sana ako ng may humintong van sa kalsada. Agad na tinulak ako papasok ni Yoko doon at kumandong agad sakin sa pagmamadali. Akmang isasarado na niya ang pintuan nito ng may humarang. Marami silang nakapalibot sa sasakyan namin. Maski 'yung driver ay tinutukan nila ng baril. Pilit nila kami pinapababa. "Lubayan niyo na kami!." Sinuntok ni Yoko ang lalaking may hawak ng baril samin. Kaagad naman kami tumakbo pero nahablot ng isa ang buhok ko. Hinabol naman ng iba 'yung dalawa. May kung ano pina-amoy sakin ang lalaki hanggang sa nanlabo ang mga mata ko at nagdilim ang paligid. Nagising ako na may mahinang sumasampal sakin. Ka-agad na sinamaan ko ng tingin ang naka bonet na lalaki. Tumawa naman ang mga kasamahan niya habang naiiling. Anong problema nila? Tss, pati kami nadamay. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Maraming katulad ko na gising na at ang iba ay tulog pa. Si Yoko ay nakatali sa may dingding gano'n din 'yung katabi niyang dalawang maliit at iba pang nakatali at nakabusal ang bibig. Lumabas ang mga lalaki at sinara ang pinto. Madilim ang buong silid at tanging butas lang sa mga pader ang nagsisilbing liwanag namin. Tahimik lang sila nakatitig sa isa't isa na parang nagkakaintindihan. Samantalang ako nalilito sa kung anong nangyayari at bakit hinahayaan ng pulis ang ganito. Nakakapagtaka lang na ang dami namin dito. Ano bang kailangan nila samin? Pera? Kayang kaya ko sila bigyan no'n pero sa ngayon kailangan ko maka-alis dito. I checked my wrist watch it's 3:30. Ilang oras na lang ay mag gagabi na. Siguradong mag-aalala si Mommy kapag hindi ako maka-uwi ngayon. Naghanap ako ng kahit anong matalas na bagay pero mautak ang mga kidnapper namin. Karton lang ang meron dito at walang matutulis na bagay. Sinubukan ko gumapang at nagawa ko naman. Pinuntahan ko si Yoko na nakatingin lang sa baba. Nilingon niya ako at ngumiti ng malungkot. He even mouthed sorry for what happened. I nod and smile, assuring him that I'm not mad. Napatingin kaming lahat sa dalawang nakatali kanina. I think I heard their name before hindi ko lang matandaan pero familiar sila. "Sila 'yung hinahanap nila kanina. Lloyd and Robert the dwarfs." Paliwanag ni Yoko, kaya pala familiar dahil kaklase namin sila. "Ang tagal niyo naman makawala." Napa-atras ako sa gulat gano'n din ang mga nakarinig. "Jr, tinakot mo kami! Sana kase nagsabi kang nandiyan ka na pala." Hinampas ni Lloyd 'yung Jr. "Kahit sabihin ko magugulat pa rin kayo, bagal." Pumunta siya sa direksyon namin at pinutol ang tali kay Yoko. Ganoon din ang ginawa sa ibang kasama namin. Tumayo ako nang matanggal ang tali at hinawakan ang magkabilang wrist. Nanlamig ang kamay ko at bahagya nagbago ang kulay nito. "Nasaan ba tayo? Bakit ang dilim-dilim dito eh hindi pa naman gabi?." Tanong ko habang palinga linga sa paligid, naghahanap ng pwedeng labasan. Malalim na bumuntong hininga 'yung Robert maging sila Lloyd at iba pa. Tinignan ko naman si Yoko na kakamot kamot sa batok, bahagya pa siya nakangiwi na parang may iniindang sakit. "Tsaka na namin ipapaliwanag ang mahalaga ay maka-alis tayo dito bago pa nila malamang naka-alpas na tayo." Seryosong sabi ng isang babae. Pinaltukan naman siya ng katabi niya. "Tanga ka talaga! Anong 'naka-alpas'? Grabe ka naman sa word na 'yun. Ginawa mo pa tayong aso." Inis na sabi nito habang nakahalukipkip. Napakamot na lang ako sa kilay ko. "Siguro pwede tayo dito dumaan." Sabi naman ng isang lalaki. Mahaba ang buhok niya at may itsura. Naka black jacket at navy blue pants, naka tsinelas nga lang. Nakitingin din ako sa tinitignan nila. May butas sa kisame at kasya ang isang tao doon. Ang iba naman ay naghahanap ng kung ano na pwede naming patungan. Bukod sa karton na inuupuan namin kanina may iilang box and chair din. Tumulong ako pagkuha at pinagpatong patong nilang lahat ito. May mga nakabantay sa pintuan, ang iba naman nakasilip sa maliit na butas. Kulang ang mga nakuha namin. Hindi ito umabot ng kalahati. Tumungtong dito ang pinakang matangkad samin. Bahagya siya tumalon, tinatantya kung kakayanin siya. Sumitsit siya kay Robert. Nag squat siya at pina-upo sa balikat ang huli bago dahan-dahan tumayo. Hindi ako sure kung kakayanin kaming lahat. Sa dami ba naman namin at for sure hindi lang kami ang nandito. Nag-aalala ako para kila Vanessa kung nakatakas ba sila or naabutan sila ng mga lalaki kanina. Inuna nila ang magagaan at inihuli ang mas mabibigat. Nang iaakyat na nila 'yung lalaking pinakang matangkad samin kanina nahuli siya kaya ka-agad kami tumalon pababa. Nagkagulo bigla. Nakitakbo na lang rin ako. Sunod sunod rin ang putukan na nagaganap kaya mas binilisan ko pa. Bigla naman may humatak sa braso ko at agad tinakpan ang bibig ko. Napatingin ako sa katabi ko sila Yoko kasama ang iba pa naming kaklase pero may kulang pa rin. Unti unti lumawag ang pagkakahawak sakin kaya nagawa ko lingonin siya. Si Shea. May pasa siya sa gilid ng labi, magulo ang uniform at pawis. Bahagyang napa-awang ang bibig ko pero agad rin tinikom. Mas maganda pala siya sa malapitan. "Nasaan si Nanay, Yoko? Nakita mo ba siya?." Nag-aalalang tanong niya. "Yeah, hawak nila Z kanina. Hindi namin agad napuntahan dahil inuna namin sila. Don't worry kaya ni Tita ang sarili niya." Sagot naman ng isa. Kung mag-usap sila ay parang wala kami. Naalala ko tuloy na naging sila noon hindi kaya may feelings pa rin sila sa isa't isa? Or maybe naka move on na? Tama naka move on na kaya 'wag ka mag-isip ng kung anu-ano Riley. Teka nga pake ko naman kung may feelings pa sila 'di ba? Anak ng... Haysss minsan talaga ang weird ko. "Umalis na muna tayo sa ngayon. Babalikan natin sila sa ibang araw." Tumango lang ang sila at isa-isa umalis. Sumunod na lang din ako kahit naguguluhan pa. Ibinaba ko ang bag at pabagsak humiga sa kama, ang mga binti ko ay nakalaylay lang. Pagod na pagod ang katawan ko sa nangyari ngayon. Maski utak ko tumalon sa dami ng tanong ko. What the hell is happened earlier? Ano bang meron sa kanila? Bakit ganito sa lugar nila? Like normal ba ang ganitong situations? Hindi naman ganito sa States. Para silang may sariling mundo at sila lang ang nakaka-alam. Parang ikakapamak pa namin kung magsasabi sila kung anong meron. Malalim na bumuga ako ng hangin. Frustrated na napasubunot ako sa buhok ko at nagpagulong gulong sa kama. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at agad ko ito sinagot. [Pamangkiinnnnn!!] Nailayo ko ang cellphone sa tenga at tinignan ang caller bago muling ibalik sa tenga. "Oh my God, Tita. Lower your voice!" Inis kong singhal sa kanya. [How iha!? Nabalitaan ko ang nangyari. What happened to you? Ayos ka lang ba? Alam na ba ng Mommy mo? Sinong kasama mo ngayon?] Napa-irap naman ako sa sunod-sunod niyang tanong. "I'm perfectly fine, Tita. Walang labis walang kulang. Kami lang ni Elly ang magkasama with the guards nandito rin naman si Yoko" tumili naman siya na parang kinikilig. Napa-irap nanaman ako, parang teen ager pa rin. [Dalaga na talaga ang baby ko. So, kelan ang kasal, huh?] Excited niya pang tanong. Nasapo ko na lang ang noo ko. Kung makipag usap parang walang nangyari sakin kanina ah, ibang klase. "Tumigil ka na Tita. Bye" then I hung up. Nakipagtitigan pa ako sa kisame bago naligo. Bumaba ako pagka-gising pero agad rim nagtago sa gilid ng pader. Nasa sala sila Yoko kasama si Shea. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila. Expected ko na mag-uusap pa rin sila pero nanahimik na sila. Lumabas na ako matapos ang ilang minuto, wala akong napala sa pag-aantay ko. "What are you doing here? Bakit magkasama kayo?" I sat beside Yoko. "May pinag-usapan lang kami, hindi na rin ako mag tatagal mauuna na ako." Paalam niya at tumayo. "Ah sandali dito ka na mag dinner." Pag-aya ko na ikinatigil niya. Napatingin naman sakin si Yoko na nagtatanong, humarap dik si Shea sakin habang ako natutop sa sofa. Nagulat din sa sinabi ng bibig ko. "A-Ahh... What I mean is h-hinahanap ka kase ni Elly kanina." Utal kong palusot. Mahinang tumawa si Yoko kaya pinandilatan ko. "Sure, sabi mo eh." May halong pang-aasar na pag-payag niya. Psh. Napanguso akong hinarap ang mukha sa gilid. Tumayo ako at tumulong sa paghahain doon since ang awkward nilang kasama. Kung ano man tumatakbo sa isip nila bahala sila. "Ang haba ng nguso mo Ate. What happened?." Hindi ko siya pinansin at padabog binaba ang baso. "Aahh kaya naman pala eh." Nakatingin lang siya sa magkasama na dumating saka tumingin sakin. I raised my brow to her then roll my eyes. "Pfftt...Sungit." inismiran niya ako saka naupo na. Malayo ang pwesto ko sa kanila. Bakit ba ganito ako umarte ngayon? Ang weird ko nanaman. Hindi ko maintindihan ang sarili. Hanggang sa matapos kami kumain ay wala akong imik, nakikinig lang ako sa usapan nila. "Natatawa nga po ako eh, kanina pa siya gan'yan since I saw her." Natatawang aniya Elly. "I guess she need an ice cream para bumalik siya sa mood." Dagdag pa niya. Naka cross arms lang ako at nakatingin sa labas ng bintana. Madilim at mahangin. May pangilan-ngilang alitaptap akong nakikita. May naglagay naman sa harap ko ng rocky road ice cream. Nang tignan ko si Shea. Nakangiti pa siya ng malaki saka kumindat. Namula naman akong nagbaba ng tingin. Why she need to do that!? At bakit affected naman ako? Tangina! "W-Wag ka nga kumindat diyan!" Ilang kong saway at sumubo. Mahina siyang tumawa. "Bakit masama na ba kumindat ngayon? Ang haba ng nguso mo ah, infairness pwede nang sabitan." "Mahaba din dila niyan!" Dagdag ni Yoko na ikinasamid ko. Maloko talaga! "Hoy! Pinagsasabi mo diyan?" Namumula naman ang mukha ko. Parang double meaning kase eh. "Ano namang connect no'n sa nguso?" Clueless na nakatingin lang siya samin. Tumawa lang si Yoko habang yumuko na lang ako. Nakangusong inubos ko ang ice cream. Mabilis ako tumayo at umalis. Pakiramdam ko masusuffocate ako kapag nagtagal pa. Kinabukasan maaga ako nagising dahil sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko. "Liliaaannaaaa!! Hoy babaeng tulog mantika gumising ka na!" Kinalabog niya pa ang pintuan ko habang pilit binubuksan ang knob nito. "Oo na, oo na! Gising na ako!" Tumigil naman ang kalabog. Inis na tumayo ako at nagtungo sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkababa nadatnan ko sila sa sala habang masayang kumakain at nag-uusap. Lahat sila nandito! Lahat ng mga kaklase ko! "Oh nandito na pala si Riley eh, Good Morning!" Bati ni Aerus, kumaway pa siya bago kumain ulit. Nakangiwing kumaway ako pabalik. "Kumain ka na rin! Nandoon sila Shea kasama 'yung kapatid mo sa dining." I simply nod to them. Ang dami ring pagkain pagdating ko sa dining area. Nandoon si Elly kasama si Shea at ng iba pa. Mabuti na lang nasa business trip si Mommy pero ano namang ginagawa nila dito ng ganito ka-aga? "Great, you're here na rin. Kumain ka na rin" masiglang hinila ako ni Dianne paupo sa tapat ni Shea. Magkatabi naman sila Shea at Vanessa pero ini-snob lang siya ng huli. "Gusto nilang sabay-sabay tayo pumasok para hindi na mangyari 'yung katulad kahapon. It's better we're all safe." Si Yokoshi. "Kaya 'wag ka na manibago kung madalas na sabay-sabay tayo. Your part of the family so dapat lang na magkakasama tayong lahat." Nangiting dagdag ni Clea. "Eh? Kelan ka pa natuto mag english?" Asar ni Aiyana. Umirap naman ang isa. "Duh! Since birth syempre!" Proud niyang sagot na ikina-iling ng iba. "Kaya pala mali-mali ang grammar." Napatingin naman ako kay Althea, nakangisi siya at tapos na kumain. "Oh! Totoo 'yon 'wag ka na umangal, isa-isahin ko pa eh" "Panira ka! Masama ba mangarap? Hindi naman ah." Nakanguso na ngayon si Clea. "Bilisan niyo na baka ma-late pa tayo. May isa pa tayong pupuntahan bago pumasok" dumating si Traise kasama ang isang babae. "Ah! Oo nga pala!" Naka-taas pa ang kamay ni Gia na para bang may naalala. "About sa wish ni Shea pati ng ibang girls." Bumaling ang tingin niya sakin. "Mag wish ka na rin ah?" Dahan-dahan ako tumango kahit hindi ko naman alam. "Tanga!" Paltok sa kanya ni Julianne. "Ni hindi nga niya alam kung ano ang topic eh, utak nga!" "Ay weh? Akala ko naman nasabi na sayo nila Shea, since nandito sila ni Yoko kagabi" tumingin siya kila Shea. "Hoy!" Grabe naman makasigaw ang isang 'to. "Ano nanaman!? Siguraduhin mong hindi nonsense 'yan sasapakin na talaga kita" inis na singhal ng isa. "Bakit hindi mo sinabing pupunta tayo sa bayan para sa wish keme?" "Huh? Sinabi ko sa kanya ah. Ilang beses ko sinabi pero hindi ata siya nakikinig." Tumingin siya sakin na nagtatanong, umiling lang ako. Nasapo niya naman ang noo. "Pupunta tayo sa bayan para sa wish. Tradition na ng barkada 'yon, bubulong kami sa isang sagradong puno. Pinaniniwalaan kasi ito na may himala kapag humiling ka" Muntik na ako matawa. Pang bata lang ang gano'n ah? "Sure ba kayong totoo 'yan? Eh baka mamaya magsayang lang tayo ng oras." Umirap naman siya at uminom ng juice. "Wala naman mawawala bukod sa oras natin ah? Isa pa totoo 'yon. Last year nakuha namin ang titulo ng school sa nagnakaw nito." Parang wala lang sa kanya ang sinabi. "Ninakaw? Bakit naman ninakaw?" Alam ko mahalaga ang titulo ng bawat property pero bakit 'di ba? "Ahh ano kasi eh... Mabuti pa umalis na muna tayo, saka na namin ipapaliwanag pagkatapos." Tumayo na si Khione. Sabay-sabay kami naglakad palabas ng mansyon. Tahimik lang kami. Bakit parang iniiwas nila ang usapan kapag napupunta sa school? Ano ba itong pinasok ko. Maski ang ibang tao weird. Eh parang walang nangyari kahapon at masigla pa rin ang barangay at mga tao dito. Mas lalo tuloy ako na-curious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD