Maraming tinuro sa kanya si Jane, at hindi naman siya makareklamo sapagkat nagustuhan niya rin ito, para nabago naman ang style niya sa pananamit. Nakakalakad na rin siya, kahit naka heels kahit papaano. Marunong na siyang gumamit ng cellphone, tulad ng sinabi sa kanya ni Jane. Tinulungan niya rin ang kaibigan na magsabi sa Kuya niya na bumali ng pera bago siya umalis patungo sa California. Magtatagal daw siya doon ng isang buwan. Kaya ngayon araw, balak nilang magpasalon ni Jane, pero nais niyang ilibre na lang siya sa pagpapakulay ng buhok. Nag-window shopping din sila, halos si Jane na ang pumili ng mga damit na para sa kanya. Hindi rin nawala ang swimming attire dahil balak nilang maligo sa pool mamaya, at iyon ang susuotin nila. Wala siyang nagawa dahil nagustuhan niya rin ang pagb

