THIRD PERSON NAGSISI AKO BAKIT KO PA INALAM. Ako tuloy ang nahirapan. Nakakagulat kung kailan pumasok siya sa kumbento, saka niya nalaman ang passion niya bilang isang dancer. Isa pa, ngayon niya lang nadiskubre ang talento niya sa pagsasayaw. Baka mamaya, iba naman ang malaman niya. Jusko, bakit sexy dance pa? Marami namang iba. Kung ako lang ang masusunod, hindi niya kailangan pumasok sa dance studio. Pwede bang sa akin lang siya sumayaw? Tanong niya sa sarili, na alam niyang hindi mangyayari kahit kailan. Paano kung gapangin ko na lang siya? Isa pa, nag-report ang agent at si David, wala pa ring balita, hindi rin mahanap. Ano bang buhay ito? Sa akin na ang lahat, pero ganito din naman ang magiging problema ko araw-araw: ang pag-iwas sa sigaw ng laman at ang pagkawala ng aming magu

