PARTY Ngayon gaganapin ang party na nais ni Donya Elisabeth sa pagbabalik nila sa mansion. Ganun din ang pagbabalik ni Maria Theresa galing sa kumbento. Kaya lahat ng kasambahay nila ay busy sa pagluluto, tumutulong na si Donya Elisabeth. Mas gusto nilang lutong bahay kaysa sa pagkain sa labas hindi masabi kung nalinis na madumi. Gusto lang nilang kainin ay sariwang gulay at karne. "Manang, ikaw na ang bahala dito, magpapalit na ako. Pakilagay na lang sa lamesa kung nasaan ang ibang pagkain." "Okay, Donya Elisabeth." Lahat ng paborito ng kanyang mag-ama naluto niya, pati mga kakanin. Doon kasi mahilig si Maria Theresa. Dahil ang gabi ito para sa kanya, hindi para sa amin. Ngayon lang pumayag ang anak ko sa ganitong party. Sana walang aberya na magaganap. Pero kaunti lang ang ini-invi

