Shaira's POV "Daddy Sweet!"---sigaw ko sa labas ng gate nakita ko kasi siyang nasa garahe umiinom ng kape habang nakatingin sa kotse niya na pinapalinis niya kay Mang Andoy. Namiss ko siya. Napatinigin naman sakin si Daddy Sweet. Wah nakangiti siya at biglang tumakbo papunta sa gate kaya natapon yung kape niya haha. Miss na miss ako ng tatay ko dahil tumakbo pa kahit may edad na haha. "Baby Sweet ko!"---sigaw niya at binuksan yung gate. Hindi ininda yung pagkapaso niya dahil sa pagtapon ng kape niya haha. "Wah! I miss you so much daddy sweet."---sabi ko at nagyakapan kami habang tumatalon talon pa haha. Isip bata haha. "Ang dalaga ko dumalaw na din sa wakas sa Tatay niya!"---masayang sabi niya. "Hello po."---sabi ng gagong si Rhym. Sumama siya sakin. Pati dito naku naman nakakainis.

