Shaira's POV "Hoy Shaira!"---sigaw ni Kim sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Anong problema nitong babaitang ito?! "Hey anong problema mo?"---tanong ni Maria. Siguro napansin nilang wala ako sa mood at malayo ang iniisip ko. So balik nanaman talaga sa umpisa. Sobrang matatakot nanaman ako sa kanya. Kala ko ba mahal niya ako?! Pero bakit babalik siya sa ganon. Sabi ko naman diba babalik kami sa pagkakaibigan huhu pero hindi dun sa halos patayin na niya ako huhu. Ganon ganon nalang ba yun?! "Shaira!"---sigaw ni Blessing. Wah! Bat ba kasi! "Ayos ka lang ba bhie?"---nagaalalang tanong ni Maria sa akin. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila nagtataka ang tingin sakin. Napayuko naman ako. "Hindi mo ba nagustuhan yung niluto kong pagkain?"---malungkot na sabi ni Kim.

