Shaira's POV Naging maganda naman yung takbo ng laro. Pinasok si Dominic eh last quarter na. Maganda naman kasi nanalo yung University namin. Halatang di maayos yung ilong niya dahil yun nga yung dumugo nung binato siya ng bola ni Rhym. Si Rhym yung naging best player dahil sa dami niyang nashoot. Muntik na nga siyang maabutan ni Dominic eh. Siguro pag pinasok si dominic nung 2nd and 3rd. Si Dominic yung magiging best player. Ngayon naman ahihi kasama kong kumakain si Dominic ngayon. Wala kaming pasok at ito yung gustong gawin ko. Ang kumain kami sa labas kasi nga nanalo daw sila. "Ayaw mo ba ng pagkain?"---nakangiting sabi ni Dominic. Kasi naman masama ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa puyat ako kagabi tapos nagpuyat pa ako nung nakaraang gabi. Wah! Si Rhym kasi. Tapos pagkatapos

