Chapter 01

1485 Words
EnjoyReading:) Shaira's POV "Bat kasi di mo pa palayasin yang anak mo Sunny?!"---sabi ni mommy. Isang napakalalim na buntong hininga ang ginawa ko. Bakit ba ayaw na ayaw ako ni mommy? Nanatili lang ako sa pinto papasok sa kusina. Di nila ako napansin. Nakikinig lang ako sa usapan nila Daddy't Mommy. "Amanda."---May babala sa boses ni Daddy. Simula ng nagkaisip ako. Si Daddy lang ang nagmahal sa akin dito sa bahay nato. "Hindi aalis dito ang anak ko."---bawat salita ni daddy ay may diin at babala. God! Sanay na sanay na ako sa ganito. "18 na siya! Kailangan na niyang maging independent!"---sigaw ni mommy. Hindi na ako nakatiis at umeksena na ako at nagpakita na. Nagpanggap akong kagigising lang at walang narinig. "Good morning mom, daddy sweet."---sabi ko. Pero si daddy lang ang niyakap ko mula sa likod at nilambing. Daddy's girl ako eh. Bigla naman nagbago ang madilim na aura ni daddy. Napalitan ito ng kasiyahan. "Good morning din Baby Sweet."---malambing na sabi ni Daddy sakin at humalik sa pisngi ko. Tumingin ako kay Mommy at syempre masama at may galit ang titig niya sakin. "Bini-baby mo kasi! Kaya ayaw umalis dito!"---sigaw ni mommy at padabog na umalis sa hapagkainan. Ngumiti naman ako ng mapait. Bakit ba ganon nalang siya kagalit sakin? Galit na galit siya sakin. Pero kahit ganon mahal na mahal ko padin siya. "Kumain kana wag mo nalang pansinin ang mommy mo tinotopak nanaman yun."---sabi ni daddy "Palagi naman Daddy Sweet."---sabi ko at nagsimula ng kumain. "Nga pala nasan ang ate mo?"---tanong ni daddy. "Hindi ko po alam."---sabi ko hinahanap nanaman niya si ate. Takas kasi ng takas tuwing gabi. Step sister ko siya. Anak siya ni Mommy sa ibang lalaki. Pero bat mas mahal niya si ate Ella? Parehas lang naman niya kaming anak ah. Si daddy lang talaga ang nagmamahal sakin. Mahabang katahimikan "Daddy Sweet."---pagbabasag ko sa katahimikan. Sinulyapan naman niya ako bago bumalik sa pagkain niya. "Why baby sweet?"---tanong niya sakin. Tama nga siguro si mommy kailangan ko ng umalis dito. Pero bakit si ate? Ayaw niyang paalisin dito? Mas pasaway naman yun sakin eh! Mas mabuti panga akong anak. "Bilan mo po ako ng condominium o kaya simpleng apartment nalang Daddy sweet please."---nakangiti kong sabi sa daddy sweet ko. Ayaw ko ng manatili dito na puro sakit naman ang pinaparamdam sakin. Kung hindi lang talaga kay daddy. Napatingin naman si daddy sakin. "Baby sweet kung iniisip mo yung kay mommy mo. Forget it please baby sweet."---malambing na sabi ni daddy. "Hindi kapa nasanay. Hayaan mo at kakausapin ko siya."---pagpapatuloy ni daddy. Napabuntong hininga nalang ako. "Daddy sweet please naman oh. I'm a big girl na po. Pagbigyan niyo na po ako."---malambing na sabi ko kay daddy. Para naman matahimik na si mommy at ate. Sila lang naman ang may ayaw sakin eh. "Pag iisipan ko Baby sweet."---sabi ni daddy. "Please."---paglalambing ko with puppy eyes pa hihi. "Ayie! Si daddy sweet papayag na yan konting tiis. Ayie! Daddy sweet."---pagpupumilit ko. God! I love my daddy sweet so much. Bigla namang sumimangot si Daddy sweet at sinapo niya ang dibdib niya kung saan banda ang puso niya. Magdadrama nanaman ang Daddy ko haha! "Ouch! Baby sweet ayaw mo na ba akong makasama?"--- malungkot na sabi ni daddy habang sapo sapo padin ang dibdib niya. "Daddy sweet naman eh!"---pagmamaktol ko at tumayo para mayakap siya mula sa likod. "I love you Daddy sweet."---sabi ko. Hinawakan naman niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya. "I love you more baby sweet."---malambing na sabi ni daddy. "Mag dorm ka nalang kaya. Since college kana this coming pasukan. Naku! Dalaga na ang Baby sweet ko."---oo nga no! College na ko sa pasukan. "Sige Daddy sweet. Akyat na ako. Maliligo pa ako. Papaenroll napo ako daddy."---hinalikan ko siya sa cheeks. "Take care baby sweet."---tatawa tawang sabi ni daddy sweet. Tumawa lang ako at umalis na sa kusina. Dumeretso ako sa kwarto ko para gumayak. Pupunta ako sa university na gusto kong pasukan ngayong college ako. Sabi kasi ni Daddy ako ang bahala at masusunod. - - - - - Pababa na ko sa hagdan ng masalubong ko si Ate Ella. Isang taon lang ang tanda niya sakin at magkaparehas kaming College na sa pasukan. Ngumiti ako sa kanya pero siya inirapan lang ako at binangga niya ako. Parehas talaga sila ni mommy na mainit ang dugo sakin. Pinagpatuloy ko nalang ang pag alis ko. Nasalubong ko si daddy sa garahe. "Bye Daddy sweet."---paalam ko. Sumakay na ko sa baby ko! "Wag mo ngang gamitin yang Mio mo baby sweet. Dalaga kana."---sabi ni daddy. Ngumiti lang ako at binigyan siya ng flying kiss hehe. Naka Black fitted jeans at simpleng Red V-neck t-shirt lang ako at pinarisan ng Black rubber shoes at Black Bag pack. Di naman nakakabastos eh bagay sa Mio ko haha. Tsaka mas komportable kasi ako sa Mio ko eh. Kaysa sa kotse ni daddy. Tinuruan niya nadin akong mag drive ng kotse pero mas trip ko talaga yung Mio haha. Mas nakakaenjoy mag motor kaysa sa de-kotse. Pupunta akong University wah! Sana mag enjoy ako sa University na pinasukan ko. - - - - - Ang luwang talaga ng Skyhigh University. Malulula ka sa luwang at ganda. Talagang pangmyayaman ang nag-aaral dito. Kumpleto na kasi sa loob nitong University. Pumunta nalang akong faculty at sinagutan yung mga kailangang form para maenroll ka. Civil Engineer ang kinuha kong kurso. Alam kong gusto ni daddy na mag chef at sumunod ako sa yapak niya. Pero kahit hindi yun ang kinuha kong kurso ay suportado padin niya ako. Naglalakad ako sa hallway ng biglang may bumangga sakin. Bwisit di kasi tumitingin sa dinadaanan. Tumingin ako sa muka niya. Oh gwapo naman pala siya haha. "Sorry miss."---sabi niya sakin. May makapal siyang salamin pero gwapo siya. "Okay lang. Sige mauna nako."---sabi ko. Wala naman akong balak makipagkilala sa kanya eh. Kahit gwapo siya haha. Punta akong mall para bumili ng kakailanganin ko pag pasok ko sa pasukan. Kailangan kong mag aral ng mabuti para maipagbamalaki na din ako ni mommy. Nilabas ko yung phone ko at kinabit ko yung headset ko para makinig ng mga Korean songs. Ganito kasi ako may sariling mundo. Tahimik at walang pakialam sa paligod ko. Mas gusto kong kasama ang mga libro, cellphone, at laptop ko. Kahit isa ngang kaibigan ay wala ako. Wala talaga dahil boring nga daw ako. Sino nga ba kaso ako?! Para kaibiganin nila wala naman kagusdo gusto sakin. Maganda naman ako pero tahimik lang talaga. Walang wala ako sa ibang babaeng maipagmamalaki talaga ako lang naman kasi si Shaira Andrea Ancheta Jimenez. - - - - - - - - - - "Nakauwi na po ako!"---sigaw ko hehe trip ko lang sumigaw haha. Hapon palang naman kagagaling ko lang sa mall. Dumeretso ako sa sala nakita ko si Mommy nakaupo sa mahabang sofa. May binabasa siyang magazine at dahil mabait akong anak lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Hi mom."---nakangiti kong sabi. Nagulat ako ng winaksi niya yung kamay kong nakahawak sa kanya. "Wag mo nga akong hawakan!"---masungit niyang sabi. Yumuko nalang ako. Nakarinig naman ako ng yapak na papalapit samin. Si ate Ella pala yun galing siyang second floor. Nagkatinginan kami at wala ng bago inirapan niya ako at lumapit kay mommy. "Hi mommy. Pupunta po akong bar, birthday kasi ni Sallie."---sabi ni ate at yumakap kay mommy at sinuklian naman agad ni mommy ng yakap. Bakit ganon? Anak niya din naman ako. "Go ahead dear. Ako ng bahala kay Daddy mo. Mag iingat ka, okay?"---sabi ni mommy sa malambing na boses. "Yes mom. Don't worry."---sabi ni ate. Tatayo na sana siya ng mag tanong si mommy. "Wait. Do you need cash?"---tanong ni mommy. Umiiling naman si ate. Umalis nalang ako sa sala mas maiingit lang ako kay ate lalo. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Mamaya na ako magsa-shower. Humiga ako sa kama at inopen yung phone ko. Nagpatugtog ako ng "Dope" by BTS. Kpop fan ako eh mas feel ko yung mga kirean songs. May kumatok sa pintuan ko. Kahit tamad na tamad ako pinatay ko yung song sa phone ko at pumunta sa pintuan ko para pagbuksan yung taong kumakatok. Nang mabukasan ko na si daddy sweet lang pala yung kumatok. May dala siyang tray na may lamang Chocolate Cake. Di la yun nahihiwa at orange juice. "Hi Baby Sweet. Nagbake ako ng cake. Tara meryenda tayo diyan sa terrace mo."---nakangiting sabi ni daddy. Nang nasa terrace na kami tawa lang kami ng tawa. Si Daddy lang talaga ang nagmamahal sa bahay na ito sakin. Pumayag na siyang mag dorm ako at dadalawin nalang daw niya ako pag may time siya. Excited na akong pumasok at mag aral sa Skyhigh University nayon. Sana maging masaya ang college life ko sa Skyhigh University. Sana nga - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD