Zach's POV Hindi ko na tinuloy yung plano namin ng barkada na ipatawag si Madelight sa neutral ground. Para saan pa? Sayang lang ang oras. Mas gusto ko nang ako mismo ang gaganti sa kanya. Personal, diretso, walang paligoy-ligoy. Ayoko na rin isali si Yan. Hindi naman niya kailangang malaman ito. Baka pa magdrama pa siya o sabihin na immature ako. Pagdating ko sa school nang maaga. Dala ko na agad yung plano. Hindi ako mapakali kagabi kakaisip kung paano ko babawian si Madelight Gama Aldama. AKA si Foodpanda girl rider. Yung babae na walang ibang alam kundi mang-insulto ng lalaki sa harap ng maraming tao. Akala niya siguro dahil hindi ko siya pinatulan noong araw na binuhusan niya ako ng bagoong, safe na siya. Guess what? Hindi pa tapos iyon. "Pre, sigurado ka ba diyan?" Tanong ni Brix

