Madelight's POV Umaga na at saturday na naman. Isang araw na wala akong pasok pero hindi ibig sabihin noon ay pahinga ko. Kahit weekend ay may trabaho pa rin akong kailangang pasukin. Ganito talaga kapag working student ka. Walang tulog minsan, walang break, pero kailangan magtiis para sa sarili at sa mga gastusin sa buhay. Pagmulat ko ng mga mata. Ramdam ko pa ang bigat ng pagod sa katawan ko. Pero hindi puwedeng mag-inarte. Bumangon ako mula sa manipis kong kutson at inayos agad ang kumot. Nasanay na ako sa ganitong routine. Walang arte at walang delay. Naglakad ako papunta sa maliit na kitchen area ng inuupahan kong apartment o dorm. Nilagay ko ang bigas sa rice cooker. Sinet sa cook sabay nagprito ng itlog at corned beef. Simple lang na almusal pero sapat na para mabusog ako bago pu

