Zach's POV Malamig ang hangin dito sa Vicente Mountain. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ang bigat ng dibdib ko buong araw. Kanina pa ako iniisip ni Madelight. O mas tama siguro na ako yung iniisip ko. Kung bakit parang biglang may pader sa pagitan namin. Kaya ngayong gabi. Hindi ko na hinayaang lumipas pa ang scout campsite nang hindi kami nag-uusap. Nasa may gilid kami ng campsite. Medyo malayo sa tents at ingay ng iba. Tahimik, maliban sa kuliglig at mahihinang usapan ng mga estudyante sa paligid. Hawak ko ang flashlight pero nakapatay lang. Ayoko kasi ng masiyadong ilaw. Mas gusto kong makita si Madelight sa natural light ng buwan. "Kausap lang naman siya, Zach." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa kaniya. "Hindi ka naman mamamatay." Tinapik ko pa yung noo ko.

