Zach's POV Nakarating na kami sa school bandang hapon. At pagkapreno pa lang ng bus ay bumungad agad ang ingay ng campus. Mga estudyanteng nagmamadali, mga barkadahang nagtatawanan, at mga guard na tinutulungan kaming bumaba nang maayos. Pero sa gitna ng commotion na iyon. Iisa lang talaga ang hinahanap ng mga mata ko. Si Madelight. Pagkababa ko. Mabilis ko siyang nakita. Nakayuko siya nang bahagya. Hawak ang tali ng bag niya. Parang pagod na pagod na talaga. Nilapitan ko kaagad siya bago pa siya lumihis papunta sa exit. "Madelight." Tawag ko. Lumingon siya. Medyo mabagal. Parang kulang sa energy. Pero nang makita niya ako. Bahagiyang tumaas ang isang kilay niya. "O? Bakit?" "Pwede ba kitang kausapin sandali?" Tanong ko. Sinubukang gawing kalmado ang tono ko. Tumango naman siya. "Oo

