Madelight's POV
Pagod na pagod ako habang naglalakad pauwi sa apartment. Ang bigat sa paa, ang bigat sa ulo, at ang bigat sa puso. lahat na lang mabigat. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang araw ko. Dapat sana simple lang. Trabaho, tulog, eskwela. Pero hindi. Kailangan pang guluhin ng mokong na Zach Clifford Watson ang buhay ko.
Ginabi na ako ng uwi dahil sa kaniya. Literal. Dahil sa pagiging baliw niya.
Pagpasok ko sa apartment ko. Naramdaman ko agad yung pagod na parang binagsakan ako ng isang drum ng tubig. Pag-akiyat ko sa hagdan ilang beses akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung pagod lang ba ako o dahil sa inis ko kay Zach.
Pagpasok ko sa unit ko. Winelcome ako ng katahimikan. Tinanggal ko kaagad ang bag ko, binato sa kama, at napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa dingding. Para akong nawalan ng kaluluwa.
"Bwisit na tao." Bulong ko.
Akalain mo ba namang may ganong klaseng kakapal ang mukha Papadakip ako? Dadalhin sa mansion nila? Papagandahin? Tapos sasabihin agad sa akin na...
"Ako ang magiging boyfriend mo." Iyan ang sabi ni Zach.
Yuck! Kadiri! As in literal na kadiri.
Sino siyang magdikta ng ganun? Sino siyang mag-isip na porket may pera siya, mapipilit niya ako? Buong biyahe ko pauwi ay hindi ko mapigilang umusbong ang galit sa dibdib ko. Yung tipong gusto kong sumigaw nang malakas. Yung tipong gusto kong ibato yung helmet ng Foodpanda sa mukha niya.
"Haaayst, Zach talaga." Bulong ko sabay sapo sa mukha.
Kinuha ko yung small towel ko at pinunasan ang mukha ko mula sa natirang makeup. Tapos napatingin ako sa salamin.
Gagi! Ang ganda ko.
Hindi sa pagmamayabang pero ang linis tingnan ng mukha ko dahil sa makeup na ginawa ng staff nila. First time kong makita ang sarili ko na ganitong ayos. Pero agad ding nawala ang admiration ko sa sarili ko nang maalala ko kung bakit nila ako inayusan.
Para saan? Para kanino?
Para kay Zach. Para maging dinner date daw niya.
Date daw? Ewww!
Napairap ako nang malala. Wala akong balak maging girlfriend niya. Kahit kailan. Kahit bayaran niya pa yung tuition ko for life. Kahit bilihan pa niya ako ng isang buong mall.
Pero kung si Chendrix.
Napahinto ako.
Tapos napangiti. Tapos umiwas tingin sa sarili sa salamin.
Argh, ano ba ito?! Hindi ako dapat kinikilig. Pero hindi ko mapigilang mag-isip ng what if? Kung si Chendrix ba yung nagpaalis sa akin sa trabaho. Kung siya yung nagpa-makeover. Kung siya yung nagyaya ng dinner?
Siguro, oo? Papayag ako!
Kasi iba si Chendrix. Tahimik. May respeto. Hindi hambog. Hindi bastos.
Hindi katulad ni Zach na para lang malaking bata na mayaman at walang pinagkatandaan.
Kahit isipin ko pa ng ilang beses iisa lang yung conclusion ko.
Si Zach ay wala talagang magandang idudulot sa buhay ko.
Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nilaklak ko yung isang buong baso kasi pakiramdam ko uhaw ako sa normal na araw. Yung araw na hindi kasama si Zach.
Kaso eto hindi na normal ang buhay ko.
Pag-upo ko sa kama ay nag-ring yung cellphone ko.
Si Yan.
Sumagot ako.
"Madel? Saan ka na?!" Boses niya na halatang nag-aalala.
"Naka-uwi na ako no. Nasa loob na ako ng unit ko." Nilapat ko yung malamig na tubig bottle sa pisngi ko. "May nangyari lang." Umupo ako saglit.
"Ano na naman?!" Sigaw niya. "May nakita akong post sa socmed na may white van na nag-pick up sa'yo! Dude, akala ko dinukot ka na!" Yung boses niya ay halatang may sincere sa mga sinasabi niya.
"Dinukot nga ako, technically." Bumuntong hininga ako.
"What?! Ano?!" Bumirit si Yan.
"Si, Zach, lang naman." Napakurap ako sa sarili kong statement. Pero totoo.
"Sabi ko na nga ba!" Hiyaw niya. "Anong ginawa sa'yo nung mokong na iyon?!" Buliyaw niya.
Huminga ako nang malalim kasi mahaba-habang drama ito.
"Kasi gusto daw niya akong maging girlfriend."
Sumabog ang boses ni Yan sa phone. "Ano? Boyfriend? Madel, sino siya para sabihin iyon sa'yo. I swear I will strangle him with my bare hands."
"Huwag ka maingay dahil gabi na." Bulong ko habang napapikit.
"Magi-girlfriend." Hindi ko na siya narinig dahil nagmura siya nang nagmura. "At anong sabi mo?!" Parang kumunot yung noo niya sa kakatanong.
"Edi umayaw ako." Sagot ko. Proud na proud sa sarili ko.
"Very good. Tama iyan. Wala kang dapat pansinin dun!" Tapos bigla siyang natahimik. "Pero, uhm, weird question lang." Curious niyang tanong.
"Ano?" Tugon ko.
"Pinaganda ka ba nila?" Seryosong tanong niya.
Nasa room na ako. Napatingin ako ulit sa salamin. Napairap. Napahawak sa buhok na inayos nang maayos.
"Medyo." Hinawakan ko yung buong mukha ko.
"At pinicture-an mo ba yung sarili mo?" Tahimik yung paligid niya dahil boses lang niya yung naririnig ko.
"Hindi!" Tugon ko.
"Pero gumanda ka nga?" Ngumisi siya.
"Yung natural ko lang no." Sagot ko habang umiikot ang mga mata ko.
Narinig ko siyang humalakhak. "Fine, fine. Pero, Madel, ingat ka talaga sa, Zach, na iyon. Hindi siya stable."
"At sa tingin mo hindi ko alam iyon?" Bulong ko.
Tumigil si Yan saglit. "Pero kung si, Chendrix, ang gumagawa non---" Hindi niya itinuloy yung mga sasabihin niya.
Hindi ako nakasagot agad.
"Iba hindi ba?" Dagdag niya.
"Ewan." Sagot ko pero alam ko naman ang totoo.
"Uy, kinikilig ito!" Pang-aasar niya sa akin.
"Hindi no!" Pagtanggi ko.
"Sure ka?" Tumawa siya.
"Hindi kayo maingay?!" Sigaw ko sa phone bago ko pinatay.
Humiga ako at tumakip ng unan sa mukha.
"Arghhhhh." Ungol ko. "Ayoko na ng drama. Gusto ko nang matulog!" Bumuntong hininga ako.
Pero kahit anong pilit kong pumikit. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari. Yung sinabi ni Zach. Yung itsura niya nang binato ko yung sapatos na ipinasuot nila sa akin. Yung pagkagulat niya.
Yung tangkang pagiging soft niya kahit baliw siya.
And worst of all.
Yung konsepto na hindi ko alam kung titigilan niya ako. O mas lalo pa niyang gagalawin ang buhay ko.
At kahit ayoko man aminin.
Kabado ako.
Hindi ko siya gusto. Hindi talaga.
Pero kaya niya akong guluhin.
At ayokong hayaan iyon.
"Please!" Bulong ko sa kisame. "Sana hindi ko na siya makita ulit." Umiling-iling pa ako habang tumatakip ng unan sa buong mukha ko.
Pero kilala ko si Zach. Hindi siya yung tipo ng susuko.
At mas lalo siyang nagiging makulit kapag tinanggihan.
Naiinis ako. Natatakot ako. Nahihiya ako. Pero higit sa lahat.
Nai-stress ako.
Bumuntong hininga ako nang malalim.
"Kapag nakita ko pa siya bukas." Bulong ko. "Suntok ulit ang aabutin niya sa akin." Umidlip na ako.