Zach's POV Ka-klase pala namin si Foodpanda rider. Hindi ko in-expect iyon a. Pagpasok ko sa classroom. Day three na ng pasukan. Medyo chill pa rin ang atmosphere. Wala pa ring masyadong heavy discussion. Puro orientation at group activity lang. Umupo ako sa usual spot namin ni Chendrix, Danrel, at Brixzain. Sa likod malapit sa bintana. Para kung gusto kong tumingin sa labas at hindi makinig sa prof, may excuse ako. Paglingon ko, ayun siya. Yung babaeng nakasabay ko nung unang araw. Yung naipit sa pagitan namin ni Fujikira. Siya pala si Madelight. Nabasa ko sa ID niya kahit malayo siya. Ang talas pa rin talaga ng mga mata ko kahit na kailan. Pero sa amin, mas kilala siya bilang Foodpanda girl rider. Hindi ko alam kung saan nagsimula yung tawag na iyon pero mukhang kumalat agad sa bu

