Chapter 2: His Arrival

1302 Words
Weekends ngayon at nasa sala si Dawin at Tassy. Si Tassy ay nagpe-paint at ang canvas niya ay isang sunflower habang si Dawin naman ay nag che-chess mag isa. "Tassy?" tawag ni Dawin sa nakababatang kapatid. "Yes?" tugon nito. "Magdi-dinner lang ba talaga tayo sa birthday mo?" tanong nito. "O-oo bakit? anything in mind?" tanong ni Tassy dahil mukhang may binabalak gawin ang kaniyang kuya Dawin. "Ano eh… boring eh, inom tayo sa birthday mo," seryosong saad ni Dawin habang si Tassy naman ay napahagalpak ng tawa. "Ikaw, bad influence ka talagang Kuya ka noh?" natatawa pa ring saad ni Tassy sa kapatid. "What? you're nineteen, I'm sure dad will not get mad," saad ni Dawin habang nakangiti sa kaniya. "Sige, ipaalam mo ko kay Daddy, pag pumayag, go tayo," saad ng dalaga sa kaniyang kuya. "Seriously Tassy, hindi mo naman na kaylangan pang magpaalam, you're nineteen," tugon ni Dawin. "But I want to, Kuya, and besides sino ba bunso sa atin? Hindi ba't ako? and I'm the only girl in this family," saad ni Tassy. "Sabagay, may point ka, sige, ipapaalam kita kay Daddy," tugon ni Dawin. "Teka, sino ba kasama nating iinom? Tayo lang?" tanong ni Tassy. "Of Course not, invite your friends and… Alice too," sagot ni Dawin na para bang may itinatagong pagtangi sa nabanggit niyang pangalan. "Ay, alam mo ba Kuya, crush ka no'n! kinikilig nga ang babaeng iyon sa iyo tuwing hinahatid mo ko sa classroom eh," saad ni Tassy na tinutukso ang kaniyang kuya Dawin. "We? totoo ba?" tanong ni Dawin na ayaw maniwala sa tinuran ng kapatid. "Oo! Kuya, Alice is beautiful right? why don't you court her?" tanong ni Tassy. "Yeah, she is indeed beautiful pero… nahihiya ako," saad ni Dawin habang kinakagat ng dahan-dahan ang labi. "Bakla ka ba?! ba't ka nahihiya? walang torpe sa lahi natin Kuya! ano ba!" panunukso ni Tassy kay Dawin. "Wag ka namang maingay, baka may makarinig sa iyo!" saad ni Dawin na pabirong tinakpan ang bibig ni Tassy gamit ang kamay niya at tumingin sa paligid dahil baka nauulinigan sila ng mga kasambahay. "Bakit? hindi ba't totoo? I mean, look at Dad, he remarried twice," mahinang saad ni Tassy kay Dawin. "Iba naman kasi iyon Tassy," tugon ni Dawin. Napalingon silang dalawa nang may motor na pumasok sa gate nila. It was none other than Dean na sakay ng kaniyang Ducati motor bike. Para itong isang action star sa suot nitong black leather jacket at nang tanggalin niya ang kanyang helmet ay tumambad sa kanila ang gwapong-gwapo at mala-Diyos ng Griyego na mukha nito sa gulo-gulo niyang buhok. "Ang cool talaga ni kuya Dean noh," saad ni Tassy kay Dawin. "Sus, mas gwapo pa ako diyan kay kuya," naaasar na saad ni Dawin dahil punong-puno ng paghanga ang mga mata ni Tassy sa kanilang kuya Dean. "Kuya Dawin, ano nga palang nangyari? nasaan nga pala ang mommy ninyo ni kuya Dean?" tanong ni Tassy kay Dawin dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang family background ng mga Alvarez. "Mahabang kwento Tassy, at saka half brother ko lang si kuya Dean, magka-iba kami ng nanay, and dad, remarried thrice, pangatlo na ang mommy mo. Amerikana ang nanay ni kuya Dean, kaya Fil-Am si kuya," pagpapaliwanag ni Dawin kay Tassy. "Ahh, kaya pala malaki," napa kunot ng noo si Dawin sa tinuran ng kapatid. "Ang alin?" tanong niya kay Tassy habang si Tassy naman ay parang sinabuyan ng tubig sa gulat sa nasabi niya. "Ay! este, yung katawan niya malaki at saka mahab-este, matangkad, kaya pala matangkad siya!" sabay tawa na halatang pilit dahil nahihiya siya sa mga binigkas niyang salita na siya namang binalewala nalang ni Dawin. Pinapagalitan niya ang sarili sa isip dahil muntik na siyang madulas sa kuya Dawin niya. "Dawin!" tawag ni Dean sa kapatid na si Dawin. "Kuya! nakabalik ka na pala," patakbong sinalubong ni Dawin si Dean sa gate habang si Tassy naman ay binitiwan ang paintbrush niya at sumunod din kay Dawin. "Kuya!" saad ni Tassy na halatang hiningal sa ginawang pagtakbo. "Oh, nandito na ang hinihiling mo," sambit ni Dean kay Dawin at sabay ibinigay sa kaniya ang dala-dala nitong suitcase. "Yes! the best ka talaga, Kuya!" sambit ni Dawin na halatang tuwang tuwa. "Tassy," napalingon naman si Tassy dahil binanggit ni Dean sa kauna-unahang pagkakataon ng mahinahon ang kaniyang pangalan. "Kuya?" tanong ni Tassy. "Give this to Daddy," inabot ni Dean sa kaniya ang isang basket ng prutas at sabay na silang lumakad papasok ng bahay ngunit habang naglalakad sila ay nagsalita pa ulit si Dean, "and one more thing, pakisabi sa lahat na magpapahinga ako sa kwarto ko kaya walang mang-iistorbo, okay?" "O-opo Kuya," saad ni Tassy sa punong-puno ng kapangyarihan na utos ng binata ngunit inignora niya na lamang iyon at pumunta sa sala habang si Dean naman ay dumiretso na sa kaniyang kwarto upang magpahinga. "Daddy, here's your favorite fruits, dala iyan ni Kuya Dean, pina-abot niya sakin," tugon ni Tassy. "Salamat, anak, andyan na pala ang kuya Dean mo sakto, may idi-discuss ako sa kaniyang napakahalagang bagay," sambit ng kaniyang tatay Julio. "Pe-pero Dad, sabi po kasi ni Kuya magpapahinga daw po siya kaya kung maaari wala daw po sanang mang-iistorbo," pagpapaliwanag ni Tassy sa amain. "Ganon ba? Oh siya sige, siguro ay bukas na lamang," sambit ni Julio sa anak. Ibinagsak ni Dean ang katawan sa malambot niyang kama at napatingin sa kisame. Hindi maalis-alis sa isipan niya ang kagandahan ni Tassy, tila nagliliwanag ito sa kaniyang paningin habang nasisinagan ng araw ang makinis at maputi nitong balat, maging ang mapupula nitong labi at ang nangungusap na mga mata ay mistulang tinutunaw ang puso niya at hindi siya makapaniwalang sinalubong siya nito sa pag-uwi niya kahit na wala siyang ibang ginawa kundi sungitan ito. Alas Otso na ng gabi nang lumabas si Dean ng kwarto niya at nagpunta sa sala. Nakita niya ang mga gamit ni Tassy sa pag pe-paint pati na rin ang painting nito na hindi niya natapos. "Anna!" tawag ni Dean sa kasambahay nilang si Anna na kaagad-agad namang lumapit sa kaniya. "Asan si Tassy?" tanong ni Dean sa kasambahay. "Ay baka nasa kwarto niya ho Sir, nakatulog na ata, hayaan n'yo po at ako na ang magliligpit ng mga gamit niya," saad ni Anna sabay kuha ng mga paintbrush na nagkalat. "No! tawagin mo siya at ipaligpit mo sa kaniya 'yang kalat niya, bilis!" utos niya kay Anna na kaagad na sinunod ni Anna at umakyat sa itaas upang pumunta sa kwarto ni Tassy. Kumuha naman ng Brandy si Dean at isinalin iyon sa glass na baso, nakita niya na dahan-dahang bumaba si Tassy ng hagdan na nakadamit pantulog. She was wearing a red silk terno, bagay na bagay ito sa maputi at makinis niyang balat. Nagkusot-kusot ito ng mata at dahan-dahang pinagpupulot ang mga paintbrush na nai-kalat niya kanina. "Damn it Tassy, kung hindi ka pa pupuntahan ni Anna sa kwarto mo ay hindi mo pa liligpitin 'yang mga kalat mo!" pagrereklamo ni Dean kay Tassy ngunit hindi siya pinapansin nito bagkus ay tahimik lang nitong nililigpit ang mga art supplies niya. "I mean, look at that mess! Ang tanda-tanda mo na para magkalat ng ganyan!" pagrereklamo pa nito. "So-sorry po Kuya, liligpitin ko naman na sana kanina ang mga ito kaso ay nakatulog ako," pagpapaliwanag ni Tassy ngunit nakasimangot pa rin si Dean sa kaniya. Iwas na iwas ang dalaga na magtagpo ang mga mata nila ngunit iyon naman ang nais ni Dean, gusto niyang titigan ang mga mata ni Tassy kung kaya't hinuhuli niya ang tingin nito ngunit talagang natatakot ito sa kaniya kung kaya't nang matapos itong magligpit ay dali-dali itong umakyat sa kwarto niya. Napailing nalang si Dean at ininom ang Brandy na tumabang na dahil sa nakahalong yelo sa loob non.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD