"Reese?" gulat na gulat na sabi ni Tita habang nakatingin sa batang hawak ko. "Tita..." Agad s'yang lumapit sa kinatatayuan ko at hinawakan ako ng marahan sa mga balikat. "Anak, ba't may hawak kang... bata?" gulat pa rin na tanong n'ya. Nakatingin lang sa amin si Tito at parang nago-obserba lamang. Umiyak ang bata dahil siguro sa ingay kaya pinatahan ko ito. Tumingin si Tita kay Tito. "Hon, is there any extra bottle?" "I think so." nakakunot ang boo na sabi ni Tito. "Do you want me to make him a milk?" "Yes, please." tumango si Tito at umalis. Nagtataka at gulat pa rin na nakatingin sa akin si Tita kaya inabot ko sa kan'ya ang letter na nakita ko sa basket kanina. Agad n'ya itong kinuha at binasa kaya umupo muna ako sa couch habang pinapatahan ang bata. "Poor child..." malun

