Chapter 9

1836 Words
Nandito na ako sa school parking lot at naglalakad papuntang elevator kaso napapansin ko na ang ibang estudyante rito ay napapatingin sa akin. Ginagawa naman na talaga nila 'yon kahit noon pa, kaso kakaiba ang mga tingin nila sa akin ngayon. Atsaka ko lang naalala. Paanong hindi nila ako pagtitinginan, e, may nagpost ng video ko habang kumakanta sa party ni Tita. Paano ba naman kasi paggising na paggising ko kahapon, linggo, e, may biglang may video na pala ako sa internet na maraming views, reactions, at comments. Ang video lang naman ay 'yong kumanta ako sa birthday ni Tita last Saturday. Hindi ko akalain na may nag-video pala sa akin ng gabing 'yon. Kaya ngayon andaming nagulat na marunong pala akong kumanta. Well, totoo namang marunong ako itinuro kasi sa akin 'yon ni Mommy ng nabubuhay pa s'ya. Sadyang mas hilig ko lang ang pagsasayaw, itinago ko lang sa lahat na marunong akong kumanta. Konting tao lang ang mga nakakaalam no'n, ngayon marami ng nakakaalam. Hidden talent ko pa naman 'yon, ngayon hindi na s'ya hidden, nabunyag na kasi s'ya. Dati sanay na akong tinitignan ng ibang estudyante, ngayon naiilang na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung tutungo ba ako habang naglalakad o hindi na lamang sila papansinin at titingin na lang sa harap. Kaso kahit gano'n ang gawin ko ay naiilang pa rin talaga ako. Nang makapasok na ako sa room ay agad akong pumunta sa pwesto ko at isinubsob ang ulo ko sa desk. Naramdaman kong may kumalabit sa akin sa right side ko kaya tumingin ako sa side na 'yon at nakita si Michelle na sobrang lawak ng ngiti sa muhka. "May kailangan ka?" Mahina pero bored na tanong ko. Napahagikgik naman s'ya. "Galing naman pa lang kumanta, girl!" nakangising sabi nito at mahinang hinampas ako sa braso kaya isinubsob ko ulit ang muhka ko sa desk at umungol sa hiya. "Ano ka ba? 'Wag kang mahiya. Dapat nga proud ka dahil napakita mo ang hidden---este ang isa mo pang talent." sabi nito sa'kin. "Alam ko naman 'yon. Sadyang mas sanay lang akong i-perform ang pagsasayaw kesa ang pagkanta. Kaya naninibago ako at alam kong naninibago rin sila kasi puro pagsasayaw lang naman naipe-peform ko." Kinurot n'ya ako sa braso kaya hinimas ko ang parteng kinurot n'ya. "Aray ha!" reklamo ko. "Gaga ka!" mataray na aniya. "Bakit mo ko minumura? Inaano kita?" kunot noong tanong ko. "Anong sinasabi mong naninibago?" nakataas na kilay na sabi nito at natigilan sandali at bumalik na naman sa pagtataray. "Well, nanibago nga sila kasi akalain mo 'yon, si Reese Villanueva, na ang hilig ay ang pagsasayaw, e, marunong pa lang kumanta? Pero mas nangingibabaw ang paghanga nila sa'yo, kasi hindi ka lang matalino, magaling ka pang sumayaw at kumanta kaya sinong hindi hahanga sa'yo 'di ba?" sabi n'ya sa akin habang ako nakatitig lang sa kan'ya. "Wala akong pera." Pinalo na naman n'ya ako. "Gaga ka! Hindi ko naman sinabi na bayaran mo ko dahil lang sa pinuri kita 'no." pagtataray na naman n'ya kaya natawa na lamang ako. Mabuti na lang ay tapos na ang klase namin pero dahil tinatamad pa kong umuwi ay pumunta ako sa cafeteria para kumain kaso natigilan ako dahil nakita ko si Reo sa loob na may kasamang babae at nagtatawanan sila. Madali lang naman silang makikita dahil kakaunti lang mga estudyante rito. Parang nanikip ang dibdib ko dahil sa nakita pero isiniwalang bahala ko na lamang ito. Ano naman kung may kasama s'yang babae, hindi ba? Wala naman s'yang magagawa. Hindi n'ya pwedeng pagbawalan si Reo, may sarili itong mundo. Atsaka magkaibigan lang naman sila. Kung makikipag-date ito ay labas na ako roon. Wala na dapat akong pake. Oo, masasaktan ako, pero kung ayon ang magpapasaya sa kan'ya ay tatanggapin n'ya 'to. Naglakad ako papasok ng cafeteria na parang hindi sila nakita at nagpunta ng kusina. Sinalubong ako ng isang staff ng makita n'ya ako kaya nginitian n'ya ako kaya nginitian ko rin s'ya. "Hello po, Miss Reese, ano pong ginagawa n'yo rito?" tanong n'ya sa akin. "Ah... may gagawin lang sana ako sa kitchen," sagot ko. Sinilip ko ang likod n'ya, which the kitchen "Nand'yan pa ba si Chef Tim?" tanong ko. "Opo, nandyan pa." sabi n'ya kaya tumango ako. "Sige, papasok na ko sa loob. Salamat." "Sige po." Pagkapasok ko sa kitchen ay nakita ko ang tatlong chef namin at iba pang mga staff na nandito. Kumunot ang noo ko ng makitang nandito pa nga si Chef Tim. Nagpaalam kasi s'ya sa amin na kailangan n'yang umuwi ng maaga dahil nasa ospital ang anak n'ya kaya nagtataka ako kung bakit nandito pa rin s'ya. Lumapit ako sa pwesto ni Chef Tim dahil nakatalilod s'ya ay hindi n'ya pa rin ako napapansin. Ilang metro ang layo ko sa pwesto n'ya kaya ng makita ako ng ibang staff at chef at sinenyasan ko silang tumahimik kaya tumango sila habang nangingiti. Inilagay ko sa likod ko ang mga kamay ko at hinihintay na lumingin sa akin si Chef. Nang lumingin ito sa akin ay napaatras s'ya sa gulat, napahawak pa s'ya sa dibdib n'ya sa sobrang gulat kaya narinig ko ang mahinang tawanan ng iba kaya napangiti ako sa reaksyon n'ya. "Reese, ginulat mo naman ako! Itong batang 'to talaga, oo." sabi n'ya habang nakahawak pa rin sa dibdib n'ya kaya pabirong tinaasan ko s'ya ng kilay at nameywang sa harap n'ya. "Ako rin, Chef, nagulat din ako sa'yo." sabi ko kaya kumunot ang noo n'ya sa pagtataka. "Ano pa rin po ang ginagawa mo rito?" mataray na sabi ko sa kan'ya. Alam n'yang nagbibiro ako ngayon dahil hindi ko naman talaga kayang magalit sa kanila. Sadyang ganito lang ako sa kanila makipagbiruan. "Naku, Miss Reese, pagalitan mo 'yan!" natatawang sabi ni Chef Elle kaya nilingon ko s'ya. "Kanina pa namin s'ya pinapaalis pero ayaw n'ya, tutulong daw po s'ya sa paglilinis dito kahit kaya naman namin." Dahil sa narinig ay hinarap ko ulit si Chef Tim at pinaningkitan s'ya ng mata. "Alis na kasi, Chef." pagtataboy ko sa kan'ya. "Ha? P-pero--" "Wala ng pero pero..." pumunta ako sa likod n'ya at hinawakan s'ya sa magkabilang balikat. "Aalis ka na, Chef," sabi ko at tinulak s'ya ng marahan. "at aalagaan mo ang anak mo, okay? Okay." Wala na s'yang nagawa ng ibinigay ng isang staff sa kan'ya ang gamit n'ya habang marahan ko s'yang tinutulak papalabas ng kitchen. Pagkalabas namin ay hinarap n'ya ako at halata sa muhka n'ya na gusto n'ya ulit bumalik sa loob para makatulong pero kailangan s'ya ng pamilya n'ya ngayon lalo na ang anak n'ya kaya kailangan na n'yang umuwi. "Chef, 'wag ka ng mag-aalala, okay? Ako na ang tutulong sa kanila rito. Kaya ikaw, pupunta ka na mg ospital at aalagaan mo ang anak mo." sabi ko kaya bumuntong hininga s'ya at tumango. "Sige, salamat. Babawi ako sa susunod." sabi n'ya. "Ingat po kayo sa pag-uwi, Chef." nakangiting sabi ko sa kan'ya kaya tumango s'ya sa akin at nginitian ako pabalik. "Kayo rin. Una na ako." sabi n'ya at umalis kaya pinanood ko muna s'yang lumabas ng cafeteria bago ako pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay inilagay ko sa gilid ang bag ko at tumulong na sa kanila sa pagliligpit at paglilinis sa loob ng kusina. Inabot din kami ng ilang oras dahil sa laki ng kitchen kaya natagalan talaga kami dahil anim na staff, dalawang chef, at ako lang ang nandito na naglilinis sa loob ng kusina. Pagkatapos naming maglinis at magligpit ay agad na mga nagsi-ayos at nag-uwian ang iba. Ako, si Chef Elle, at dalawang staff na lang ang natira dito sa kitchen. Nagpapahinga lang ako ng nagpaalam na sa akin ang dalawang staff na uuwi pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na rin si Chef Elle. Ako na lang ang natitira rito kaya nagpasya na akong umuwi kaya kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng kusina. Nilock ko ang pinto nito gamit ang spare key at lumabas ng cafeteria, wala na rin sila Reo sa pwesto nila kanina, sabagay, uwian na rin naman kasi ng ibang staff dito sa cafeteria kaya kailangan wala ng ibang estudyante dahil nag-aayos at nagliligpit sila. Konting staff na lang naman ang mga nakikita ko ngayon dahil anong oras na rin. Wala akong nakasabay sa elevator pagkasakay ko kaya sobrang tahimik at bumalik na naman sa akin ang arrange marriage na napag-usapan namin ni Dadddy nung nakaraang araw. Nakapagdesisyon na ako at sasabihin ko na lang ito kay Daddy pero kapag gano'n kung ano man ang maging desisyon ko ay sana tanggapin n'ya at ang pamilya ng kaibigan ni Mommy. Konti na lang ang kotse sa parking lot kaya agad ko ring nakita ang sasakyan ko kaya agad ko itong nilapitan. Pinatunog ko ito para bumukas ang lock kaya agad akong pumasok at nagmaneho papauwi. Mabuti na lang din hindi masyadong traffic kaya naka-uwi na rin ako kaagad. Pagkalabas ko sa sasakyan ay saktong nakita ko ang isa naming katulong kaya agad ko itong nilapitan para magtanong. "Miss Reese..." bati n'ya sa akin kaya nginitian ko s'ya. "Nandyan na ba si Dad?" tanong ko sa kan'ya. "Opo, may ka-meeting din po s'ya." kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Ka-meeting?" "Opo, lalake nga po 'yon e." kaya tumango-tango ako. "Kanina pa ba sila nagme-meeting?" "Opo, kanina pa. Hanggang ngayon nandyan pa rin sila." sabi n'ya kaya tumango. "Sige, salamat." sabi ko kaya tumango naman s'ya kaya naglakad na ako papunta sa study room ni Daddy. Kumatok muna ako at ng makarinig ng signal na pwede akong pumasok ay binuksan ko ito ng dahan-dahan at sumilip sa loob. Tama nga ang sabi ng katulong, may kausap nga si Dad na lalake, ang Secretary n'ya. Si Secretary Marcus Valdez. Naka-upo s'ya sa itim na mahabang sofa at nasa left side nito si Dad na nakaupo sa single couch. Sinenyasan akong pumasok ni Dad kaya dahan-dahan din akong pumasok at tahimik kong isinara ang pinto. Nginitian ko si Secretary Valdez at nginitian din n'ya ako pabalik kaya tinignan ko naman si Dad. "Can I talk to you, Dad? Kung tapos na po kayong mag-usap ni Secretary Valdez?" magalang na tanong ko sa kan'ya. "You can talk to your father, Miss Reese. We're already finished talking." magalang at nakangiting sabi sa akin ni Sec. Valdez at humarap kay Dad. "I'll go ahead, Sir. Aasikasuhin ko na po 'to." sabi n'ya at ngayon ko lang napansin na may mga hawak s'ya folder na nasa kandungan n'ya. Tumayo s'ya sa upuan n'ya kaya tumayo na rin si Dad and he tapped Sec. Valdez shoulder with smile on his face. "Sige, mag-iingat ka, Marcus." nakangiting sabi ni Dad kaya tumango si Sec. Valdez habang nakangiti rin kay Dad. Pagkatpos no'n ay nakipagtanguan lang ako sa kan'ya at hinintay s'yang umalis. Nang makaalis na s'ya ay umupo ako sa kaninang pwesto na inupuan ni Sec. Valdez. "What are we going to talk about, sweetie?" Malambing na tanong sa akin ni Dad kaya bumuntong hininga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD