Simula kaninang umaga, kanina ko pa napapansin na parang may gustong sabihin sa akin si Reo pero kapag naman tinatanong ko s'ya ay umiiling lamang s'ya at pina-pat ang ulo ko na mas lalo kong ikinatataka pero hindi ko na lamang s'ya pinipilit dahil alam kong sooner or later, magsasalita rin s'ya. Nandito kami sa site at kanina ko pa rin napapansin ang sobrang paglapit ni Denise kay Reo pero parang wala lamang ito kay Reo. Siguro nasanay na rin s'ya na maraming lumalapit sa kan'yang babae katulad ng nakikita ko... noon. Napapaiwas na lamang ako ng tingin para baka sakaling hindi ko na ulit maramdaman ang sakit katulad noon kapag nakikita ko s'yang may kasamang ibang babae. "Bagay sila ni Denise, 'no?" rinig kong sabi ng isang trabahante na medyo may kalapitan sa akin. "Totoo." "Dapat

