Chapter 22

1419 Words
Nandito kami ni Ate sa shop n'ya ngayon. Well, aside sa pagiging teacher ay mahilig din s'ya sa fashion kaya nagpatayo s'ya ng sarili n'yang shop pagkatapos n'yang mag-aral ng fashion design. "Well, program naman iyon at isa ka rin sa mga mage-emcee 'no?" tanong n'ya kaya umiling ako. Tumingin-tingin s'ya sa mga racks hanggang sa makahanap s'ya. "Why?" "Ayokong maging emcee, ayun yung request ko sa kanila kung kakanta ako e." nakangusong sabi ko. Ayoko talagang humarap sa maraming tao. "Pumayag?" tanong n'yang habang naghahanap nang damit. "Yep." Kinuha n'ya ito at tinapat sa harap ko. Sleveless ito na kulay puti at may red roses ang design. Two inches above the knee naman ang haba nito. Sinipat-sipat pa ni ate kung talagang bagay ito sa akin at ng makuntento ay ibinigay n'ya ito sa isang staff. "May white dress ka 'di ba?" tanong n'ya. Tumango ako bilang sagot. "Hindi mo pa nasusuot?" "Hindi pa." "Suotin mo 'yon. Pamalit. O kaya gamitin mo kapag nagperform ka." "Gagamitin ko na lang 'yon kapag nagperform ako." sabi ko kaya tumango s'ya. "Kukuha pa ko. Para hindi naman masyadong boring ang itsura mo dahil iisa lang ang suot mo the whole program." sabi n'ya kaya hindi na lang ako nagsalita dahil mas maalam naman s'ya dito. "Ah! Ito." sabi n'ya at may kinuhang dress. Sleveless rin ito pero peach naman ang kulay, lace type ito pero may tela pa naman sa loob pero mga four inches above the knee ito at ang lace part naman ay two inches, may design din itong pa-heart. Sa bandang collarbone ay nahahalata ang balat ko dahil walang tela ito sa loob pero wala namang makikita dahil pagdating sa dibdib ay may tela na kaya kahit cleavage ko hindi makikita. Kung may makikita nga ba. "Kukunin din natin 'to." sabi n'ya at binigay ang dress sa staff, nang kukuha ulit s'ya ay pinigilan ko s'ya. "Why?" nagtatakang tanong n'ya. "'Wag ka ng kumuha, Ate. May isa pa naman akong dress na hindi ko pa nasusuot e. Ayun na lang susuotin ko." "What color?" "Champagne." tumango-tango s'ya. "Okay." sinenyasan n'ya ang staff kaya tumango ito at lumapit sa counter. Napaupo na lamang ako sa isa sa mga upuan dito sa shop. Ewan ko ba, pero parang pagod na pagod ako e, wala naman akong masyadong ginawa kundi ang maglakad at sumagot sa mga tanong ni Ate. "How are you?" tanong n'ya pagka-upo sa tabi ko. "I'm fine. Medyo pagod lang dahil siguro sa program." "That's not what I'm talking about." sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya habang nakakunot ang noo, nagtataka. "What do you mean?" "Your heart, how is it?" natigilan ako sa tanong n'ya. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo. "My heart? Nandun pa rin naman yung sakit kasi hindi naman agad-agad mawawala 'yon e. Pero alam mo yun, yung kahit pa pala papa'no nabawasan yung sakit kasi nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kan'ya. Nalabas ko na yung sakit na kinimkim ko." tumango-tango s'ya. "Dun ko rin na realize na, makakahinga ka lang talaga ng maluwag kapag nasabi mo na at nagpakatotoo ka. Mawawala na yung bigat sa dibdib mo na matagal mo ng kinikimkim." "Nagalit ka sa kan'ya?" tumango ako. "Oo naman, sino ba namang hindi? Kasi hindi ko na nga hiningi yung pagmamahal n'ya e, pero kahit respeto man lang, kahit yun lang, okay na sa'kin. Pero hindi n'ya binigay kaya ang sakit. Sobra pa akong nasaktan kasi yung taong mahal ko, ganun pala." "Kung alam mong ganun s'ya noon pa man, may chance kaya na mahalin mo pa rin s'ya?" "Mahalin? Sobrang lalim na kasi n'yan, pero siguro magustuhan oo, hindi naman imposible, pero mahalin s'ya kung alam ko na gano'n s'ya, d'yan ako hindi sigurado." Hinaplos ni Ate ang buhok ko kaya napatingin ako sa kan'ya. Parang may kung anong emosyon sa mata n'ya pero hindi ko mabasa. "May chance bang mapatawad mo s'ya?" sabi n'ya at tinignan ako sa mata. Natigilan ako. Hindi dahil sa tanong n'ya kundi yung emosyon sa mata n'ya. Pero bigla rin itong nawala kaya napaiwas ako ng tingin. "Oo, kahit naman papa'no paunti-unti ko na rin naman s'yang napapatawad. Atsaka may pinagsamahan naman kami, kahit yun na lang yung matira, Ate. Ayokong mawala yun. Sayang e." Tumango-tango s'ya at nginitian ako. "Alam kong malalagpasan mo lahat. Matatag ka e." Nandito ulit ako sa music room para magpractice. Dahil tapos na rin naman kami magdesign sa gymnasium pero sila na raw bahalang magdouble check kung may mga kailangan pang-ayusin. Half day naman kami ngayon para bukas kaya ngayon naisipan kong magpractice para kahit papa'no ay alan ko talagang may hinanda ako. Unlike, noon na biglaan at hindi ako prepared. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at nakita ko si Ryzk na may hawak na mga pagkain. Kaya nginitian ko s'ya at kinuha ang sandwich na nasa kaliwang kamay n'ya. "Tuna?" tanong ko kaya tumango s'ya kaya lalong lumapad ang ngiti ko at agad-agad na binuksan ang wrapper. "Dahan-dahan naman. Mabulunan ka n'yan e." sabi ni Ryzk habang ngumunguya ako. Ang laki kasi ng kinagatan ko kaya akala n'ya mabubulunan ako. Pero tama nga ata s'ya dahil nabulunan nga ako. "Ayan kasi." sabi n'ya kaya agad n'yang binigay ang tubig sa akin habang hinahagod ang likod ko. Pagkatapos kong uminom ay umubo-ubo pa ako at dahan-dahang ngumuya nang kumalma na ko. "Okay ka na?" tanong n'ya kaya tumango ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya habang kumakain. Hindi naman din s'ya nagreklamo kaya nanatili ako sa pwesto ko. Nagkwentuhan din kaming dalawa. Nagsuggest din s'ya ng mga kanta pero sinabi n'ya na kantahin ko raw ulit 'yong kinanta ko nung birthday ni Tita Grace, nalaman pala ng buong students dito sa university na kakanta ako sa program kaya wish daw nila na marinig live yung kinanta ko noon, kaya pumayag ako since kakantahin ko nga rin pala yung break up version n'ya. Mabuti na lang at nand'yan s'ya. Tinulungan n'ya rin akong magpractice dahil wala rin naman na kaming pasok. Habang nag-aayos kaming dalawa ng gamit ay tinawag ko s'ya. "Ryzk?" "Yep?" respond n'ya habang nag-aayos ng gamit. "Do you always . . . visit her?" marahang tanong ko kaya tumigil s'ya sa pag-aayos at hinarap ako. Ngumiti s'ya kaunti. "Minsan hindi. Dahil busy pero maiintindihan naman n'ya ako kasi nagsasabi naman ako sa kan'ya kapag magiging busy ako." "Can you---?" "Bring you to her?" tumango ako. "Sure, if that's what you want." Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan dala-dala ang binili naming bulaklak para sa kan'ya. Sumusunod lang ako kay Ryzk hanggang sa makarating kami sa lapida n'ya. Nakita namin na may nakasinding kandila at may bulaklak, halatang bumisita ang mga magulang n'ya rito. Pagkalapag ko ng mga bulaklak ay umupo ako sa harap ng lapida n'ya since malinis naman rito. "I'll leave you for a while." Sabi ni Ryzk kaya nilingon ko s'ya at tinanguan. Tumango rin s'ya sa akin at naglakad papalayo sa pwesto ko. Nilingon ko ulit ang lapida n'ya at hinaplos ito. "I miss you." nakangiting sabi ko. Naramdaman kong medyo kumirot ang puso ko. Siguro masakit pa rin pero tanggap ko na, na wala na talaga s'ya rito. "We bought your favorite flower, pink tulips." napakagat labi ako. "Sorry kung hindi ako nakakabisita rito ah? Pero alam ko namang binibisita ka ni Ryzk kaya isipin mo na lang din na binisita kita." napangiti ako sa sinabi ko. "Kakantahin ko nga pala 'yung kinanta mo nung nag-audition ka para sa glee club this Valentine's Day. Sana mapakinggan mo kung nasa'n ka man at sana magustuhan mo rin." napatingin ako sa langit at tumingin ulit sa lapida n'ya. "I'm in the process of healing dahil sa broken engagement namin ni Reo." napangiti ako ng malungkot. "Akalain mo 'yon, Selene, yung gusto ko mapapangasawa ko na dapat. Pero wala e, hindi yata talaga kami mean to be." pinunasan ko yung luhang tumulo sa mata ko. "Pero okay lang, at least naranasan ko kung pa'no ma-in love. Naranasan ko na okay lang din pala kahit masaktan tayo kasi yung sakit, ayun pala yung tutulong sa'tin na maggrow, ayun yung magbibigay sa'tin ng lesson sa buhay na dadalhin natin hanggang sa tumanda tayo. And it's fine, tatanggapin ko." napailing na lamang ako at ngumiti. "Ano ba yan. Ngayon na nga lang ulit ako bumisita, bad vibes pa sasabihin ko sa'yo." naramdaman kong lumakas ang hangin kaya napangiti ako lalo. "I miss you and I love you, Selene."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD