"Sumama ka na sa'min, bal!" sabi ko sa kan'ya habang hinahatak-hatak ang sleeves ng uniform n'ya. Niyayaya kasi namin s'yang sumama sa amin kumain sa labas. Ang SSG officers lang naman ang makakasama namin ayaw n'ya pa. "Bal..." "Sige na, please!" pinagdikit ko ang dalawang kamay ko at tumitig sa kan'ya. Nagpapacute pa talaga ako para lang mapapayag s'ya. "Ba't ko pa kasi kailangan sumama?" tanong n'ya. "Para may kasama ako. Atsaka date natin." sabi ko. I even wiggled my eyebrows that make him laughed. Tumango-tango s'ya at ginulo ang buhok ko. "Okay, fine. Sasama na ko." "Yes!" sigaw at napapalakpak pa sa tumawa kaya napailing na lamang s'ya sa inakto ko. Kumapit ako sa braso n'ya at hinarap ang mga officers na kanina pa nanonood sa'ming dalawa. "So, ano? Tara na?" tanong ko.

