Ilang linggo pa kailangan mag-stay ni Ryzk sa ospital kaya madalas ay bumibisita ako sa ospital para maalagaan s'ya minsan pa nga ay kasama ko si Aku para kahit papaano ay hindi maburyo si Ryzk doon at lagi rin kasing hanap ng anak ko ang Tito n'ya. Katulad ngayon nandito na naman kami ni Aku sa ospital at this time ay nandito rin si Reo. "Mags-stay na ba kayo rito ni Aku, Reese?" tanong sa akin ni Ryzk. Tumango ako. "Yes, bal. Atsaka balak ko rin na magtayo ulit ng isa pang branch na restaurant e. Gusto ko sanang tulungan mo ko para may makasama rin ako kaso nandito ka naman." "Sisimulan mo agad 'yon?" Tumango ulit ako. "Oo. Para na rin sa amin ni Aku." Tumango-tango s'ya. "Oo nga pala. Ang sabi ko sasamahan kita kapag may plano ka na kaso nandito pa rin ako sa ospital." Nabalutan

