Wala si Reo ngayon dahil may kailangan daw silang puntahan at magi-stay sila roon ng halos isang buwan. Kaya kami nila Ryzk at Aku ay mamasyal dahil sila Dad at Ate ay hindi available ngayon kaya kaming tatlo lang muna. Pero sabi nila babawi sila sa susunod. Sisiguraduhin daw nila na magkakasama na kaming lima sa susunod na pamamasyal. Ngayon ay balak namin na pumunta kila kuya Peter dahil gusto na raw nila makita ang anak ko. Ang problema ay wala si Tito dahil may pupuntahan sila. "Saan tayo punta po, Mama?" tanong sa akin ni Aku. Magkatabi kami ngayon dito sa back seat para mas mabantayan ko s'ya. Habang si Ryzk ang nagmamaneho para sa amin. Gusto ko nga na sana ako ang magmamaneho dahil kakalabas lang n'ya ng ospital pero nagmamatigas s'ya na s'ya na lang daw ang magmamaneho kaya

